FTS 1

208 10 3
                                        

"Papa!", agad akong lumapit kay papa pagbalik ko sa village.



"Ano po bang nangyari? Ba't maghahamon na naman sila ng war sa atin eh wala na naman tayong bagay na pwede nilang pakinabangan!?", I asked in curiosity. 



"Gusto nilang sakupin ang buong Selva Tribe, gusto nilang palakihin ang kanilang emperyo by means of conquering this village again", sagot ni papa na aking ikinabigla.



Hindi, hindi maaari. Ang village na ito ang aming tirahan sa loob ng libo-libong mga taon, dito kami isinilang, dito din kami dapat magtapos. Kami ang may-ari nito, at kailanman, hindi ito makukuha ng iba.



Alam kong masakit kina papa at sa ibang mga pinuno ang paghahamon ng mga Cattivos sa amin, pero wala rin kaming magagawa, wala kaming laban sa kanila.



Mas dadami lang ang mabibiktima kung lalaban kami, mas lalo lang silang magagalit at mangangahas na sugurin ang village na ito.



"So anong plano ng mga pinuno papa?", tanong ko. Isa din kasi siya sa mga pinuno dito.



"Lalaban tayo", napahinto nalang ako. I thought sasabihin niyang wala na kaming magagawa. I thought sasabihin niyang 'this is our fate' at wala rin kaming pag-asang manalo. Pero hindi, ngayon ko lang nakita si papa na ganito, noong digmaan nung mamatay ang kakambal ko, all he wanted was peace, but now he also want war?



"Ipaglalaban natin ang karapatan natin Cana, hindi sa lahat ng oras tayo ang magpapakumbaba, kailangan din nating lumaban. Kung matalo man tayo, atleast sinubukan natin silang labanan. Para ito sa ating lahi, kaya hindi tayo dapat mawalang bahala. Minsan ng nawala ang isang bagay na pinakainiingatan natin, hindi ako papayag na maulit na naman iyon", sabi niya na nagpalakas ng loob ko. The spirit, ito ang matagal ko ng hinihintay mula kay papa, ang lumabas mula sa sarili niyang bibig ang salitang paglaban at hindi pagsuko.



"May magagawa ba ako papa para makatulong?", tanong ko na nagpabigla sa kanya.



"B-bakit po?"



"W-Wala... Wala kang dapat gawin, a-anak, kami na ang bahala, hindi mo dapat sayangin ang lakas mo dito. K-Kaya na namin to", nabigla nalang ako sa reaksyon ni papa.



Parang may tinatago siya sa akin, isang bagay na kailangan kong matuklasan.



Agad nalang akong tumango at pumunta kay Gylle, kung ano man iyon. Kailangan ko itong malaman bago pa mahuli ang lahat.

Finding the SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon