Chapter 5

367 11 0
                                    

Chapter 5 – Just a gossip

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sa kanilang dalawa, di hamak na mas nakakatakot siya at teka lang... bakit ko naman siya susundin?

"T-tatay ba kita, huh?!" singhal ko. Gusto kong palakpakan ang sarili sa katapangan, pero hindi ko maiwasang kabahan. Mamaya mapikon ito at gripuhan pa ako.

"You have the courage to talk back now, huh? Bad kitty," nakangisi niyang sabi. Nakaramdam ako ng pagka-inis sa sinabi niya. Inaasar niya ba ako?!

"But still I'm mad baby, you seemed happy when you're with that guy, hmm. I don't mind ripping his neck right here, right now," he said playfully but his face remained serious and intimidating.

Wala akong maisagot na para bang nalunok ko ang sariling dila. Sa mga salitain niya palang ay talagang mas delikado nga siya keysa kay Jiro.

"Cat got your tongue eh?" dagdag pa niya. Nang aasar na naman siya!

Tinalikuran ko siya dahil gumagana ang pang-aasar niya. Sa tingin ko naman ay hindi niya talaga gagawin kay Jiro ang bagay na iyon. Masyadong mababaw ang dahilan niya para gawin iyon.

"Umalis ka na. Matutulog na ako," naiirita kong sabi pero tumawa lang ito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Kung hindi lang siya nakakatakot ay baka kanina ko pa siya sinaraduhan ng pinto. Kaya lang baka i-massacre niya kami dito e.

"Ouch. My baby is pushing me away, that's bad," pang-aasar na naman niya, hindi ko na ito pinansin at pumasok na. Isinara ko ang pinto bago pa ako tuluyang mainis.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa pero saglit lang iyon. Dahil narinig kong dumating ang dalawa niyang kaibigan.

"Oh boss, anong ginagawa mo diyan? Sinaraduhan ka ba ni Miss gorgeous ng pinto? Ikaw naman kase boss e, tinakot mo na naman siguro," rinig ko pang saad ng kaibigan nitong si Keith.

"Shut up," masungit na singhal niya sa kaibigan. Ang sama talaga ng ugali niya. Mabuti na lang talaga at nakapasok na ako. Sira ba siya?

"And quit calling her that," saad pa nito.

"I'm just joking boss, chill. Ano, nakausap mo?" dagdag pa nito.

"Oi, Trista? Anong ginagawa mo d'yan, iha?" nagulat ako nang biglang sumulpot si tita sa likuran ko. Napahawak ako sa dibdib dahil dito. Nahihiya akong umiling. Para akong nahuli na gumagawa ng krimen e.

"W-wala po tita," sagot ko, mukha naman siya nakumbinsi dahil tumango naman siya.

"Naisara mo na ba ang tindahan?" tanong niya. Tumango rin ako.

"Matulog ka na iha, bukas ako na muna ang magbabantay sa tindahan nang kahit papaano ay makapamasyal kayo ni Sasha bago magpasukan," sabi niya at humawak sa balikat ko. Ngumiti ako.

"Salamat po tita, sige po matutulog na ako," saad ko. Bahagya ko pang pinakinggan ang mga tao sa labas pero wala na akong narinig. Umalis na siguro sila, mabuti naman.

MAAGA akong nagising dahil gaya ng sabi ni tita ngayon ang araw na mamimili kami ni Sasha at mamamasyal na rin. Hindi ko rin maikakaila na talagang excited ako para sa ngayong araw. Sabado na ngayon!

"Ang agap mo iha. Naku si Sasha, ayon nananaginip pa rin. Puyat na naman iyon," natawa ako sa sinabi ni tita. Hindi na bago ang pangyayaring iyon. Knowing Sasha, isa siyang legend puyaters. Pagising na kami, patulog pa lang siya.

"Pupuntahan ko na lang po, kape na po kayo," saad ko at inilapag ang kapeng itinimpla ko para sa kanilang tatlo. Naisipan kong ipagtimpla muna sila ng kape dahil hilig ko din iyon.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon