𝑳𝑬𝑿𝑰𝑬 𝑷𝑶𝑽.
After nong nasaksihan namin lahat.Merong nagpadalang imbestigador at mga pulis dahil sa nangyari.
"Students,i'm sorry but we need to leave this forest immediately"utos ni ma'am bethany.
Kaya wala kaming magawa kundi mag-impake nalang at umalis.Kasalukuyan kaming nagiimpake ngayon ni camille ng tapikin ako nito sa balikat.
"Lex samahan moko pumunta sa ilog sige na"pang-aaya nito.Pero umiling ako.
"Hindi pwede aalis tayo oh"turan ko.
"Pretty please"pagmamakaawa nito.Kaya wala akong magawa kundi samahan sya.
Nandito kami ngayon sa mabatong ilog.Meron ding maliit na water falls kaya kita mo ang ganda ng ilog nato.
Hapon na at magdidilim na.May kinuha si camille sa bag nito at bumungad sakin ang isang plastic bottle.Nilublob nito ang bottle dahilan para mapuno ito ng tubig ng ilog.
"Para san yan?"kunot-noo kong tanong.
"For research"ngisi nitong sabi.Sabay takip ng bottle.
Biglang dumilim ang paligid at kasabay nito ang walang humpay na kulog sa kalangitan.Nagtinginan kami ni camille sabay takbo paalis sa lugar nayun.
Pagdating namin sa camping side ay walang katao-tao na ang lugar.Agad naming kinuha ang bag namin sa damuhan.
"Lex anong gagawin natin?"natarantang sabi nito.
May nakita akong lumang bahay malapit lapit sa camping side.Kaya agad kong sinabihan si camille na pumunta ron.Patakbo kaming nag-uunahan malapit sa bahay.Kasabay nito ang malakas na kidlat at ulan.
"Lexie tulong"saad ng kong sino.Napalingon naman ako kay camille na ngayon ay nakadapa na sa damuhan.
"Ano bang nangyari?"
"Nadapa lang naman ako"nanghihina nitong sabi.Kaya agad ko syang nilapitan at tinulungan.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay.Malakas na hangin at ulan ang umaaligid samin.Diko maiwasang di ginawin at basang-basa narin.
"Camille,pasok tayo"pang-aaya ko dito.Umiling lang sya.
"Anong gusto mo? Lamigin tayo dito?"taas-kilay kong tanong.Umiling naman ito.
Bumulwak mona ako ng hangin bago buksan ang pinto.Napakadilim at tanging ilaw ng kidlat ang nagsisilbing ilaw namin.
Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang flashlight.Kasabay nito ang malakas na hangin dahilan para masara ang pinto.Napahawak naman si Camille sa kamay ko.At mukhang takot na takot.Napatingin naman ako sa puting tela na nakatakip sa isang sofa.Napa-ubo nalang ako dahil sa napaka-alikabok ng bahay nato.Naghanap agad ako ng lampara o kandila para may ilaw naman.
"Lexie san kana?!"sigaw ni camille.Napatingin naman ako sa direksyon nya.
Diko sya pinansin at naghalungkat ng mga gamit.Napatingin ako sa isang drawer kaya agad ko itong binuksan at bumungad sakin ang isang kandila.
Napangiti naman ako at hinugot ang posporo na dala ko.Sinindihan ko ito at hinanap ko sa mata ko si camille.
Nakita ko itong nakatayo malapit sa sofa habang yakap nito ang sarili.
"Magbihis ka ng damit,magkakasakit ka"ani ko.
"Lexie,kailan kaya titigil ang ulan natatakot nako"nilapitan ko naman sya.
"Makakaalis din tayo dito kunting tiis nalang"
Hinugot ko sa bag ko ang glow stick at nilagay ito sa kung saan.May nakita akong walis kaya nilinis ko mona ang buong lugar bago kami magpahinga.
Lumabas si camille sa isang storage room dala ang kandila.
"Tapos kana pala,ano yan?"turo ko sa kandila na pinagdikit nya sa isang lata.
"Napaso kasi ako kanina kaya inilagay ko nalang dito"ngiti nitong sabi.
Malakas padin ang ulan kasabay din nito ang lakas ng hangin.Napatingin naman ako sa relo ko mag-aalas otso na pala.Agad kong kinuha ang damit ko at binigay naman ni camille ang kandila sakin.Papasok nako sa storage room at nagbihis na.
Katatapos ko lang magbihis ng nahagip ko sa mata ko ang isang kahon.Titignan kona sana ito ng sumigaw si camille.Paglabas ko ng storage room nakita ko itong nakatingin sa isang direksyon.Napatingin naman ako don at merong isang matangkad na lalaki ang nakatingin samin.
Bigla itong naglaho dahilan para mahimatay si camille na ikinabigla ko.Agad ko syang nilapitan at inihiga sya sa sofa.Napatingin naman ako sa bintana at hanggang ngayon di parin tumitigil ang ulan.Bumulwak mona ako ng hangin at naglagay ng blanket at diko namalayang nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay nagising nalang ako sa ingay sa labas.Agad akong napabalikwas ng bangon at napatingin sa bintana.Nanlaki ang mata ko at agad ginising si camille.
"Ano ba!"reklamo nito.
"Camille wag kang maingay"sabay takip ko sa bibig nito.
"Bakit?"bulong nito.Agad ko syang sinenlasyan na sundan ako.
"Sino yan?"pabulong nitong sabi.
Napatingin naman ako sa dalawang lalaki na nag-uusap.Malalaki ang mga katawan nito at nakasuot ng itim na damit.
"Wait para syang si proffesor might?!"pasigaw nitong sabi.Dahilan para mapatingin sila samin.
Agad kong tinakpan ang bunganga ni camille at nagtago sa pader.Narinig ko naman ang yapag nito papalapit sa pinto.Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at papunta na nga sila dito.Merong kung anong gumalaw sa damuhan dahilan para mapatingin sila doon.
Naginhawa naman ang kalooban ko ng umalis na sila.
"Kailan na nating umalis dito"pabulong kong sabi.Tumango naman sya at nagsimulang kunin ang mga gamit namin.
Napatingin naman muli ako sa bintana kung nandyan naba sila.
Biglang tumunog ang phone ni camille kaya dali-dali nya naman itong sinagot.
"Ma'am bethany thank goodness"pabulong na sabi ni camille.
"Ah nandito po kami ni lexie sa lumang bahay"
"Pupunta napo kayo dito? Okay cge po"pagpapa-alam ni camille sabay baba ng tawag.
"Ano daw sabi?"tanong ko dito.
"Pupunta na daw sya rito"ngiting sabi nito.Kaya napa-upo naman kami ni camille sa sofa.
"Nakapagtataka lang bakit kaya nandito si sir muhity? Kasi sabi kasi nya meron daw syang aasikasuhin sa school?"kunot-noong sabi ni camille.
Isa lang siguro ang ibig sabihin nito.Napatakip ako sa bibig ko dahil sa naisip.Pagdating ni ma'am bethany ay agad namin syang niyakap.
"Thank goodness walang nangyaring masama sa inyo"nag-alala nitong sabi.
"Kala kasi namin ay nakasakay na kayo sa bus,nakita kasi namin kayo na tulala at namumutla"taka naman namin tinignan si ma'am.
"Sinamahan ko kasi si camille ma'am pumunta don sa ilog.Kaya nagtaka kami kung bakit wala na kayo"kunot-noo kong sabi sa kanya.
"Sabihin nyo nalang sakin mamaya.But first kailangan mo na nating umalis sa lugar nato"nangingilabot na sabi ni ma'am sabay yakap sa sarili.
Agad naman namin inilagay ang mga gamit namin sa likod ng kotse.Habang nagdadrive pauwi, diko maiwasang di mangamba.
"Ano papatayin nya ako?"gulat kong sabi kay luan.Kakauwi ko lang at sya na agad ang bumungad sakin dito sa kwarto ko.
"Bakit naman gagawin ni professor myhity sakin yun?"natatawa kung ani.
"Listen to me lexie,your in danger and please stay away from him"sabay hawak nito sa dalawang balikat ko.
Diko alam kung anong irereact ko.Kung maniniwala ba ako kay luan? O hindi?
Diko namalayang naka-alis na pala ito.Kaya wala sa sarili akong napa-upo sa kama.
BINABASA MO ANG
Mystic World [COMPLETE]
Fantasy𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 Fantasy/horror/romance | Lexie and Zio Mistikong mundo ay isang Lugar na puno ng bampira,halimaw engkanto at iba pa.Tinawag rin itong misteryosong mundo dahil sa kakaibang hugis at itsura ng mga naninirahan dito.Maganda ang lugar...
![Mystic World [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/310093371-64-k185615.jpg)