Chapter 7

321 10 0
                                    

Chapter 7 – Friendly gesture


"YES!! May pasok na bukas! Excited akong i-tour ka. Tapos marami pang heart-throb doon!" tili ni Sasha. Napabuntong hininga na lang ako. Kinakabahan ako para bukas. Ngayon lang ako mag-aaral ng malayo sa pamilya ko.

Doon sa probinsya, inihahatid ako ni kuya gamit ang motor niya na ibinenta bago ako umalis para makadagdag sa pambili ng gamot ni papa.

"Hoy! Hindi ka ba excited?" saad niya at bahagya akong dinagasan. Ngumiwi ako. Kanina pa siya hyper na hyper sa pagpasok bukas. Hindi nga siya tumitigil sa pagkukuwento tungkol sa mga past year niya dito.

"Kinakabahan lang ako, Sasha," sabi ko. Paanong hindi ako kakabahan, grabe yung transition ko. Ni hindi ako makapaniwala na college na ako ngayon.

"Huwag kang kabahan, matalino ka naman e. Pero alam mo mas maganda sana kung pareho tayo e 'no? Kaso maga-archi ka pala, grabe ang atake. Hindi ko masasabayan." Napailing-iling na lamang ako sa sinabi niya. She's going to pursue a Bachelor of Science in Culinary Arts.

"Mas bet ko 'to, cooking, cooking ganurn," saad niya habang tinitingnan ang mga gamit niya. Napanguso ako. Hindi ko naman hilig ang magluto. Marunong pero hindi ko hilig. Mas mahilig akong mag drawing at mag compute.

Pagkatapos naming maggayak ng mga gamit ay bumalik ako sa tindahan para halilihan si tita. Pinapatawag kasi siya sa munisipyo. Hindi ko rin alam kung bakit.

Napaayos ako ng upo nang makita si Zuriel na papalapit. Ano na namang ginagawa niya dito? Ngayon ko lang ulit siya nakita mula noong may kumausap sa kanya.

Nagkunwari akong busy sa paghahanay ng mga tinda nang makalapit siya.

"I heard that tomorrow is your first day of school," he said. Ba't parang araw-araw ata ay dumadaldal ang isang 'to.

Tumango lang ako at nagkunwaring busy pa rin. Naaalala ko kase si kuya sa tuwing nakakausap ko siya. Pakiramdam ko ang sama-sama kong anak dahil ito ang bilin nila.

"Hey, are you avoiding me?" nakakunot ang noo niyang sabi kaya itinuro ko ang sarili.

"Ako? Hindi ah," mabilis kong sabi sabay iling-iling tsaka bumalik sa pag lilista na naman. Hindi ako masyadong makapag-focus lalo na't ramdam ko ang titig niya.

"Ahmm ano, may bibilihin ka ba?" awkward kong tanong. Hindi kasi siya umaalis. Humalumbaba pa siya habang nakatingin sa akin.

"Oh yeah, one Serenity please," he answered. Natigilan ako at napatingin sa kanya.

"Stop teasing me, I'm serious," inis kong sabi. Kung noon ay natatakot akong sungitan siya, ngayon ay hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ba kausapin siya.

"Well, I'm serious too," saad niya. Inirapan ko na lang siya but instead of being mad he chuckled amusingly. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa na hindi ko rin naman alam kung ano. Bakit kase hindi pa siya umaalis?

"I'm studying there too," napaangat ako nang tingin. Nag-aaral siya sa University na iyon? Ano kayang year na niya. Teka, why am I getting curious again?

"Ah," sagot ko na lang. Pinipigilan ang sarili na tanungin siya pero hindi ko kaya, my curiosity is killing me!

"A-anong year mo na?" tanong ko. Yep, nanalo ang curiosity ko. He smiled as if he achieved something. I really don't understand him sometimes. Parang sarili ko lang, mahirap intindihin.

"Why? You're getting curious now?" he teased. Nginiwian ko siya. Yep, coming from a friend of mine.

"I'm just asking, kung ayaw mo, huwag mong sagutin," pikon kong sabi. He laughed at me as if I am joking. Mukha ba akong clown?

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon