Prologue

616 16 7
                                    

A forbidden mission that was passed through generations...



Being protected and being believed...



Until these very day, the mission was still unsuccessful...



And that was when, a girl was born, who is said to be the only one who'll have the courage to make the unfinished task, complete...



This is her journey...



Her journey...



on "Finding the Seven"



-----


Cana's POV


"In the middle of the Selva forest, there dwelt an old sorceress who was known to drive away bad spirits that was.....", heto na naman tayo sa story telling ni papa, mga walang kabuluhang istorya na sinasabing totoo daw eh obvious namang hindi. Asus mahilig naman talagang gumawa ng istorya 'tong si papa hahaha.



Agad akong tumayo para kunwari ay magCR pero sa totoo lang ay para makatakas sa klase-klase ni papa. He is a volunteer teacher para sa mga bata dito sa tribe namin, isa kaming tribe ng mga warriors and amazons na nagpuprotekta sa kalikasan. We live in a village na malayong-malayo sa city. Gaya nga ng sinabi ko kanina, tribe kami na nagpuprotekta sa kalikasan, and that is why we're here because we don't belong to the city.



Masasabi ko sa sarili ko kung ipapadescribe mo talaga kung anong meron sa amin o kung anong kaya naming gawin, we are different. May mga bagay kaming nagagawa namin that the normal people outside this village cannot do. We have the so called, abilities na para sa akin ay sobrang weird. Think of it, nagmukha tuloy kaming mga halimaw sa mga mata ng mga tao because of this weird ability. Pero hindi ko naman pinagsisihan ang bagay na nasa akin ngayon, hindi ko madideny na nagamit ko na din ito and it really is useful.



Nang makalabas na ako sa bahay, agad kong tinunton ang batis, dito ko nilalabas ang mga hinanakit ko, mga problema, kasiyahan at iba pang pangyayari sa buhay ko.



Agad kong tiningnan ang repleksyon ng aking katawan sa tubig na dumadaloy sa batis. And maya-maya nalang, bigla nalang naging malungkot ang expression ko. I heaved a deep sigh as I seat properly.



"Naaalala mo na naman siya?", napalingon nalang ako nang biglang dumating si Gylle, matalik kong kaibigan.



I nodded as a response tapos umupo nalang siya sa tabi ko.



"Sa tingin mo malaking pagkakamali ang ginawa ko?", I asked him seriously.



"That is your nth time asking me the same question Cana, gaya nga ng sinasabi ko sayo before, hindi ko alam, hindi ko naman masasabing tama ang ginawa mo, hindi ko rin masasabing mali.", he explained.



Hindi nalang ako umimik, instead, I heaved another deep sigh at tumingin sa kawalan. Tandang-tanda ko pa ang buong pangyayari noon. The War between us, and the Cattivos, sila ang mga opposite namin kumbaga. They also possess abilities like us.



They started a war between us. Gusto nilang makuha ang Gem ng aming tribo. Ang Gem na pinakainiingatan namin. Ang Gem na nagmula pa sa aming mga ninuno na sinasabing magpapanatili ng kapayapaan sa aming tribo, and yes totoo yun, nang nasa amin yun, walang mga malalaking away ang nangyari, kung may away man, kunting di pagkakaunawaan lang, at agad ding nawawala. Isa din itong gem na pumipigil sa pagkawala ng kahit sinong tao sa tribo namin, in short, it immortalises us.



Nakuha nila ang gem, at doon nagsimulang mawala ang pag-asa namin, isa-isang namamatay ang mga kasama namin, isa-isa kaming nauubos. At dahil din sa war nayun, namatay ang kakambal ko, si Cannie, ang masakit lang, nang mga time na yun ay may kunti kaming di pagpapansinan, I thought maaayos din yun agad, pero hindi, hindi niya ako pinapansin, na para lang akong hangin na di niya nakikita. At yun, she was at the verge of death that time, and so was Vanesse, but still, si Vanesse lang ang niligtas ko, alam ko sa sarili kong kaya ko pa siyang iligtas, pero nilamon ako ng galit.



Napatigil nalang ako sa pagdidaydreaming nang may tumawag sa amin.



"Cana! Gylle! Masamang balita!!", sigaw ng isa naming kaibigan sa tribo.



"Ang Cattivos! Magsisimula na naman ng digmaan sa atin!", bigla nalang akong napahinto.



Ano na naman kaya ang kailangan nila?



-----

Finding the SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon