FTS 10

16 3 0
                                    

Pasensiya na sa sobrang tagal na update, naging busy lang sa buhay. Haha.

I can't assure you na magiging sunod-sunod ang update ng Finding the Seven kasi may tinatapos pa akong isang story. Sorry na xD
----------

LUX

Sa paggising ng itinakda ay hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at kaagad naghanda para ipagpatuloy ang aming misyon. Sa totoo lang ay handa naman talaga akong sumama sa kanila para hanapin ang iba. Ang labang iyun ay pagsubok ko lamang sa kanilang lakas, lalo na sa babaeng iyun, at napatunayan nga niyang hindi siya madaling talunin dahil may alas siya. Pero hindi niya magagamit ang alas na iyun palagi dahil halos isang buong araw siyang nawalan ng malay matapos niya iyung gamitin laban sa akin. Kailangan niyang makontrol ng tuluyan ang Knockdown o kahit gumawa ng varieties gamit ito. 

Sa aking pag-iisip ay nasulyapan ko si Cana na tila may hinahabol. Pagsasabihan ko na dapat siyang tumigil dahil aalis na kami para hanapin si Arisu nang mapagtanto kung ano ang kaniyang hinahabol. It is that man, transformed into a cheetah. Siguro ay nagsasanay sila ng maaga. Wala akong nagawa kundi ay hayaan na lamang sila dahil gusto ko ring magpahinga muna kahit saglit. Sa nalaman ko mula sa lalakeng iyun ay kalahating araw ang itinagal nang mawalan ako ng malay dahil sa kakayahan ng babaeng iyun, at kahit ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan. 

"AAAAAH!!", napatayo naman kaagad ako nang marinig ang sigaw na iyun, isang boses ng babae. Hindi iyun mula kay Cana kaya nagmadali kong tinungo ang lugar kung saan ko narinig ang sigaw.

Dahil na rin sa angkin kong bilis ay ilang segundo lamang ang inabot at nakarating ako sa lugar kung saan nagmula ang ingay. Naabutan ko doon sina Cana at Gylle na nakatayo sa harap ng babaeng ngayon ay nakahiga na sa lupa, may kaunting sugat sa katawan.

"May I know who do we have here?", tanong ko sa dalawa. Ilang segundo silang nagkatinginan bago sinagot ang tanong ko.

"Someone from the Mainland Selva. Isang adventurer at naligaw daw siya. Nakita namin siya kaninang pinagmamasdan tayo kaya kaagad naming hinabol", pagkukwento ni Cana.

"Will you believe?", dugtong ni Gylle. 

Tinignan ko ang babae, nakasuot siya ng mga kasuotang sa Mainland ko lamang nakikita, ang porma niya at ang kaniyang mga kagamitan. Pero hindi.

"Kanina, akala ko ay nag-eensayo lamang kayong dalawa nang makita ko kayong tumatakbo. And here, may hinahabol pala kayong espiya"

Nakita ko ang pagkunot ng noo ng babae, tila hindi maintindihan ang sinasabi ko. Ngunit hindi. I've faced lots of Cattivos at alam kong isa ang babaeng ito sa kanila.

"As expected from a beast. Hindi ka nga maloloko ng babaeng ito", wika ni Cana. Akala niya ba ay maloloko ako ng espiyang ito? 

Tinignan ko siya ng masama at tinawanan niya lamang ako. Siya lang ba ang may karapatan? 

Nilapitan ko ang babae at nakita ko ang dahan-dahang pag-atras niya. I ordered the ground behind him to grow as pillars preventing her to move back, ngayon ay hindi na siya makakaatras pa.

"Sinong nag-utos sa'yong mag-espiya rito?", sabi ko sa pinakanakakatakot na paraang alam ko. Nakita ko ang mahinang paglunok niya ng laway at ang pagtulo ng pawis niyang patuloy pa ring dumadaloy sa pisngi niya.

"I-I am not a spy! You monsters!"

"We're not fools to believe in your words", malamig kong sabi sa kanya. Kasabay noon ay ang pagdaloy ng malamig na yelo mula sa mga paa ko patungo sa kanya. Nakita ko ang panginginig niya at ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.

"WHO ORDERED YOU!", sigaw ko dahilan upang halos mawalan na siya ng malay.

"GRACE!", sigaw niya bago siya tuluyang mawalan ng malay at bumula ang kaniyang bibig.

Grace? Sinong Grace?

Tuluyan nang bumalik sa normal ang temperatura sa paligid. Kaagad namang hinalughog ng dalawa ang gamit ng babaeng espiya na maaaring makapagbibigay sa amin ng tulong para matukoy ang kinarooonan ng sinasabi niyang Grace.

"There's nothing important here", sabi ni Gylle.

"Sige, hayaan niyo na. Bumalik na kayo doon at humanda na kayo dahil aalis na tayo. Pinagmamasdan na tayo ng mga Cattivos, as we are wasting our time here, maaaring nagpaplano na sila upang mapabagsak tayo. Or else unahan tayong mahanap ang iba pang Beast at patayin sila bago pa man natin sila makita", pagsasabi ko sa posibilidad na pwedeng mangyari.

Oo, kasamahan ko sila at alam kong malalakas sila. Pero hindi rin dapat maliitin ang kakayahang gawin ng mga Cattivos.

Akma ko na sanang lalapitan ang babaeng espiya nang bigla na lang umusok ang babae. Napaatras kami nang makita iyun at mabilis ang ginawang paglaki ng usok. Napansin ko ang kakaibang tunog na nalilika ng usok nang tumatama ito sa mga halaman. Tila isang asidong dahan-dahang lumulusaw sa mga bagay na nadaraanan nito.

"Move!", utos ko at kaagad nagbagong-anyo si Gylle bilang malaking agila at tinangay si Cana paibabaw. Mabilis naman akong pumaitaas dahil sa lupang ipinalutang ko.

Mabilis ang paglaki ng mala-asidong usok kaya halos maging kapatagan ang kagubatang aming kinatatayuan kani-kanina lamang.

"Dammit", rinig kong saad ni Cana kaya napatingin ako kaagad sa kanya.

"They already made their move. And that spy is their signal", mabilis akong napaikot matapos mapagtanto ang bagay na iyun.

Magkasunod na mga sigaw ang aming narinig mula sa ibaba. Ito ang sinasabi ko, they are not that weak.

Kaagad akong napailag nang may magsiliparang sibat at palaso sa direksyon ko. Mabilis kong kinontrol ang hangin sa paligid ko at ginawang parang bola. Mabilis ang ginawang pagkilos ko kasabay ang pagtapon ko ng airball patungo sa direksyon nila.

Nakarinig ako ng sigawan sa ibaba kaya alam kong may nagawa ang atake ko. Nang bigla nalang.

"Elemental Beast", napatingin ako sa gilid ko at nakita ang isang pamilyar na babaeng nakatayo lamang sa hangin. Paano niya nagagawa iyun?

"Have we met before?", tanong ko ngunit bigla nalang may humila sa akin.

"We have to escape! Andami nila!", sigaw ni Cana na ngayon ay nakatungtong pa rin sa agila na si Gylle. Pansin ko rin ang mga sugat nila sa katawan.

"Me? Tatakasan ang mga Catt--", ngunit hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko nang makita ang tila isang buong kolonya ng langgam sa ibaba namin.

"That girl. Siya ang Grace na sinasabi ng babaeng espiya. Isa sa mga Commander ng mga Cattivos!", nagulat naman ako sa sinabi niya. Saan niya nalaman iyun?

"What's important now is for us to escape", paalala nito habang patuloy pa rin akong hinihila.

"No!", sigaw ko sabay hila ng kamay ko. Parehas silang napatigil dahil sa ginawa ko.

"Wala sa diksyunaryo ko ang salitang pagtakas. If you want, go! Pero hindi ako kagaya niyo"

"P-Pero andami nil--"

"Tapos? Hindi dahil marami ang kalaban, dapat na itong takasan. Remember who you are talking to right now. One of the Seven Beasts"

Nakita ko ang pagdadalawang-isip ng dalawa. Hindi inaasahan ang itinugon ko.
"What matters now is for us to survive. We have a tribe to save, we have a future to preserve. Sa kanino pa tayo dapat matakot? Ngayon pang ginising niyo na ako para lumaban? If the future is at stake, running away is something that I will never make", wika ko at mabilis na sinugod ang mga Cattivo sa ibaba.

"I am Lux! The Elemental Beast!"

"Kill him!"

"RAAAAAAAAHHH!!"

The smell of war, the taste of blood. I'm longing for you.

**********

Note: I'll update this again soon. Very soon xD I guess?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding the SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon