Becoming A King
Kabanata VII: Luna; ang susi ng lagusan
~Kiever Luis Suarez's PoV~
"Bitawan mo sya!" Sigaw ni Sandro, nakakatakot ang boses nya. Nakatingin sya sa nakaitim na lalaking nakahawak sakin.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makitang umilaw nanaman ng kulay berde ang mata niya.
Napaatras si Seryn nang makita ang mata ni Sandro.
Naramdaman ko namang unti-unti nang lumuluwag ang pagkakahawak sakin nang lalaki. Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo nang makitang tila ba takot na takot sya.
Anong meron? Bakit ganon yung takot nila nang makitang umiilaw ang mata ni Sandro?
Humarap akong muli para tignan si Sandro pero laking gulat ko nang makitang wala na sya sa kinatatayuan nya kanina.
Nasan na sya?
At mas nagulat ako nang bigla nalang bumagsak sa lupa ang lalaking nakahawak sa braso ko.
Anong nangyare?
Napatingin ako sa isa pang lalaking nakaitim at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang tanggal na ang ulo nya, napaluhod sya habang sumisirit ang dugo sa leeg nya at dahan dahang tumumba.
Wahhh!!!!
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot, anong nangyayare?
"Seryn." Napatingin ako sa pinanggalingan nang boses ni Sandro at nakita syang nasa likod ni Seryn, umiilaw parin ang kanyang mata.
Bakas ang kaba at takot sa muka ni Seryn nang lingunin nya si Sandro. "S-Sandro..." Halata sa boses nya ang panginginig.
"Alam mo kung ano ang pinaka-ayoko." Nakakatakot ang boses ni Sandro, ibang iba sa boses nya kanina. "Alam mong ayokong hinahawakan ng iba ang Prinsepe ko!" Matapos nyang sabihin 'yon ay bigla nalang syang nawala, ang bilis nang kilos nya.
"Wahhhh!!"
Napasigaw at napapikit nalang ako nang bigla nalang mahati ang katawan si Seryn at tumumba sa lupa, sumirit at nagkalat ang dugo sa paligid.
Napaupo ako sa sobrang panginginig ng mga tuhod ko, hindi ko masikmura ang mga nakikita ko.
Sana panaginip lang to!
Napatingin ako kay Sandro nang may kaba sa dibdib ko.
Dahan dahan syang humakbang papalapit sakin. "Wag kang matakot, ayus na ang lahat," sabi nya habang papalapit sakin, unti-unti naring nawawala ang kulay berdeng liwanag sa mga mata nya.
Ayaw parin tumugil nang paanginginig ng tuhod ko, ngayon lang ako nakakita ng ganitong pangyayare sa buong buhay ko.
"W-wag kang l-lumapit," takot at nanginginig na sabi ko kay Sandro. "L-lumayo ka sakin." Dagdag ko pa pero hindi nya ako sinunod, patuloy parin sya sa paglapit sakin.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa kanya.
Sisigaw na sana ako dahil nasa harap ko na sya nang bigla nya akong yakapin.
"Ayus na ang lahat." Iba na ang boses nya, hindi na nakakatakot gaya kanina. Naramdaman ko ang paghimas nya sa likod ko para pakalmahin ako. "Wala nang mangsasakit sa'yo."
Dahil sa ginagawa nya ay unti-unti nang nawala ang panginginig ng tuhod ko, kumalma narin ang buong sistema ko.
Hindi ko alam pero gumaan bigla ang pakiramdam ko, kahit alam kong nakapatay sya ay para bang ligtas ako 'pag kasama ko sya.
Ligtas nga ba ako sa kanya?
Talaga bang wala syang gagawing masama sa'kin?
"Hindi kita masisisi kung natatakot ka sakin," sabi nya habang nakayakap parin sakin, parang ang sarap nang pakinggan ng boses nya. "Pero gusto kong malaman mong, kahit kailan ay hindi kita sasaktan. Magtiwala ka," sambit nya na para bang alam kung ano ang nasa isip ko.
Dahil naman sa sinabi nya ay medyo nawala na ang takot ko sa kanya pero nag-aalala parin ako. Sino ba naman kase ang hindi matatakot kung nakita mo mismo kung paano sya pumatay ng tao.
"Hindi sila tao." Nagulat ako nang sabihin nya 'yon, nababasa nya ba ang isip ko?
Kumalas na sya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko, kitang kita ko ang berdeng singkit nyang mga mata.
"Mga masasamang Phantomian sila."
Masasamang Phantomian?
"Ang mundo ng Phantomia ay para ring mundong ito," panimulang wika nya. "May mababait at meron ding masasama." Pagpapatuloy nya.
Hindi ako sumagot, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi rin naman tanong yung sinabi nya kaya hindi na ako sumagot pa.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nya.
Lumipas ang ilang sandali at nabalot kami ng katahimikan.
Walang nagsasalita, tanging ang ihip lamang ng simoy nang hangin at mga kuliglig ang maririnig sa kapaligiran.Teka nga, ano na bang gagawin namin? Bakit hanggang ngayon wala paring nangyayare? Bakit hindi parin lumalabas yung lagusan? Pano ba kami makakapunta sa sinasabi nyang Phantomia?
"Maghintay ka lang." Nagulat nanaman ako nang magsalita sya. "Malapit na."
Wahhh!!!!
Nababasa nya ba ang iniisip ko?
Nagtatanong na tumingin ako sa kanya, nginitian nya lang ako at tumingin muli sa puno na nasa harap namin.
Hindi na ako nagtanong pa tumingin lang ako sa kalangitan na puno ng butuin, nakita ko kung paano dahan dahang gumagalaw ang mga ulap kahit madilim. Sa paggalaw ng alapaap ay suminag ang liwanag ng bilong na bilog na buwan.
Napatingin ako sa puno na nasa hanap namin nang bigla itong magliwanag.
Anong nangyayare?
"Sa tuwing pagbilog ng luna, nagbubukas ang lagusan." Panatingin ako kay Sandro nang sabihin nya 'yon.
Ibig sabihin, bubukas lang ang lagusan kapag bilog ang buwan?
Bakit ganon?
"Ang liwanag nang bilog na luna ang nagsisilbing susi sa lagusan," paliwanag ni Sandro.
Ganon ba makapangyarihan ang buwan?
Teka nga! Kanina ko pa napapansin, nababasa nya ba talaga ang iniisip ko?
"Maghanda kana, bubukas na ang lagusan."
'Di nagtagal ay mas lalong lumakas ang liwanag na nanggagaling sa puno, nakapagtataka lang na kahit sobrang lakas ng liwanag ay hindi ako nasisilaw.
"Handa kana ba?" Tanong sakin ni Sandro, humarap sya sakin at hinawakan ang kamay ko, tumango lang ako bilang sagot.
Lumipas ang ilang saglit ay naramdaman kong humigpit ang hawak sakin ni Sandro kaya napatingin ako sa kanya, seryoso lamang ang kanyang muka at nakatingin sa nagliliwanag na puno.
Matapos non ay hindi ko na namalayan ang buong pangyayare, para akong hinihigop ng liwanag, ang tanging naalala ko nalang ay ang muka ni Sandro habang hawak ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Becoming A King
FantasyBecoming A King (BxB) Dito sa mundo, maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga bagay na akala natin gawa-gawa lang. Mga kapangyarihan at kakaibang nilalang. Paano kung meron ka palang natatagong kakayaha...