Kabanata XVII: Headmaster

91 18 3
                                    

Becoming A King

Kabanata XVII: Headmaster

~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)

NANLALAKI ang mga mata ko sa gulat at sobrang pagkamangha. Napakalaki ng gate ng paaralang 'to. Kalahati ng laki ng mansyon nila Sandro! Kulay ginto pa at nagniningning.

Hindi pa ako nakakapasok SA loob pero masasabi kong maganda at malawak ang Golden Warrior Magic Academy.

"Halika na." Napatingin ako kay Sandro. Walang mababasang ekspresyon sa muka nya. Para bang nag-aalala ang berde nyang mata.

Tumango lang ako at bahangyang ngumiti bilang sagot. Nag-umpisa na kaming maglakad patungo sa malaking Gate.

"Greetings Commande-"

Hindi natuloy ng dalawang kawal sa Gate ang sasabihin nila nang biglang itaas ni Sandro ang kamay nya na para bang sinasabing 'wag nyung ituloy.'

Kumunot naman ang aking noo. Ano yun?

Seryoso lang ang mukha ni Sandro na pumasok sa loob, kahit naguguluhan ay sumunod ako sa kanya at papasok na sana ako nang biglang hinarang ako ng dalawang kawal.

"Hindi kami nagpapapasok ng hindi estudyante sa loob." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nila.

"Ah... ano, mag-eenro-"

WHAT THE F!

Biglang itinulak ni Sandro ang dalawang kawal na humarang sakin! Napakaseryoso din ng muka nya.

"C-Comande-"

"Hindi nyo ba nakitang kasama ko sya?!" Bahagya akong nangilabot sa boses ni Sandro. Napakatigas at halatang galit sya.

Biglang napatingin sakin ang dalawang kawal, "Paumanhin po." Yumuko silang dalawa nang sabay.

"Sa susunod na mangyare pa'to, magpaalam na kayo sa trabaho nyo!"

"Pasensya na po talaga." Nanatili paring nakayuko ang dalawang kawal, nakaramdam ako ng awa sa kanila. Ginagawa lang naman nila ang kanilang trabaho.

"Umalis na kayo sa harap ko!" Galit na sabi ni Sandro at bumaling sakin, "Tara na."

"Sandro..." Nakita kong biglang kumunot ang noo ng mga kawal dahil sa sinabi ko at tumingin sakin. Hindi ko na lamang iyon pinansin. "Hindi ba parang sobra naman ata 'yon?"

Seryoso namang tumingin sakin si Sandro at lumapit sakin ng bahagya. "Sobra?! Wala silang karapatang pigilan ang prin-" bigla syang natigilan nang mapagtanto nya ang kanyang sasabihin. "Hayaan mo na 'yon, Tara na." Bigla na nya akong hinila papasok sa loob.

Mas lalo akong namangha dahil sa Ganda ng buong eskwelahan. Ibang iba ito sa eskwelahan sa mundo ng mga tao. Ang buong paligid ay nababalot ng mahika, napakalawak at nagniningning ang mga building na alam mong gawa sa kapangyarihan.

Hindi ko na maisara ang bibig ko dahil sa sobrang pagkamangha. Hindi parin ako makapaniwalang may gantong klaseng lugar.

Patuloy parin akong hila-hila ni Sandro, halos lahat ng mga nandito ay nakatingin sa amin, may iba pa na tila kinikilig, natutuwa at mayroon namang mga nakakunot ang noo at tila galit.

May mga narinig akong bulungan pero hindi ko na pinansin.

Huminto kami ni Sandro sa harap ng isang malaki at magandang pintuan. Napatingala ako para makita ang nakasulat sa taas.

 Becoming A KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon