Kabanata V: Phantomian

157 24 0
                                    

Becoming A King

Kabanata V: Phantomian

~Kiever Luis Suarez's PoV~

DAHAN DAHAN akong umatras dahil sa takot.

Wahhh! Ayoko na, sana panaginip lang to!

Bakit ba nangyayari sakin 'to? Ano bang kasalanan ko?

Kanina yung baliw na babae ang gustong pumatay sakin tapos ngayun nandito naman yung lalaking multo na umiilaw yung mata na kulay berde!

Mas lalo akong kinabahan nang humakbang sya papalapit sakin, rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Sumasakit narin ang hiwa ko sa leeg at ang sugat ko sa braso.

"D-d'yan ka lang! W-wag kang l-lumapit!" Kinakabahang sigaw ko sa lalaking multo pero gaya ng dati ay hindi nya ako sinunod, patuloy parin sya sa paghakbang papalapit sakin.

Wahhh! Ano nang gagawin ko?

"P-pakiusap, w-wag mo'kong saktan," nagmamakaawang paki-usap ko.

Hindi 'man lang sya natinag, patuloy parin sya sa paglapit at nakatingin parin sya sa mga mata ko. Kitang kita ko ang mga mata nyang umiilaw.

Sino ba kase sya? Bakit nya ba ako minumulto?

"P-pakiusap...." Napapikit nalang ako dahil sa takot, nasa harap kona sya ngayon at ang lapit na namin sa isa't isa.

Lumipas ang ilang saglit ay wala akong naramdamang kakaiba sa katawan ko, walang masakit bukod sa mga sugat ko.

Balak ko na sanang idilat ang mata ko nang maramdaman kong may humawak sa braso ko, mariing pumikit ako, nangilabot ang buong katawan ko, nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

Anong gagawin nya?

"Wahhhh!!" Napasigaw ako dahil sa kaba at gulat nang bigla nya nalang akong hatakin.

Hindi ko parin idinidilat ang mata ko habang hila-hila nya ako papunta kung saan hanggang sa huminto kami.

"Umupo ka." Napadilat ako nang bigla syang magsalita, nandito kami ngayon sa maliit kong sala. Nakatingin sya sakin na tila ba nag-aalala, sinunod ko ang sinabi nya, kahit na natatakot ay naupo ako.

Pagkaupo ko ay iniluhod nya ang isa nyang tuhod sa karap ko habang nakatingin parin sakin.

Lalo akong kinabahan sa ginawa nya.

"Wag kang matakot, 'di kita sasaktan," seryosong sabi nya. 'Di ko alam kung paniniwalaan ko ba sya.

Huming ako nang malalim at tumingin ng seryoso sa kanya, "Sino ka ba? Anong kailangan mo? Bakit moko minumulto?"

Hindi sya agad sumagot, hinawakan nya ang braso ko na ikinagulat ko.

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Wag kang gumalaw," tanging sagot nya at may kinuha mula sa bulsa nya, isang maliit na bote, hindi ko alam kung ano yun pero parang tubig ang laman.

Ano namang gagawin nya d'yan?

"Medyo masakit 'to," sabi nya na ikinataka ko.

Alin ang masakit?

Nakita kong binuksan nya ang maliit na bote, napapikit ako dahil sa naramdaman kong sakit nang may ipahid sya sa sugat sa braso ko.

"Sasagutin ko na ang tanong mo," sabi nya matapos mapahidan ang sugat sa braso ko. "Una sa lahat, hindi ako multo."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.

Hindi sya multo? Kung ganon, eh ano sya? Ba't umiilaw ang mata nya?

"H-hindi ka multo?" Kunot noong tanong ko. Napatingin naman ako sa braso ko dahil nawala na ang sakit at nakita kong unti-unting humilom ang mga sugat ko. Anong ginawa nya? Pinagaling nya ba ang sugat ko?

"Hindi," sagot nya. "Sino bang nagsabi sa'yo na isa akong multo?" Tanong nya pabalik at tumayo.

Namamangha parin ako sa ginawa nya sa braso ko, ano yun magic? Napagaling nya agad ang sugat ko!

"Kung hindi ka multo, bakit umiilaw ang mata mo? Bakit bigla ka nalang naglalaho?" Tanong ko sa kanya at napapikit ako nang bigla nyang hawakan ang leeg ko, ang sakit ah!

"Hindi ako isang tao," sabi nya habang may pinapahid sa sugat ko sa leeg. "Pero hindi din ako multo."

Huh? Hindi isang tao pero hindi din multo? Baliw ba sya?

Gusto kong dumilat pero ang sakit nung sugat ko sa leeg dahil sa ginagawa nya, malalim ata ang pagkakahiwa.

"Ako si Sandro Ruis Silva," sabi nya matapos nang ginagawa nya sa leeg ko. Naramdaman kong unti-unti nang nawawala ang sakit kaya napadilat nako. "Isa akong Phantomian."

S-Sandro....? Yung nasa panaginip ko?

At ano daw? Phantomian? Meron ba non?

"H-huh?" Naibulalas ko nalang, 'di ko alam kung anong sasabihin ko.

"Nagmula ako sa Phatomia. Isang mundo na nababalot ng mahika, malayong malayo sa mundong ito," seryosong sabi nya.

Naramdaman kong naghihilon na ang sugat ko sa leeg.

Gusto kong tumawa sa mga sinasabi nya, gusto kong isipin na nababaliw na sya pero maraming nagpatunay sakin na totoo ang mga sinasabi nya, tulad nalang nung pag-ilaw ng mata nya, yung paglaho nya, yung mga kakaibang nangyare sakin at yung kakaibang lakas nung baliw na babaeng gustong pumatay sakin kanina.

"Kung ganon, bakit ka nandito? At sino yung babaeng gustong pumatay sakin? Kasama mo ba sya?" Sunod-sunod na tanong ko dahil sa pagtataka.

Ang daming kakaibang nangyare sakin at hindi ko alam kung mababaliw na ba ako dahil don.

"Ang babaeng 'yon ay si Agatha at nandito sya para patayin ang Prinsepe ng Phylax Kingdom."

Wait? What?

Prinsepe ng Phylax Kingdom?

"Eh bakit gusto nya akong patayin?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at lumapit sa bintana at tumingin sa labas.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinawakan ang leeg ko, wala nang sugat!

Pano nya nagawa yon? Ano ba yung pinahid nya?

Napatingin ako sa kanya nang bigla syang humarap sakin, tinanggal nya ang maskara sa kanyang mata na ikinagulat ko.

Ngayon ko lang napagmasdan ang buo nyang muka, ang gwapo nya, singkit ang kanyang berdeng mga mata, tamang tangos ng ilong at manipis na mapulang labi, ang kinis din at ang puti ng balat nya.

Nagulat ako nang bigla syang lumuhod.

"A-anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ko.

"After 400 years, nahanap din kita," sabi nya habang nakaluhod.

"Huh?!" Ano daw? 400 years?

"Maligayang pagbabalik, Prinsepe Arthit," sabi nyang muli at biglang tumayo at tumakbo papalapit sakin at nagulat ako nang bigla nya akong yakapin.

Prinsepe Arthit?

Wahhh!! Ano daw??

ANONG NANGYAYARE????

 Becoming A KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon