Chapter 6

346 10 0
                                    

Chapter 6 – Friends

"UMUWI na lang kaya tayo?" suhestyon ko. I mean, oo gusto kong mamasyal pero bukod sa nakakailang ay nakakahiya rin siyang kasama.
Katunayan ay kanina pa kami pinagtitinginan dito. Baka mamaya, bukod sa mayaman ay sikat din ito, edi dinumog ako dito?

"I thought you wanted to go for a walk," sagot niya. Napakamot ako sa ulo.

"Eh kasi... tayo na lang namang dalawa tapos, ahm..." pangangatuwiran ko. Gusto kong kurutin ang sarili nang wala akong maidugsong sa sasabihing rason. Alangan namang sabihin kong ayaw ko siyang kasama dahil baka bukas ay nasa balita na ako?

"Let's go, I'll be your tour guide. Come on, darling," nakangisi niyang sabi. Napaiwas ako ng tingin sa kalokohan niya but I just heard him chuckled.

"Come baby, don't be shy..." pinanliitan ko siya ng mata at hindi sinasadyang kurutin sa tagiliran kaya napaiwas siya sabay tawa. Saka ko na realize ang ginawa ko kaya tinalikuran ko siya. Baliw din naman pala ang isang ito.

"Oo na, pero huwag mo nga akong ano... asarin!" naiinis kong sabi at humalukipkip. Lumakad ako at naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan at naglakad. Wala akong nagawa kundi magpatianod. Lalo na nang makita kong seryoso siya.

Napakagat labi ako nang makakita ng cotton candy sa paglalakad, para atang kuminang ang mata ko dahil sa pagka-excite but then I realized wala nga pala akong pera kaya bagsak balikat akong umiwas ng tingin. Next time na lang siguro.

"You want that?" napatingin ako kay Zuriel nang magsalita siya. Nakatingin siya sa nagtitinda ng cotton candy. Paano niya napansin iyon? Nakakahiya 'yon!

"H-hindi..." awkward kong sabi. Hindi ko inaasahan na hihilahin ako nito palapit sa stall. Hawak pa rin niya ang pulsuhan ko kaya binilisan ko ang pag hakbang. Ang tangkad niya kaya malalaki ang hakbang niya! Nahihirapan akong sumabay dahil maliit ako, oo na!

Ililibre niya ba ako? Babayaran ko na lang siya!

"Ah ano, babayaran na lang kita," saad ko, nakakahiya naman kung magpapalibre ako. Isa pa, hindi ako sanay.

"Don't try to, I can even buy the whole stall for you, just say it." Nanlaki ang mata ko. Baliw ba siya?! Anong bibilhin pati 'yong tindahan?! Edi walang nang trabaho yung manong no'n!

"Huwag, kawawa yung manong, ano ka ba?! Mawawalan siya ng trabaho!" saad ko.

Nangunot ang noo ko nang tumawa siya nang mahina.

"Silly" he murmured.

"How much is that?" he asked the vendor. The vendor smiled at us. Kahit halatang pagod na ay malawak pa rin ang ngiti nito. Nakakatuwa naman. Napangiti rin ako dahil doon. Napapaganda talaga ng mga taong palangiti ang mundo. Isipin mo na lang kung maraming problema ang ngingitian mo, mahahawa sila at nakakatuwa 'yon.

"Sampung piso ang isa iho, bibilhan mo ba ang nobya mo?" ngiting usal nito. Nanlaki ang mata ko dito at magsasalita na sana nang magsalita siya.

"Yeah, I'll buy all of that but not your stall as my girl's wish," he said. Napapikit ako nang mariin.

"Naku manong, huwag ka pong maniwala, hindi ko po siya... ano... kasintahan," saad ko. Tumawa si manong. Hindi naman ako nagbibiro pero parang para sa kanya joke lang ang sinabi ko e.

"Iha, huwag ka nang mahiya, bagay na bagay kayo. Naalala ko tuloy noong kabataan ko. Ganyan na ganyan kami ng misis ko," napangiwi na lang ako nang palihim. Nang lumingon ako sa kasama ko ay nakita kong naka half-smile ito.

Halatang nasisiyahan sa sinabi ni manong.

Sa sobrang dami ng cotton candy na binili niya ay hindi ko ito maubos kaya pinilit ko siyang pumunta kami doon sa mga batang naglalaro. Madudungis sila pero masayang nagtatakbuhan.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon