Chapter 8

302 9 0
                                    

Chapter 8 – Mine is yours

"Trista! Gising na, papasok tayo remember?" tinig na nakapagpagising sa akin. Doon ko na realize na first day of school nga pala namin ngayon!

Teka, bakit ako tinanghali? Balikwas akong bumangon at tumakbo papuntang banyo. Muntik pa akong madapa kaya tumawa naman si Sasha. Sinamaan ko siya ng tingin bago tuluyang pumasok sa cr. Naligo ako at nagbihis ng uniform.

Pagkatapos ay humarap ako sa maliit na vanity mirror upang mag-ayos ng sarili.

Nakatayo lang si Sasha sa likod. Naka uniform at naka-bag na. Nakita kong kumunot ang noo nito sa akin kaya nagtaka ako.

"Bakit magkadugsong ang kilay mo?" biro ko. Naglakad siya palapit at tila may sinuri sa batok ko.

"Ano yan? Ba't namumula?" tanong niya kaya nagtaka rin ako. Alin? Yung batok ko?

"Saan?" tanong ko pa at kinapa-kapa.

"Baka na irritate lang, tara na, breakfast!" saad niya. Nagkibit balikat ako at isinakbat na doon ang bag ko.

Mabilis kaming kumain ni Sasha dahil baka daw maiwan kami ng unang bus. Ni hindi na nga niya naayos ang pagkaluto ng itlog kaya nagreklamo si tita. Saktong dating namin sa waiting shed ng station ay ang pagdaan ng unang bus kaya dali-dali kaming sumakay ni Sasha.

"Haist! First day of school, haggard na agad ako!" natatawang sabi niya.

"Hindi naman ah," sagot ko.

"Ay hindi ba," natatawang sabi niya at kinuha ang phone. Ngingiti-ngiti itong nag type. Nag-ring pa ang phone niya kaya ngumiti siya sa akin na parang excited.

"Opo, nasa bus na, oum. Sige po, love you, love. See you later," kinikilig niyang sabi. Hindi mapakali kulang na lang sumayaw e. Pinagtitinginan tuloy siya ng ibang tao dito.

"Kalmahan mo lang," nakangiwi kong sabi. Saktong natapos ang tawag at ibinaba na niya ang cellphone. Napatingin siya sa akin at ngumuso.

"Hmmp! Kapag naging kayo ni Zuriel, gagantihan kita!" parang bata niyang sabi. Teka? Anong sabi niya?

Pinanliitan ko siya ng mata. Saan naman niya nakuha ang ideyang iyon? Malabong mangyari iyon. We're friends. Isa pa, masyadong malayo ang estado naming dalawa. Tama lang na mag-kaibigan lang kami. Narinig ko rin na Demetrius ang apelyido niya. Hindi ako sigurado kung kaano-ano niya si Mr. Demetrius na dating amo ni papa.

"Never gonna happen, Sash," usal ko. Umismid siya.

"Huwag magsalita ng tapos..." bulong niya habang nakatingin sa mga kuko niya. Pinanliitan ko siya ng mata.

Hindi. Imposibleng mangyari iyon. Kami? Joke ba 'yon? Friends nga lang parang hindi pa magtatagumpay, relasyon pa kaya?

Hindi ko na lang iyon pinansin at pilit kinalimutan ang sinabi niya. Kung ano-ano talaga ang naiisip ng babaeng 'to.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng magarang gate. Nakabukas na ito at kitang-kita ko ang mga estudyanteng pumapasok. Nasa itaas ng malaking gate ang sulat na Zariyah D. University. Bumaba kami ni Sash at sumunod sa daloy ng mga estudyanteng may mga sariling mundo.

'Woah!'

'Ang laki pala talaga ng school na'to.'

'Di ako makapaniwalang papasok ako dito!'

Hindi ko sila masisisi dahil talaga malaki ang university. Umaabot sa tatlong palapag bawat building dito. Mahahaba rin ang mga ito. May iilang puno na nagbibigay ng kanlong kapag mainit na at may court sa gitna gaya ng school na pinasukan ko noong highschool. Mabuti na lang talaga at nakapasa ako at nakapasok dito.

Whispers of Serenity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon