Chapter 18

248 9 0
                                    

Chapter 18 - Mine

Tahimik akong naglalakad mag-isa palabas ng hospital. Nagpacheck up ako ngayon dahil ngayon na ang araw na inischedule ni doc Sauvietierre. Muntik ko nang malimutan iyon ngunit mabuti na lang at nag-alarm sa notes ng cellphone ni Ellis na hanggang ngayon ay hindi ko pa naiisauli dahil hindi pa kami ulit nagkikita.

Gayunpama'y hindi ko na ito masyadong ginagamit kahit pa may notif na may nagmemessage, hindi ko iyon binubuksan. Sa cellphone naman ni tita tumatawag sila mama kaya walang problema.

Sa tagal ay mag-iisang buwan na naman ang lumipas mula nang araw na iyon. Sa school ay hindi makalapit si Ellis Zuriel dahil sa mga kasama ko. Sa room ay may nakatape sa may pinto na may nakasulat na 'bawal kausapin ni pres si Trista, bukas na lang' pero hindi naman nila inaalis talaga. Hinayaan ko na lang sila dahil gusto lang nilang maging maayos ako. I am blessed na makilala sila at maging ka-blockmates. Hindi sila kailanman mapapalitan.

October na kaya medyo lumalamig na ang simoy ng hangin kaya naman naka hoodie ako ngayon na kulay white at skirt na black, habang naglalakad na sa kalsada. Natigilan ako sa hindi malamang dahilan at lumingon sa kanan ko. Nasa tapat na pala ako ng Snow cafe. Nagkibit balikat ako at nagtungo doon. Naalala ko pa ang kuwento ni Mauie tungkol sa may ari ng cafe. How romantic, nakaka-bitter.

Umupo ako sa napiling puwesto at kinuha ang menu. Maraming masasarap pero parang wala akong kagana-gana at dahil malamig ay hot chocolate coffe na lang ang inorder ko. Nakatulala lang ako habang nagkakape at nakikiramdam sa paligid. Pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin, nap-pranning na siguro ako.

Napailing na lang ako. Hindi ko rin alam...

Gusto ko siyang makita pero ayaw ko rin at the same time. Sarap na lang maging halaman dito sa cafe.

"Dark coffee for Mr. Demetrius," tawag sa counter. Automatic akong napalingon at napamaang nang makita siyang papalapit sa counter. Kinuha niya ang kape. May taga-serve naman na hindi na kailangang tawagin ang pangalan mo lalo kapag dine in pero ewan ko at ganoon ang pinili niya. Trip niya lang sigurong mag pa-shout out.

Walang emosyon ang mukha niya habang naglalakad pabalik sa table niya na hindi ko napansin kanina. Umupo siya at halos manigas ako nang magtama ang paningin namin kaya agad akong umiwas ng tingin at kahit nagrerelax pa ako ay mas pinili ko na lang na tumayo at umalis. What a life! Ang random naman naming magkita. Lagi siguro siya rito dahil malapit ito sa stationary shop.

Speaking of the stationary shop. Doon ko nalaman ang nararamdaman ko kaya hindi ko mapigilang mapangiwi at patay malisyang naglakad palabas.

Hindi naman na siguro ako noon pupuntahan. Malay ko kung galit ba 'yon o hindi. Wala akong balak alamin. Pero minsan ay hindi ko mapigilang mag-isip kung kumusta na siya pero agad kong sinasaway ang sarili. Of course, ayos lang 'yon. May Alesha 'yon e.

"I'm sorry Trista, akala ko kasi hindi sila ni Alesha kaya inaasar kita sa kanya."

Napailing na lang ako nang naalala ang sinabi ni Sasha nang sinundo niya ako sa room. Matapos iyon ay hiyang-hiya ako kinabukasan sa mga kaibigan pero hindi ko akalain na ganoon sila ka supportive to the point na itinatago na nila ako sa wala. Kala mo naman kasi ay hahanapin talaga ako ni Ellis. I doubt that.

Napatingin ako sa kalawakan ng biglang umambon. Kung hindi nga naman ako minamalas, wala na naman akong dalang payong!

Binilisan ko ang lakad pero masyadong mabilis din ang paglakas ng ulan.

Binilisan ko na talaga hanggang maging takbo ang lakad ngunit nagulat ako nang may humigit sa akin papunta sa isang waiting shed kaya hindi na ako nabasa ngunit hindi niya agad ako binitawan. Doon ko na realize kung sino ito at agad ko itong itinulak palayo pero malakas siya kaya hindi naman siya nagalaw.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon