Becoming A King
Kabanata XXVI: Ranking System
~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)KASALUKUYANG naglalakad ako papasok sa GWMA, buong gabi kong hindi nakita si Sandro, maging ngayong umaga, kahit anino nya ay hindi ko nasilayan.
Talaga bang galit sya sakin?
Bumuntong hininga ako para palakasin ang loob ko bago pumasok sa malaking Gate ng paaralan.
Pagpasok na pagpasok ko palang ay pinagtitinginan nako ng halos lahat ng estudyante dito sa loob, para bang isa akong preso at kailangan bawat galaw ko ay alam nila.
Kahit naiilang ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa classroom ko.
Nagtinginan sakin lahat ng mga kaklase ko pagpasok ko sa loob.
"Nand'yan na sya."
"Ano kayang parusa ang inihatol kay Commander Sandro?"
"Naparusahan sya dahil d'yan sa walang kwentang Kiever na yan."
Napatikom ang aking makao dahil sa aking naririnig habang naglalakad ako papunta sa aking upuan.
Naparusahan si Sandro?
Dahil sakin?
Dahil sa katangahan ko...
Dahil sa kahinaan ko.
"Wag mo na lang silang pansinin." Bahagya akong nagulat dahil biglang may nagsalita sa likod ko.
Nilingon ko sya at mas nagulat ako nang makita yung lalaking weirdo na nakatitig sakin nung nagpakilala ako sa harapan.
Bat d'yan sya nakaupo? Hindi ba doon sya sa dulo?
"Nagpalipat ako ng upuan."
What? Kaya nya din bang bumasa ng isip ng tao?
"Halata sa muka mo kung anong nasa isip mo," sabi nya sabay ngiti.
Yung ngiti nya, kay gandang pagmasdan, labas yung mapuputi nyang ngipin.
Nang mapansin nyang wala akong balak na sabihin ay nagsalita nanaman sya.
"Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa'yo." Hindi parin nawawala ang ngiti sa labi nya sabay abot ng kamay nya sa'kin. "I'm Shan, Shan Hiel."
Tinitigan ko muna sya at tinignan ang nakalahad nyang kamay.
Tatanggapin ko ba?
Ito ang unang beses na may nagpakilala sakin dito sa GWMA.
Muka naman syang mapagkakatiwalaan.
Inibot ko ang kanyang kamay, "I'm Kiever, Kiever Luis Suarez."
Mas lalo syang ngumiti dahil sa naging pasya ko, "Oh right, once na nakipag kamay ka sakin, that only means... we're friends na!" Napakaligalig nya, halatang masayahing tao.
Friends?
"Wala nang bawian!" Masaya nyang ani sabay kindat.
Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Sir. Devon, "Good morning, class!" Gaya ng dati, napakasigla parin nya.
Natahimik ang buong klase at hinihintay na magturo ang guro.
Ano naman kaya ang bago kong matututunan ngayong araw?
BINABASA MO ANG
Becoming A King
FantasyBecoming A King (BxB) Dito sa mundo, maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga bagay na akala natin gawa-gawa lang. Mga kapangyarihan at kakaibang nilalang. Paano kung meron ka palang natatagong kakayaha...