Chapter 12

22 2 0
                                    

Chapter 12 – Different

Pagka-uwi ko ay hindi pa rin mapayapa ang isip ko. Palaging bumabalik sa akin ang sinabi ni ma'am Iya kahit hindi pa naman sigurado. Sinampal ko nang mahina ang sarili. Hindi puwede ito. Ano naman sa akin kung magkaroon ng girlfriend si Ellis? Hindi ko na dapat iyon iniisip.

Naghilamos ako at humiga na sa kama. Hindi pa rin mapakali kahit pilit kong nilalabanan ang isipin. Tumagal ng ilang minuto akong nakahiga pero hindi ako makatulog kaya muli akong bumangon at napatingin sa bukas na pinto papuntang terrace. Tumayo ako at isasara na sana iyon nang mapansin ang pamilyar na bulto ng lalaki sa labas. Dahil sa pagtataka ay lumabas ako sa terrace at direktang sinilip kung sino iyon. Saktong tingin din naman ng lalaki sa akin kaya napa-kurap ako. Si Ellis ba 'yon?

Ngumiti siya sa akin kaya nakumpirma kong siya nga iyon. Tumingin ako sa katabing terrace na nakakonekta sa kuwarto ni Sasha pero sarado ang pintuan doon. Mukhang tulog na agad ang babaeng iyon.

"Bakit?" sabi ko nang walang tunog pero sinigurado kong mababasa niya ang sinasabi ko.

"Come here," he mouthed too.

Kumunot ang noo ko pero kahit nagtataka ay bumalik ako sa loob at isinara ang pinto palabas ng terrace bago bumaba nang tahimik sa salas. Alam kong tulog na sila tita dahil gabi na kaya ingat na ingat akong gumawa ng ingay. Dumiretso ako sa main door at binuksan iyon.

Bumungad sa akin si Ellis na agad na ngumiti nang makita ako. Naka-hoodie siya na sa tingin ko ay kulay grey dahil medyo maliwanag iyon sa dilim keysa sa itim. Nakasuot ang isa niyang kamay sa bulsa, habang may hawak na paper bag ang isa. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah, baka magka-sipon ka," parang nanay na sabi ko sa kanya. Doon ko lang din naalala na naka-pantulog na ako. Terno na sky blue na pajama at sa aming dalawa ay mas manipis ang suot ko kaya mas malaki ang chance na ako ang magka-sipon dahil talagang malamig ngayon.

"I'm here to give you this," saad niya at iniangat ang kamay na may hawak na paper bag. Nagtataka ko iyong tiningnan.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"A gift," sagot niya naman. Nagtaka ako lalo. Hindi ko naman birthday, malayo pa.

"Anong meron?" tanong ko pa.

"Nothing, just wanna give you a gift, take it and see it for yourself," sagot niyang muli.

Kahit naguguluhan ay kinuha ko iyon at binuksan ang paper bag sa harap niya. Nagulat ako nang makita ang box ng isang cellphone doon. Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan. "No, hindi ko ito matatanggap."

"Why? Hindi mo gusto ang brand? I can buy you a new one, ano ang gusto mo?" tanong pa niya. Agad akong napamaang. Ganito na ba siya kayaman kaya nagpapa-give away siya ng cellphone?

Umiling ako. "Mahal ito, Ellis."

"I don't care, kung hindi mo gusto papalitan ko," saad pa niya.

"Pero bakit?"

"For communication, emergency at iba pa. You can call your family using that and you can just text me anytime. Please darling, accept it," sabi niya.

Napapikit ako nang mariin at bumuntong hininga. "And then? Magkano ito? Paano ko babayaran?" tanong ko.

"Darling, it's a gift. I'll be sulking if you reject it," saad pa niya kaya nakagat ko ang labi. "Okay fine," pagsuko ko.

"S-salamat," sabi ko. Malaking tulong iyon sa akin dahil matatawagan ko na sila mama nang hindi nakakaabala kay Sasha pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba dahil sabi ni papa noon ay huwag basta-bastang tumanggap ng kahit ano sa kung sino.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon