Chapter 43

911 35 7
                                    

Chapter 43

Hila-hila ko ang dala kong maleta habang mabilis na naglalakad palabas ng airport. Adam was tailing me. Hanggang dito ba naman bubuntot siya sa 'kin?

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Wag mo nga akong sundan!" Inis na sigaw ko sa kanya pero hindi siya huminto at dumiretso lang sa paglalakad. Nilagpasan lang ako ng gago at hindi man lang ako tiningnan. Nagmukha akong tanga. Napatingin sa akin ang ibang tao at nagmukha akong katawa-tawa. Bullshit!

Ang kapal! May tumatawa sa akin pero umakto akong walang nangyari at nagpatuloy na naglakad. Adam was few steps ahead of me and I knew he too was laughing. Bastard.

For eighteen hours na flight halos pumutok na ako sa inis sa kanya. He did nothing but annoy the hell out of me. Imbes na makonsensya ako dahil sa mga masasakit na sinabi ko sa kanya sa hotel umakto siyang parang walang nangyari. Panay kwento siya tungkol 'dun sa babaeng susundan niya raw sa Pilipinas. He was talking about me in third person na mas lalong nagpakulo ng dugo ko. He won't even stop.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa muli kaming nagharap sa may sakayan ng taxi. Magkasunod lang ang taxing pinara namin at hindi ko naiwasang bigyan siya ng masamang tingin.

Siya ang unang nagsalita. "What?"

Wag na wag mo akong susundan sa bahay ko, bwiset ka! Sigaw ko sa utak ko at ngumiti siya sa akin ng nakakaloko na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

"Don't worry my love, I won't follow you for now. I want to give you time to prepare yourself...but I'm warning you...when I knock on your doorstep? You won't be able to say no."

Yun ang sinabi niya bago pumasok sa taxi. Hindi man lang ako hinintay na makapagsalita at sa inis padabog akong sumakay sa taxi.

*****************************************************

"Momieee!!!" My daughter squealed in delight when she saw me. Tumakbo siya sa akin at tumalon. Binuhat ko siya at niyakap ng mahigpit. "Momieee!"

"Baby..." Hinagkan ko siya sa ulo. Miss na miss ko na ang amoy niya at hindi ko napigilan ang mapaluha. "I miss you so much baby..."

Lumapit sa akin si Rain at niyakap rin ako. "Welcome back Belle."

"Salamat Rain ha, sa pagbantay mo kay Abbie."

Ngumiti siya saka nagpakonsensya. "No worries Belle. Ako pa ever supportive bestfriend even if I was not given enough explanation. Ok lang."

"Sorry na, promise babawi ako,"pakunswelo ko.

"Talaga?" At agad nagliwanag ang mukha niya. Ha. Figured.

"Abbie, nagpakabait ka ba?" Tanong ko kay Abbie na kalong-kalong ko pa rin.

"Oooh yeah!" Masayang sagot ng anak ko.

"Panay ang iyak niyan kakahanap sa'yo," sabi ni Rain. "Nawindang ang beauty ko kung pano patatahanin. Kung di ko lang talaga mahal nakooo...Diba princess?"

My daughter grinned. "Me miss mommieee..."

"Sorry baby but Mommie's here," I said to Abbie and she smiled again like she understands.

**********************************************************
Mahimbing na natutulog ang anak ko sa kwarto habang kami ni Rain nakaupo lang sa sofa sa salas at nag-uusap. Bilang kabayaran daw kailangan kong sabihin sa kanya lahat ng nangyari.

Lahat. Sa dami ng nangyari as if naman puwede kong sabihin sa kanya ang lahat.

"So you met Adam in Paris and out of a sudden, Mark went...missing," pagbubuod ni Rain sa ikinwento ko sa kanya. "Weird."

Tonight I'm Getting Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon