Chapter 9

27 2 4
                                    

Chapter 9 – Lunch

Pagkatapos ng dalawang period ng schedule namin ngayon ay lumabas muna kami ni Mauie para kumain dahil nakakaramdam ako ng gutom. Mag-iisang linggo na simula nang magsimula kaming pumasok at medyo nagiging madugo na ang lesson habang tumatagal. May mga oras nga na gabi na ay may ginagawa pa ako at papasok ng puyat pero wala namang magagawa dahil kailangang maipasa.

"Ito po," tinuro ni Mauie ang kare-kare. Agad naman siyang sinandukan ng babae.

"Mmm..." himig ko habang nagdedesisyon kung alin ang pipiliing ulam.

"Ito na lang pong adobo," saad ko at itinuro ang adobo. Nilagyan din nito ang pinggan ko kaya umalis na kami doon ni Mauie. Nasa cafeteria kami ngayon at kahit mag-iisang linggo na ay namamahalan pa rin ako sa ulam pero secret ko lang iyon. Hindi ko iyon sinasabi kahit kanino, baka mamaya ay mapatalsik pa ako paalis dito sa Zariyah D. edi sayang ang lahat.

"Si prof Iya, nakakaiyak e. Daming pinapagawa," kuwento ni Mauie nang makaupo kami.

Tumango ako. "Totoo, tipong mapapa-isip ka kung tama ba ang desisyon nating ito," tawa ko.

Kumakain kami nang mag vibrate ang cellphone niyang nasa lamesa. Tumingin siya sa akin bago iyon kinuha. Nag type siya doon.

"Ay sis, sasabay daw si Mateo pagkain sa atin, okay lang ba?" tanong niya.

"Oo naman, bakit hindi?" saad ko at nagpatuloy sa pagkain. Ngumiti siya at nag type. Tama nga ang hinala ko noon. Magkapatid sila, at kambal pa! Kaya pala magkamukha silang dalawa. Fraternal twin pala sila, dizygotic.

Muli kaming kumain at maya-maya nga ay dumating ang kakambal niya. May dala pa itong mga libro at may nakasakbat na bag. Yung tipong school boy na matino. Ewan ko ba, basta.

Maitsura rin siya at maganda ang gupit pero mas maganda pa rin ang hairstyle ni Ellis. Wait lang, ba't nasali siya dito? Ni hindi nga iyon muling nagpakita mula nang ihatid niya ako e.

Dahil square ang table ay may dalawa pang bakanteng upuan dahil katapat ko si Mauie. Umupo siya sa kaliwa ko, nakatalikod sa counter ng cafeteria at nakaharap sa main door.

"Order lang ako ng food ko," saad nito at tumayo na. Tumingin pa siya sa akin at maliit na ngumiti bago umalis. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Isa pa, mukha siyang mabait tapos medyo intimidating naman si Ellis. Napapikit ako ng mariin, kapag hindi ka pa tumigil Trista, hay naku.

"Hoy, ayos ka lang?" tanong ni Mauie sa akin. "A-ano, ayos lang," ngiti ko kahit napipikon na ako sa sarili. Bakit ba bumabalik-balik sa isip ko ang lalaking iyon?

"Baka hindi ka komportable na may kasalo tayong iba?" tanong pa niya. Agad akong umiling, "Naku, hindi. May naalala lang ako," paliwanag ko. Ayan kasi, tuloy ay muntik na akong ma-misunderstood ni Mauie.

Bumalik si Mateo na may dalang plato. Adobo rin ang kinuha niyang ulam. "Classmate ko Mateo, si Trista." Itinuro ako ni Mauie. Para hindi maging awkward ay ngumiti na lang ako dito.

"Hmm, kasama mo nga siya no'ng first day," sagot nito at ngumiti rin.

"I'm Mattheo with another 't' and an 'h', twin ni Mauie. I'm pursuing Bachelor of Science in Business Administration." Inilahad niya ang kamay kaya tinanggap ko iyon at nakipag-shake hand. So it's, 'Mattheo' then?

"Ah," okay?

Tumawa si Mauie. "Ang awkward niyo, huwag kasi kayong magkahiyaan," sabi nito at ngumiti nang mapang-asar. Sa totoo lang ay hindi naman ako nahihiya, sadyang wala lang akong masabi. Hindi ko alam kung bakit may issue agad iyon sa iba.

Hindi ko na lang iyon pinansin at kumain na lang. Iniisip ko rin pati ang activity na ipinapagawa ni ma'am Iya na sinasabi ni Mauie kanina. Mukhang mapupuyat na naman ako at hindi ko iyon gusto dahil madalas akong nagkakapasa ngayong mga nakaraan. Nito lang naman iyon nangyari sa akin.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon