Short update muna. Pasensya, busy po masyado sa school xD
——-
*YAWN!!*
"Oh, gising ka na pala", napatingin naman ako nang paglabas ko ay nakita ko si Gylle na nagluluto. Oh infairness, magaling siyang magluto, mula pa nung nasa tribe kami, siya lagi ang nagvovolunteer para magluto.
Agad ko siyang inirapan at nagpunta na sa malapit na ilog na nakakonekta din sa ilog na lagi kong pinupuntahan sa Selva Tribe, ang pinakamalaking ilog dito sa aming bayan, ang Grand River, doon na siguro ako maliligo.
"Mag-ingat ka doon", hindi na ako sumagot at dumiretso na sa paglalakad, hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya kagabi. Che, magdusa siya -.-
Nang makarating na ako sa ilog, agad ko ng ibinabad ang sarili ko doon para maligo.
Bakit kaya ako ang napili para sa misyong 'to? Hindi sa hindi ko tanggap ang ginawa ko pero, nakapagtataka lang na sa propesiya, ako talaga ang napili. Wala namang kilalang tao sa lahi ko, o mga sobrang lakas o may nagawang malaki na pwede ng iukit ang pangalan sa bato. Si papa, sina lolo at lola, lahat sila, wala naman silang malaking nagawa. Si mama kaya? Hindi ko pala siya kilala, sabi kasi ni papa, namatay daw siya nang isilang niya kami ni Cannie. Di niya din naman ako sinasabihan about kay mama. Or should I say, ayaw niyang pag-usapan si mama.
Napahinto nalang ako sa pag-iisip nang may maramdaman akong kakaiba, agad akong nagbihis at umahon. Shit, palakas ng palakas ang enerhiyang nararamdaman ko.
Agad kong tinunton ang lugar na kung saan ko naramdaman ang enerhiya. And I was shocked sa nakita ko, isang lalakeng napapalibutan ng apoy, and what's even weirder, blue and red flames.
"Sino ka?", matigas kong tanong.
"Hahaha, gusto ko yan, matapang", he answered while grinning at me.
"Shut up and just answer me instead", naiinis kong sambit.
"Haha, I am Lux, also known as "The Element of Beast", nice meeting you miss", napaatras nalang ako sa sinabi niya. What the hell. The one who killed the Cattivos na nakita ko kahapon, is right here in front of me.
![](https://img.wattpad.com/cover/39846088-288-k646013.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding the Seven
PertualanganFinding the Seven || A Fantasy/Adventure Story that runs about the life of an Amazon who is tasked to find the seven person who is intended to save their tribe. Be prepared for their 'WRATH' Inspired by Anime: Nanatsu No Taizai (The Seven Deadly Sin...