Becoming A King
Kabanata XIII: Ang Nakaraan
~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)"Ama!" Tawag ko kay Ama nang lumabas sya sa kanyang kwarto. Alam ko kaseng pupunta sya sa labas ng palasyo kaya gusto kong sumama.
Gusto kong makita ang labas. Gusto kong makita ang ganda ng buong Phylax Kingdom.
Bata pa lamang ako ay hindi na nila ako pinapayagang lumabas ng palasyo kaya hindi ko alam kung ano ang hitsura sa labas.
"Bakit, Arthit?" Malamig na tanong nya sa'kin. Palagi naman ganyan si Ama kaya sanay nako.
"Hindi po ba lalabas kayo ng palasyo?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Gusto ko po sanang sumama, gusto ko pong makita ang hitsura sa labas-"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka pwedeng lumabas ng palasyo?!" Putol nya agad sa sasabihin ko.
"Pero Ama-"
"Tumigil ka, Arthit! Kahit ano pang sabihin mo, hindi kita isasama!"
Dahil sa sinabi nya ay nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Bakit ganon? Bakit ayaw nila akong payagang lumabas ng palasyo? Malaki naman na ako, hindi na ako yung batang makulit! Kaya ko ng gamitin ang kapangyarihan ko pero bakit ayaw parin nila akong payagan?
"S-sige po, Ama." Matapos kong sabihin 'yon ay bagsak balikat na tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa kwarto ko.
Hindi nya ba ako Mahal? Bakit ganon? Bakit hindi ko maramdaman yung pagmamahal nila?
"Prinsepe Arthit!" Tawag sakin ni Sandro pero hindi ko sya nilingon. Wala akong ganang makipagkulitan sa kanya ngayon.
Naramdaman ko naman ang paglapit nya sa'kin.
"Anong nangyare? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tinignan ko lang sya at nginitian ng pilit.
"Wala 'to, Sandro." Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang bigla nya akong hawakan sa pulsuhan ko at hilahin.
"H-hoy, Sandro! San mo'ko dadalhin! B-bitawan moko," kunot-noong sabi ko sa kanya habang hila hila nya ko.
"Alam kong hindi ka nanaman pinayagan ni Haring Arkhit na lumabas kaya kay Reyna Eleanor nalang tayo magpapaalam." Patuloy nya parin akong hinihila papunta sa kwarto ni Ina.
"Ha?" Parang tanggang tanong ko.
Narinig ko ang kanyang pagtawa. "Alam ko naman na gustong gusto mong makita ang hitsura sa labas." Kahit na nakatalikod ay alam kong nakangiti sya.
"S-sigurado kaba? Baka hindi din pumayag si Ina."
"Wala ka bang tiwala sakin?" Pilyong tanong nya at tumawa.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na kami sa kwarto ni Ina, may dalawang kawal ang nagbabantay na yumuko ng makita ako.
BINABASA MO ANG
Becoming A King
FantasyBecoming A King (BxB) Dito sa mundo, maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga bagay na akala natin gawa-gawa lang. Mga kapangyarihan at kakaibang nilalang. Paano kung meron ka palang natatagong kakayaha...