Chapter 17

248 9 0
                                    

Chapter 17 – unfriend

Lumipas na naman ang ilang araw at narito kaming lahat habang nakatunganga. Hindi pa rin nakaka-move on ang lahat sa surprise quiz ni sir Paul. Lahat kami ay nagulat, mabuti na lang at palagi kaming nagbabasa ni Mauie ng mga topic. Advisable talaga na laging mag review dahil dumadating na lang bigla ang mga pagkakataon na ganito. Walang remind-remind, quiz agad.

"Pakiramdam ko lumulutang ako, pre," sabi ni Xian. Siya ang pinakang-unang nakapagsalita.

"Anong gusto mong gawin ko? Itali kita?" pabalang na sagot ni Claude na agad sinuklian ng batok ni Hime.

"Hanggang kailan ka magiging siraulo?" tanong nito.

"In game na naman sila," sabi ni Mauie kaya natawa na lang ako at tumayo upang ayusin sana ang mga gamit nang magsalita si Gia. "Guys, dadaan si prof Ian. May utos yata, wala naman siyang schedule sa atin ngayon."

"Nalilito na ako kung estudyante ba tayo o utusan ni prof Ian e," saad ni Claude. Tumango-tango naman sila pero agad na umayos ng mga puwesto dahil sa pagpasok ni prof Ian.

"Guys, makikidala nga ito kay prof Iya. Nasa engineering department siya ngayon, sa fourth year. Sinong puwedeng magdala?" tanong nito nang walang pasubali. Lumingon naman si Claude sa amin at umismid na para bang sinasabi niyang tama siya.

Walang umimik ni isa man sa amin kaya inilibot nito ang mata at sa kamalas-malasan nga naman ay tumigil iyon sa akin. "Ms. Alloja, ikaw na lang. Salamat, iha." Ngumiti pa ito na para bang wala na siyang p-problemahin dahil naipasa niya na sa akin. Sarap mag teleport na lang bigla. Sa dami namin, ako pa talaga? Kung kailan tatlong araw ko na namang iniiwasan si Ellis pagkatapos naming kumain sa bahay ng sabay, ako pa mismo ang pupunta sa kanilang room? Saklap ng kapalaran!

Tumayo ako kahit labag sa loob ang gagawin. Lumapit ako sa kanya at tinanggap ang bag na lagayan ng laptop na sa tingin ko'y pagmamay-ari ni ma'am Iya. Lihim akong bumuntong hininga ngunit nabuhayan ako nang magtaas ng kamay si Mauie. "Sasamahan ko po si Trista, prof," sabi niya. Napangiti ako dahil doon.

"Ako rin po." Nagulat ako nang nagtaas din ng kamay si Claude.

"Me rin," sabi ni Gia at ni Hime.

"Sumama ka na rin, Mr. Xian. Nahiya ka pa." Umiling-iling ito sa kalokohan ng mga kasama ko.

"Oh siya, bahala kayo kung saan kayo masaya. Salamat ulit," saad ni sir at nauna nang lumabas.

Anim naman kaming lumabas din para magdala ng laptop ni ma'am. Hindi na ako tumanggi dahil malaking tulong ang presensya nila sa akin. Hindi ako maiilang na maglakad mag-isa. 'Yon nga lang ay napaka-ingay nila sa daan na parang mga batang nakawala sa hawla.

Sa likod pa ng katapat naming building and department nila Ellis pero malapit na kami nang makarinig ako ng bulungan.

"Bagay na bagay si Alesha at Zuriel 'no? Best couple talaga sila." Napatigil ako at napalingon ako sa mga babaeng nagkukuwentuhan hindi kalayuan sa amin.

Hindi ko na lang iyon pinansin kahit naramdaman ko pa ang kirot sa dibdib. Mas mabuti sana kung hindi ko alam ang ibig sabihin ng sakit na ito e. Si Mattheo kasi!

Marahas akong huminga at humabol ng lakad sa mga kasama.

"Weh? Kahit sumama ka lang kasi naroon si Alesha?" asar ni Claude kay Xian. Naiinis naman itong itinulak ng lalaki. "Pass sa karibal ni Trista," sagot nito na ikinatigil ko bigla sa paglalakad.

"Bakit, Trista?" tanong ni Gia.

Humugot ako ng malalim na paghinga. "Hindi niya ako karibal, magkaibigan lang kami ni Ellis," paliwanag ko dahil mukhang na-missunderstood nga nila ang pagsundo ni Ellis sa akin ng dalawang beses na yata.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon