FTS 2

149 9 6
                                    

Agad nalang akong nagising sa isang kakaibang mundo.




Narealize ko nalang na dahil 'to sa ability ni papa.




His ability is Dimension Control, kaya niyang ipasok ang kahit sinong tao sa isang dimensyong nasa isip niya. Or should I say, kaya niyang ipasok ang isang tao sa isip niya.




And I am now right here sa isang forest, I think this is the Selva Forest couple of years ago.




"Anak", bigla ko nalang narinig ang boses ni papa out of nowhere.




"Papa, nasaan ako?"




"Nandito ka sa lugar kung saan nangyari ang bagay na gusto mong malaman, ang sikretong matagal ko ng tinago sa'yo", dad said.




May sasabihin pa sana ako nang may bigla akong naramdaman.




Agad akong dumapa dahil parang may pwersang papalapit sa akin.




An axe.




Pagtingin ko sa part na natamaan ng axe, nakita ko na nagkaroon ito ng napakalaking crack.




*Clap! Clap! Clap!*




"Magaling", agad akong napalingon sa pinagmumulan ng boses.




"Who're you?", I asked.




"Who're you?", napakunot naman ako ng noo ko nang tanungin niya ako pabalik ng parehong tanong.




"Erm, I am Cana", nakita ko naman siyang nabigla pagkatapos kong magpakilala. What's his problem?

Finding the SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon