Letters to Adam

1.7K 41 7
                                    

Letters to Adam

Hindi maintindihan ng batang babae kung bakit wala syang maalala. Pabalik-balik ang tanong nila, ano ang pangalan mo, saan ka galing, sino ang mga magulang mo. Hindi niya alam ang sagot. Hindi niya rin alam kung bakit wala siyang sagot. Sabi nila baka dahil wala syang naaalala. Bakit wala, sabi nila dahil may nangyari sa ulo niya.

Dapat pala ang tao may pangalan. Dapat pala ang tao, natatandaan kung anong nangyari sa kanya kahit na ang isang bata. Maliban nga lang sa kanya. Ang alam niya lang umiiyak siya dahil masakit ang kung anong bagay na parati nilang tinutusok sa balat niya. Sabi nila injection. Kalaunan, hindi na ito masakit at kalaunan din pinaalis na siya sa malaking building. Dahil daw magaling na siya.

Pero bakit ganun? Wala pa rin siyang naaalala.

Inilipat siya sa isang lugar na maraming bata. Masaya siya dahil tulad niya wala rin silang magulang at ang iba sa kanila hindi alam kung saan sila galing, tulad niya. Pero lahat sila may pangalan. Siya, wala. Nalungkot siya, kasi walang tumatawag sa kanya, walang gustong makipaglaro sa kanya.

Mabuti na lang dumating ang pamilyang maraming pera na namimigay ng laruan kasama ang anak nila. Ang batang lalake ang naging pinaka-una niyang kaibigan. Ang batang unang pumansin sa kanya. Ang batang nagbigay sa kanya ng pangalan.

“Hey you!”

Napalingon ang batang babae nang may biglang sumigaw. Nang tingnan niya, isang batang lalaki na nakaupo sa duyan at nakatingin sa direksyon niya. Lumingon siya sa paligid at walang ibang tao maliban sa kanya kaya tumingin siya ulit sa batang lalake.

“Yes, you!” sigaw ulit nito. “Come here!”

Umiling siya kasi wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. Nagkamot ito ng ulo tila nainis. “Sabi ko, punta ka rito. Ikaw, oo. Ikaw!”

Hindi maganda sa tenga ang pagkakasigaw nito. Nakakatakot. Pero imbes na lumayo, tumakbo sya papunta rito. “Bakit, anong kailangan mo?” tanong niya.

Napansin niyang maganda ang damit na suot ng batang lalake, mabango at walang mga butas tulad ng sa kanya. Masungit itong tumingin sa kanya. “Itulak mo ang duyan.”

Napangiti siya. “Gusto mong makipaglaro sa ‘kin?”

Umiling ito. “Nope. I want you to push the swing. Slave.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit ganyan ka magsalita? Hindi kita maintindihan.”

Tumawa ito ng malakas at muntik nang mahulog sa duyan kung hindi lang ito nakahawak ng mahigpit. “Dumb. It’s English.” Tumawa na naman ito. “‘Coz your dumb I’ll play with you. Come on, push the swing! Tulak mo!”

“Ah.” Nang naintindihan niya na pumwesto siya sa likuran ng duyan at itinukak ito.

Naglaro silang dalawa hanggang napagod na ang batang lalake sa kakasigaw at kakatawa. “Stop! Stop! Tigil mo!” Umalis ito sa duyan at tumakbo sa malaking puno at agad din siyang sumunod. Umupo ito sa paanan ng puno at binuksan ang bag. “Sayo na.”

Tonight I'm Getting Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon