FTS 3

149 8 1
                                    

Nasa'n ako? Anong lugar 'to?



Agad akong lumabas sa silid na iyun at naghanap ng kung sino man.



Bigla nalang akong dinala ng mga paa ko sa isang hardin. Wow ha, sa labas ng kwarto hardin agad xD



Agad akong napatingin sa paligid, hindi ko alam ang lugar na ito.



*Wooshh*



Napatingin naman ako sa likod ko nang may maramdaman akong parang may dumaan.



"Sino yan!?", I shouted.



"You...", napaatras nalang ako nang paglingon ko ulit sa harap ko, si Cannie ang nakita ko.



"I'll ruin your life"



"WAAAAH!!", agad naman akong napatayo. What the hell was that?



Agad akong tumayo at naglakad papunta sa bintana ng bahay namin. Bukas, aalis na kami dito. First time kong aalis sa Selva Tribe, pero syempre hindi na ako makakaatras pa, ito ang nakatadhana sa akin.



Agad kong tinignan yung picture ni mama at ni Cannie na nasa side table ng higaan ko.



I hope, after this journey, walang magbago dito. *sigh*



"I'll ruin your life", agad ko namang natandaan ang panaginip ko.



Bakit Cannie? Bakit?



Kukunin ko sana yung frame ng picture ni Cannie nang may maramdaman akong parang force na papalapit sa akin. I immediately turned my head to the right. Then nakita ko nalang na may arrow na dumaan malapit sa mukha ko, kung hindi ko iniwas yung mukha ko, baka nakatusok na yung arrow sa mukha ko.



Agad ko namang kinuha yung arrow na nakatusok na ngayon sa pader.



Weird. This arrow is different from the arrows we usually use here in Selva.



Agad naman akong napatingin sa may lower part ng arrow dahil parang may nakasipit na papel doon.

Finding the SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon