FTS 4

127 9 1
                                    

"Mag-ingat kayo sa inyong paglalakbay okay! Tandaan niyo! Isang buwan bago ulit sumugod ang Cattivos dito! Kaya bago payun, nandito na dapat ang Seven Beasts!", sigaw ni Tito Van, siya ang papa ni Vanesse, yung babaeng iniligtas ko noong digmaan.



Isa rin siya sa mga pinuno dito sa Selva Tribe kasama sina Tita Ai, si papa at ang iba pa.



"Opo!", sambit namin ni Gylle. Handa na kaming dalawa, andami nga naming mga dalang gamit, pagkain, at iba pang magagamit namin.



"Cana! Mag-ingat ka jan kay Gylle! Baka pag-uwi mo buntis kana!", bigla namang nag-init ang pisngi ko nang sabihin iyun ni Aica. Bwesit na babae yun! Tapos tumawa pa yung mga tao. Mga walang hiya!



Pagtingin ko kay Gylle, namumula din siya habang kinakamot ang ulo niya. Che!



"Basta, anak, mag-ingat ka, atsaka ikaw Gylle, alagaan mo itong anak ko! Wag mo siyang hayaang masaktan!", sigaw ni papa kay Gylle. Wengya suportang-suporta rin pala siya eh 'no?



Tumango naman si Gylle at nagsimula ng maglakad, agad akong sumunod sa kanya sabay wave ng kamay ko sa mga katribo namin. Mamimiss ko sila, ayokong magdrama kaya di muna ako gagawa ng mga sweet things lalo na kay papa, baka mas lalo ko lang siyang mamiss.



——-

Mga ilang minuto narin nung makaalis kami, hindi pa naman ako nakaramdam ng pagod kahit sa dami nitong bag na dala ko, pati rin siya dahil hindi pa siya humihingal, parang wala pa ngang pawis na lumalabas sa kanya eh.



"Sabi pala ni Master, mahirap daw maramdaman ang mga Beasts na yun, kahit tayo pa na mga top fighters ay mahihirapan silang maramdaman", sabi ni Gylle out of the blue.



Agad nalang akong tumango dahil wala ako sa mood kausapin siya ngayon.



"Anong Beast ang una nat—", naputol nalang bigla yung sasabihin niya sana nang may maramdaman kami.



"Isang Cattivo", sabi ko, agad naman naming ibinaba ang mga dala namin at naging alerto dahil baka anytime ay may lumabas na kalaban.



*Woooshh!!*



Agad akong napatingin si gilid nang maramdaman ko iyun.



Agad akong sumugod papunta doon sa side ng forest kung saan naming maramdaman iyung energy.

Finding the SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon