Chapter 14

283 11 1
                                    


Chapter 14 – A bittersweet night

Nagtatawanan si Mauie at Sasha habang nagkukuwentuhan ngayon dito sa court. Pinakilala ko si Mauie at Mattheo kay Sasha noong nakaraan pero close na agad silang lahat. Tuloy ay sobrang ingay kapag nagkakasama-sama kaming apat kagaya ngayon. Napapatingin ang ibang nagp-practice ng sports sa amin dahil sa tawanan nila kaya napapailing na lamang ako. Sa lahat ng naglalaro ay si Jiro at Mattheo lang ang kilala ko at yung Andrie rin pala na nakipag-kilala noong nakaraan pero badminton ang sports niya habang ang sa dalawa ay basketball. Wala naman akong alam sa parehas na laro kaya hindi rin ako gaanong nanunood. Nandito lang ako dahil nandito sila Sasha.

"Ang lalim ng iniisip ah," bati ni Sasha at inakbayan ako.

"Ang dami kasing ginagawa," reklamo kong palusot pero ang totoo ay lumilipad na naman ang isip ko. Marami naman talagang activity kaya hindi naman ako nagsisinungaling.

"Hay naku, kami rin!" saad niya at umirap. Pagkatapos ay sunod-sunod na naman ang kuwentuhan nilang dalawa tungkol sa bagay na hindi ko maintindihan.

Tatlong araw na mula noong pumunta kami sa stationary shop at tatlong araw ko na ring iniiwasan si Ellis. Hindi naman siya makapunta sa amin dahil busy siya dahil sa sunod-sunod nilang activity. Nalaman ko iyon dahil araw-araw siyang nagt-text at kanina nga ay sinabi niyang gusto niya akong maka-usap pero ni isa ay wala akong nireplyan sa message niya. Hindi pa ako handang makausap siya.

Wow, akala mo naman talaga. Hay naku, napapailing na lang ako sa sariling pag-iisip.

"Oh! Three points!" saad ni Gia na kararating lang. Umupo siya sa may likuran namin na mas mataas ang puwesto. Pataas kasi ang upuan na parang hagdan, yung common na upuan ba sa court.

"Angas natin ah, kunwari mga walang activity ah," saad ni Claude at natatawang uminom ng tubig.

"Sali tayo?" tanong ni Xian.

Ngumisi si Claude. "Game!"

Lumapit sila sa mga nagb-basketball at sumali. Nakahalumbaba naman akong nanood kahit walang naiintindihan sa laro.

"Sige, idakdak mo!" sigaw ni Sasha kaya nagtawanan ang mga kasama namin.

Halos bumilog ang mata ko nang pumasok ang pamilyar na bulto ng tao na tatlong araw ko ring hindi kinita. Kasama niya ang mga engineering students na mga kaklase niya. Syempre, nakasunod sa kanya iyong Alesha. Na-confirm kong siya nga ay si Alesha nang ituro sa amin ni Gia kahapon.

Mga kinse silang engineering students na pumunta dito at hindi agad sila napansin nitong mga kasama ko not until sumali rin sa laro ang ilang kaklase niya.

"Sumali ka na pres!" saad ng isa na hindi ko kilala. Ang kilala ko lang kasi sa mga kasama niya ay si Keith at David na nasa likuran niya at may kausap. "Nandito pala si Zuriel, Trista." Hindi ko pinansin si Sasha kahit malaki ang ngisi niya.

Nakita ko ang pag-iling niya, hudyat na hindi siya sasali sa laro. Sigurado akong hindi niya ako nakikita sa puwesto ko dahil marami kami dito kaya nakakahinga pa ako nang maluwag kahit papaano.

Pero hindi nagtagal ang kapayapaang tinatamasa ko nang magtama ang tingin namin ni Keith at ngumisi ito nang malaki. Napalunok ako dahil doon.

Hinawakan niya sa balikat si Ellis Zuriel at may ibinulong pagkatapos ay tinuro ako kaya halos sumpain ko na siya sa isip ko.

Agad akong umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi siya nakita at nanood na lang sa basketball. Saktong naka-shoot si Claude kaya pumalakpak ang mga kasama ko at dahil kailangang mapaniwala ko siyang nanunood talaga ako ay pumalakpak din ako. Very good ka, Trista.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon