Chapter 16

251 9 0
                                    

Chapter 16 – little darling

"Kuya, ito po. Pasalubong din sa akin ni ate 'yan." Ngiting-ngiti si Trace habang ipinapakita kay Ellis ang mga laruan niya na binibili ko noon tuwing birthday niya galing sa mga tira kong baon. Ngumiti si Ellis at tinanggap ang  toy car na ibinibida sa kanya ni Trace. Napangiti na lang din ako at nagpatuloy sa paghihiwa ng mga rekado. Tinutulungan ko kasi si papa na magluto. Kalalabas lang ni mama kanina sa hospital at naroon siya sa salas habang nakikipagkuwentuhan sa mga kapitbahay na kinukumusta ang lagay niya.

"Lightning McQueen yeh?" saad ni Ellis kaya napalingon akong muli. Nakakatuwa na kilala niya ang toy car na iyon. Paboritong-paborito iyon ni Trace at kapag nagkuwento siya tungkol sa cartoons na iyon ay inaabot siya ng oras. Iyon din ang karamihan sa mga damit niya dahil gustong-gusto niya talaga ito. Kaya nga paborito rin niya ang kulay pula.

"Oo kuya, kilala mo diba? Ang galing-galing niya! Kachow!" Napailing na lang ako nang marinig na ginagaya na naman nito ang famous line ni McQueen.

Ibinigay ko kay papa ang hiniwang mga rekado. Ang lulutuin niya ay adobong sitaw at nilagang baboy na pinamili namin ni Ellis sa palengke pagdaan namin kanina. Hindi ko nga akalain na pati roon ay sasamahan niya ako kahit sobrang daming tao dahil linggo ngayon. Hindi ko rin siya narinig na magreklamo man lang, kaya nga mas lalong nakakahiya.

"Yep, just like you," sagot ni Ellis. Tuwang-tuwa naman ang bata sa kanya.

Tumawa si papa habang naghahalo ng niluluto niya. Umupo naman ako sa tapat ng lamesa namin na may balot na mantel na natatandaan kong napanaluhan pa ni mama sa pa-raffle sa barangay. Uso kasi ang mga palaro dito sa amin lalo na kapag may ganap. Mas marami kung buwan ng August.

"Magkasundo na yung dalawa oh, kala mo'y hindi nahiya si Trace kagabi. Hindi makalapit e," tawa ni papa at inilahad ang kamay para iabot ko sa kanya ang toyo. Agad ko iyong ibinigay sa kanya. Tumawa lang din ako.

"Basta iha, unahin muna ang pag-aaral ha. Ayos lang kung mag kasintahan muna kayo ngayon, huwag lang asawa agad." Hinalo niya ang niluluto at tinakpan iyon para hintaying kumulo.

Kumunot ang noo ko. "Papa, saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan? Magkaibigan lang po kami," saad ko.

Ang sakit palang kausapin ni papa ngayon. Parang gusto ko na lang matulog bigla.

Kumunot din ang noo niya. "Magdedeny ka pa, halata namang gusto mo yung tao. Huwag kang mag-alala, boto naman ako e. Mabait na binata," saad pa ni papa. Napamaang ako. Magsasalita pa sana ako nang umimik na naman siya.

"Wala naman sa akin kahit anak pa siya ng... ehem. Pagkumulo na ito, tawagin mo ako sa labas ha," saad niya kaya napapanganga ko siyang sinundan ng tingin. Hindi ko masyadong naintindihan ang una niyang sinabi dahil pinutol na niya ito pero hindi ko na rin siya matanong dahil ang bilis niyang lumakad palabas.

Napangiwi na lang ako at napatingin sa nakasalang na ulam. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Ellis sa puwesto ko at umupo sa tabi ko, sa kahoy ngunit magandang bangko na gawa ni papa. May varnish iyon kaya talagang maganda.

"They're so wonderful," saad niya kaya napalingon ako sa kanya. Itinaas ko ang dalawang kilay dahil hindi ko siya naintindihan.

"I mean, your family. I get it now, why you're so fine," he chuckled. Kumunot ang noo ko. "Edi, magpapaampon ka na?" biro ko.

He chuckled even more at nagulat ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. "I have a better idea though, would you like to take my last name instead?" saad niya.

Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko habang nakaharap pa rin sa kanya kaya tinulak ko siya nang mahina. Umiwas ako ng tingin at tumayo upang uminom ng tubig. Bigla yatang uminit ang paligid. "H-huwag ka ngang magbiro ng ganyan," saad ko sa kanya at lumapit sa mineral water.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon