FTS 9

41 4 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kanina ay kaagad nawalan ng malay si Cana, ilang oras na rin siyang hindi pa rin gumigising.

"Knockdown", saad niya at kaagad nalang natumba.

"Cana!", mabilis ko siyang tinulungan at inalalayan.

Anlamig ng katawan niya, at ang putla-putla niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya gaano ginagamit ang kakayahan niya, the consequences after using that forbidden ability of hers, mababawasan ang life span niya at manghihina siya, maaaring ikamatay pa niya ito.

Dinala ko siya sa tinutuluyan namin na bahay ni Lux, dinala ko rin si Lux doon. 

Naging mapayapa ang araw na iyun, nakatulog din ako kahit kaunti. Lux, gaya ng pinag-usapan ay nangako ng tutulong sa amin sa abot ng kanyang makakaya, after all, ang mga Cattivos ay kalaban rin niya. Kaya niya ginawa iyun sa mga Cattivos na natagpuan namin.

"Tss, hindi pa ba iyan nagigising?", naiinip nang saad ni Lux habang nakaupo lang sa gilid.

"Maghintay ka", sagot ko.

"Ah, yung ibang Beast ba, kilala mo rin?", tanong ko sa kanya nang maalala ko ang tungkol doon.

Nakita ko naman ang pagiging seryoso niya.

"The other six, sila'y mga kaibigan ko simula palang noong mga bata pa kami", pagsisimula niya.

"But then, a prophecy changed it all...", saad niya at tumungo.

"...dahil sa takot nila sa nalaman, umalis sila at lumayo, umaasang sa pamamagitan ng paglayo ay maiiwasan nila ang mga nakatakdang mangyari"

"Anong propesiya ang ibig mong sabihin?", tanong ko.

"Tandang-tanda ko pa ang mga salitang binitawan sa amin ng matandang iyun", wika niya at nagsimula ng magkwento.

---

Lux's POV

"Dakilang Matteo, ano po ang mga simbolong ito?", tanong ng isa sa amin nang bigla nalang lumabas ang mga simbolong iyon sa gitna naming lahat. 

"Ang lenggwaheng ito ay ang lenggwahe ng ating mga ninuno, ang nilalaman nito'y mga propesiya na magbibigay ng liwanag sa hinaharap", malalim na saad ni dakilang Matteo sa amin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang lenggwaheng ito ay ang lenggwahe ng ating mga ninuno, ang nilalaman nito'y mga propesiya na magbibigay ng liwanag sa hinaharap", malalim na saad ni dakilang Matteo sa amin. 

"Kaya ko kayo pinatawag, dahil dito. Dahil sa mensaheng nilalaman ng mga simbolong ito.", dagdag niya na ikinabigla namin.

"Pitong anak ng langit, sa duyog ay aawit. Humayo at kumapit, ang itinakda ay lalapit.", pagbabasa pa niya sa amin.

"Humayo kayo mga bata, darating ang araw na kayo'y magiging susi para sa kalayaan ng mundong ito", paalala niya sa amin.

---

Sumapit na ang gabi at hindi pa rin nagigising ang itinakda, si Cana. Napag-alaman kong siya pala ang kapatid na tinutukoy ng babaeng kumausap sa akin noon.

Kakaiba ang kakayahang mayroon ang babaeng ito. Nagawa niya akong patumbahin at patulugin sa isang atake lang. Isang malaking alas siya sa amin kapag nagawa niya ng kontrolin ang abilidad niya.

"Sino ang susunod na Beast na pupuntahan natin?", napalingon naman ako nang tanungin na naman ako ng lalakeng kasama ng itinakda.

"Si Arisu, ang Fighter Beast", sagot ko na halatang ikinabigla niya.

"She's the weakest Beast nang huli ko silang makitang lahat, pero hindi natin alam ngayon", paalala ko at ipinikit ng muli ang mga mata ko na ikinatigil na niya sa pagtatanong.

Si Arisu, siya ang aking pinakamatalik na kaibigan. 



At siya rin, ang pumaslang kay Dakilang Matteo.


-----

Short update muna~ xD Sorry

Finding the SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon