Chapter 15

270 9 0
                                    

Chapter 15 – Darling

Nagbabantay ako ngayon ng tindahan dahil walang pasok. Isa pa, may duty si tiya sa munisipyo. Hanggang ngayon ay wala akong pinagsasabihan ng tungkol sa kundisyon ko kaya kami palang ni Jiro ang nakakaalam sa sakit ko. Mahirap itago sa kanila ang mga maliliit na pasa sa aking katawan pero nagagawa ko pa rin naman. Hindi naman sila ganoon ka-observant.

Hindi ako nagsusuklay kapag nariyan si Sasha dahil baka makita niya ang panlalagas ng buhok ko. Mabuti na lang at makapal ang buhok ko kaya hindi naman halata. Araw-araw masama ang pakiramdam ko pero hindi ko ipinapahalata sa kahit sino. Kunwari ay malakas ako kapag may kasama ako at lumalabas lang ang totoo kong panghihina kapag ako na lang mag-isa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito magagawa pero susubukan ko pa rin.

Kasalukuyan akong naglilinis ngayon at inaabot ko ang isang kahon sa itaas para alisin muli ito at ilipat ng puwesto nang makaramdam ako ng matinding sakit sa buong katawan ko. Napapikit ako nang mapaubo at hinanap ang panyo ko. Naramdaman kong muli ang pagpatak ng dugo sa ilong ko pero pinunas ko na lang din iyon kaagad. Sa isang araw pa ang next schedule ko, iyon ang sabi ni Doc. Sauvietierre. Sinabihan niya rin akong huwag magpaka-stress dahil makakasama raw iyon sa akin. Maging ang mabibigat na trabaho at sobrang pagpapagod ay bawal din. Sa palagay ko ay nasuway ko ang isa niyang bilin dahil ngayon ko lang naalala na kanina pa pala ako naglilinis dito sa tindahan habang nagbabantay at pagod na pagod na nga ako pero last naman na ang mga kahon.

"Where have you been?" Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Napapikit ako nang mariin. May lahi ba siyang kabute at bigla-bigla na lang siyang sumusulpot dito?

Agad kong inilagay ang panyo sa bulsa at tumikhim. Humarap ako sa kanya kaya lang ay mas matangkad siya sa akin kaya napatingala ako nang kaunti.

"Hinanap kita no'ng wednesday all over the university and I failed to find you. You've made me worried, darling." Malagong na malambing ang boses niya kaya napamaang ako at tila nawalan ako ng boses. Muli kong naramdaman ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing nariyan siya. Sa tagal ko siyang iniwasan ay hindi ko inaasahan na wala rin siyang pasok ngayon.

Agad akong nag-isip ng sasabihin at hindi naman ako nabigo dahil mabilis namang nag process ang isip ko ng idadahilan sa kanya.

"A-ah ano... m-may dinaanan kase akong mahalaga, s-sorry," pagsisinungaling ko. Hindi ako sanay magsinungaling pero ayaw kong malaman niya kung saan ako nanggaling ng gabing iyon. Sa tingin ko ay nakakailang pagsisinungaling na ako. I'm sorry po talaga!

"Someone said you're with that Jiro guy. Someone also said that you two have a thing. Is it true? Do you like him, darling?" Malalim ang boses niya at hindi ko alam but he look worried. Napalunok ako. Ang random naman ng ideya na'to. At sino ang nakakita sa amin sa hospital? Wala naman akong nakita na pamilyar na tao roon. Totoo pala na may pakpak ang balita.

Isa pa ay ano raw? Ako? May gusto kay Jiro? Bakit si Jiro na ba siya ngayon? Halos gusto kong sampalin ang sarili sa naisip. Ayan ka na naman, kaya ka nasasaktan e.

"Sinong may sabi?" tanong ko na lang para mapagtakpan ang nasa isip.

"I just heard it when I visit you once, we're not yet friends that time," sagot niya. Si Sasha ang nagsabi noon nang makita niya kami ni Jiro sa labas, yung time na pumasok pa kami dahil natakot kami sa kanya! Halos matampal ko ang noo ko dahil doon.

"A-ano... i-inihatid ako ni Jiro, teka nga lang, bakit ganyan ka makatanong?!" Nilakasan ko ang loob ko para lang masabi iyon. Maging sa tawag niya kasi sa akin ay grabe kung makakabog ang puso ko. Gusto ko siyang sawayin pero baka ganoon lang talaga ang tawag niya sa isang kaibigan. Ibig bang sabihin noon, iba rin ang tawag niya kay Alesha?

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon