Chapter 9

2.3K 32 4
                                    

Chapter 9

Shit! Sinasabi ko na nga ba!

Humanda ka talaga sa akin Mr. Dela Vega! Kukusuhin kita pag-uwi ko!

Kung pwede lang maglahong parang bula ginawa ko na. Kung meron lang ako nung invisibility cloak ni Harry Potter ipinulupot ko na yun sa sarili ko hindi niya lang ako makita.

But truth is, I was already too late to make an escape because he saw me before I saw him and the rest of his company. For all I know this is a dinner meeting between Sir James and me but I was wrong.

Yes, nandito si Sir James as expected. Pero hindi ko inasahang nandito rin si Adam na wala daw kinalaman sa transaction na ‘to ayon pa kay Mr. Dela Vega. Patay sa akin ang matandang yun, talagang uubusin ko ang nalalabing buhok nya pag-uwi ko. At may additional pa, may iba pa silang kasama kasi nandito rin si Elena Lopez, ang mother ni Adam at isa pang babae na hindi ko kilala.

Tumayo si Sir James sa kinauupuan nya, he walked towards me and he extended his hand. “You are Ms. Isabelle Magsalang, I suppose?”

“Yes, sir,” I answered as we shook hands.

“Pleasure meeting you, have a sit.” Paanyaya nya saka sya umupo ulit.

Umupo ako sa bakanteng upuan na saktong nasa mismong  harap ni Adam. Rectangular ang six-seater na table, Sir James and his wife sat at both heads of it samantalang si Adam at yung babae sa isang side. May bakanteng upuan pang isa sa tabi ko. I wonder kung sinong uupo dito, since gulatan rin lang naman ang palabas bakit hindi na lang kaya si Prince William ang maupo sa tabi ko para lubos-lubosin na. Tingnan natin kung hindi ako himatayin sa gulat.

Ang bobo ko kasi! Nagpa-uto ka kasi Belle sa matandang kalbo na yun kaya ayan! Umarte kang parang walang nangyari, na kunware hindi kayo magkakilala at hindi sya ang ama ng batang kasalukuyang mong dinadala.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit feeling ko gusto ng kumawala ng puso ko sa sobrang kaba. Iniiwasan ko sya ng tingin kahit kitang-kita ng third eye ko sa noo na nakatitig sya sa ‘kin.

Like he’s waiting for me to give him that look that says, ‘hey! I remember you! we had a fucking-tastic one night stand!’

I need a distraction at mabuti na lang nagsalita na rin si Sir James.  “I am pleased that you agreed Ms. Magsalang. Pardon me for the additional company for my schedule of family dinner and our meeting overlapped so I thought why not do it at once and multi-task.”

“It is perfectly fine by me Sir McKnight,” I responded with a slight bob of my head.

“While waiting for our food, let me introduce to you my family, my beautiful wife Elena...you must know her, she’s a Filipino like you.” Tumingin ako kay Ma’am Elena at ngumiti. She responded with a close-lipped smile. With her look I can feel her assessing my clothes and I bet she did not like it.

So what?

“My eldest son Adam, the heir of McKnight Industries and Enterprises.” Nilampasan ko lang siya ng tingin. Kunwari andyan sya pero wala. Talagang after ng nangyari sa amin, hindi ko na kayang tingnan sya sa mata. Baka kainin lang ako ng konsensya ko at maamin ko pa sa kanya ang totoo. Na may magkaka-baby na kami.

“And our newest addition, the very lovely Cassidy Collins...she is Adam’s fiancée. They have been engaged for a year and sometime this year they’ll get married. Am I right, lass?” tanong ni Sir James na may halong panunukso.

“Aye, sir,” nangingiti namang sagot ni Cassidy while she reached for Adam’s hand and she laced their fingers.

Napatitig ako sa mukha ni Cassidy at hindi ko mapigilan ang mamangha. She’s so beautiful. She had a brunette hair, heart-shaped face, large blue eyes, cute button nose and pouty lips. Kahit nakaupo kitang-kita ang perfect body nya and when she smiles, she had this cute dimples over-shining her perfect white teeth.

Tonight I'm Getting Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon