Chapter 2.Black man

1.9K 33 0
                                        

𝑳𝑬𝑿𝑰𝑬 𝑷𝑶𝑽.

Maaga akong gumising para pumasok sa eskwelahan.Pababa nako ng hagdan ng nakita ko si lance na naglalaro sa sala.

"Lance,magbihis kana"Utos ko.Pero di man lang ako nilingon nito.Bagkos patuloy lang ito sa paglalaro.

Nilapitan ko ito."Lance,magbihis kana malalate kana naman sa school"Wika ko at hinawakan ang balikat nito.

Lumingon ito at laking gulat ko ng maitim na ang mata nito.At sobrang puti ng balat nya.Nagising nalang ako ng hingal na hingal at pinagpapawisan.

"Lexie anak,okay kalang?"Nag-alalang bungad ni mama.

Tumayo ako sa higaan at naiiyak syang tinignan.

"Ma,okay kalang lang ba si lance?"tanong ko.Bagkos ay niyakap nya lang ako.

"Maligo kana lexie anak,okay lang si lance"pilit nitong ngiti.Pero kita ko sa mata ni mama ang sakit.

Tulala lang akong nakatitig sa pader.Litong lito nako sa mga nakikita at napapanaginipan ko.

"Lexie oras na"Bulong ng kung sino.

Nilingon-lingon ko ang paningin ko.At pansin kong tahimik lang ang mga kaklase kong nakikinig sa teacher namin.

Ng biglang may humawak sa balikat ko.Agad akong lumingon at laking gulat ko si teacher bethany lang pala.

"Are you okay lexie? You look pale"Nag-alala nitong sabi.Sabay hawak sa noo ko.

"Okay lang po ako"Pilit kong ngiti.

"You sure?"Paninigurado nito.Kaya tumango ako bilang sagot.

"Okay class,tomorrow will be a special fieldtrip to us"Nakangiting wika ni ma'am.Kaya nagsigawan naman ang mga kaklase ko.

"Ano pong klaseng fieldtrip ma'am?"wika ng isang kaklase ko.

"Will were going for a camping!"Masayang turan ni ma'am bethany.

"Ahm ma'am pwede pong di nalang ho ako sumama?"Tanong ko.

"Why lexie? It's all for free no payment for a fieldtrip.In fact we have an activity to make and all students should come"mauturidad ni ma'am.

"Bat ayaw mong pumunta lex?!"nagtatampo na wika ni camille.

"Kasi hindi pwede,iwan koba pero kakaiba ang nararamdaman ko pagpupumunta ako sa kakahuyan"pagliliwanag ko.

"Nako lex gutom lang yan,halika ka punta tayo sa cafeteria libre ko"pang-aaya nito.Kaya tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

"Taddaaann"masiglang wika ni camille sabay lapag ng tray.Napamangha naman ako sa rami ng pagkain na binili nya.

"Para sayo yan,pansin ko kasing wala ka sa sarili mo this past few days kaya ito"

"Salamat talaga camille"ngiti kong sabi dito.

Ng pansin ko sa kalayoan na merong nakasandal na lalaki.Nakasuot ito ng cape na itim biglang tumaas ang balahibo ko ng ngitian ako nito.

"Lex okay kalang ba?"nag-alalang sabi ni camille.Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Baka gutom lang siguro ito.Kaya kong ano ano nalang nakikita ko"pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Kumain nalang ako ng lumpia,pansit at adobo.Dinamihan ko din ng kanin,siguro guni-guni ko lang yun.At gutom lang talaga.

"Grabe camille nabusog ako"sabay hawak sa tiyan ko.

"Kita ko nga eh haha"tawa nitong sabi.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa hallway.At pansin naming tahimik ang paligid.

"Class hour naba?"tanong ko kay camille.Umiling ito at tumingin sa relo nito.

"15 minutes bago mag-start ang klase pero bat ang tahimik ata?"takang wika ni camille.

Pati rin ako nagtataka.Nasanay kasi kami ni camille pagdumaan kami sa hallway maingay talaga.

Sumilip kami sa isang classroom.At napatanto namin na walang mga estudyante kahit isa.Biglang tumakbo ang isang lalaki at pawis na pawis.

"Excuse me anong nangyari dito?"wika ni camille.

"May namatay daw na estudyante sa kakahoyan"hingal na wika nito.Sabay alis.

Nagtinginan kami ni camille at patakbong tinungo ang pangyayari ng aksidente.Dipa kami nakarating kita na namin ang nagkumpol-kumpolang estudyante.

"I don't like this lex"takot na ani ni camille sabay hawak sa kamay ko.

Kita namin ang walang buhay na babae na wala ng laman ang katawan nito.Napalunok ako sa sarili kong laway at di makasalita.

Kasabay nito ang malamig na simoy ng hangin.

"Ano ba naman yan nanindig ang balahibo ko"
"Sino namang tao ang gagawa nyan jusko!"
"Ayaw kona dito"

Sari-saring komento ang naririnig ko mula sa mga estudyante.Dumating ang mga teachers at gulat din sila sa nakita.

"Okay students we should investigate this!!Back to your class already!!"sigaw ng isang guro.

Bago pa ako umalis ay tumingin muli ako sa punong kahoy.

"Lex halika kana"wika ni camille sabay hila ng kamay ko.

"Nako kung ano-ano talaga nakikita mo"saad pa nito.At hinila ako kung saan.

"Ma,may fieldtrip po kami pwede po ba akong sumama?"Tanong ko kay mama ng mailapag ko ang plato sa mesa.

"Anong klaseng fieldtrip?"

"Camping po may ac-"Di kona natapos ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"Hindi pwede lexie.Nawala kana dati at ayaw ko ng maulit yun mababaliw ako pag"nagpapanic na sabi nito.

"Ma easy lang kayo.Di ako mawawala promise ko po yan"niyakap ko si mama.At pinakalma.

Inihanda kona ang plato at kutsyara.Para kumain na kami.

"Lexie tawagin mo nga si Lance"utos ni mama.Kaya agad ako umakyat at tinungo ang kwarto ni lance.

Bago pa ako nakapasok ay nakarinig ako ng boses ng kapatid ko.

"Kuya bat po kayo nandito?"biglang nanindig ang balahibo ko.kaya agad kong binuksan ang pinto.

At bumungad sakin ang mukha ni lance.Tila nagtataka.

"Halika kana lance"wika ko.Sabay buhat sa kanya palabas ng kwarto nya.

"Lexie"Rinig ng barotong boses bago ako maka-alis.

____
_________

Mystic World [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon