Kabanata IX: Ang Phylax Kingdom

129 22 0
                                    

Becoming A King

Kabanata IX: Ang Phylax Kingdom

~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)

NAGULAT ako at natakot dahil sa sinabi ni Sandro, bakit ako papatayin? Ano bang kasalanan ko?!

"B-bakit naman ako p-papatayin ng sinasabi mong Cairo? Sino ba sya?" Kinakabahang tanong ko habang nanginginig ang tuhod ko sa takot.

Kung alam ko lang na may papatay pala sakin dito ay hindi na sana ako sumama!

"Si Cairo ay isa sa pitong Fuertos, ang pitong Fuertos ay ang mga pinakapinagkakatiwalaan ng i'yong ama, si Haring Arkhit, ang hari ng Phylax Kingdom." Si Gilbert ang sumagot sa tanong ko.

Ama?

Hari?

Wahhh! Mababaliw na talaga ako dito!

"Mga katuwang na tagapamahala ni Haring Arkhit ang pitong Fuertos, sila ang naging kanang kamay ng Hari." Pagpapatuloy nya sa kwento.

Kung ganon, bakit gusto akong patayin ni Cairo? Kung isa sya sa mga Fuertos?

"Mag-iisang taon na ang nakalipas nung nangyari ang digmaan ng Phylax Kingdom at Haylos Kingdom, marami ang nawalan ng mahal sa buhay dahil don, kasama sa namatay ang i'yong ama't ina, ang Hari at Reyna nang ating kaharian."

Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko, nakaramdam ako ng sakit dahil sa narinig ko.

Hindi ko pa sigurado kung ako nga ba talaga ang sinasabi nilang Prinsepe Arthit pero parang biniyak ang puso ko nang malamang patay na ang Hari at Reyna ng kahariang ito.

"Dahil sa pagkamatay ng Hari at Reyna ay nag-away away ang pitong Fuertos para mapasakamay ang trono," pagkukwento naman ni Nicolas. Bakas sa mga mata nila ang lungkot.

Iba talaga nagagawa ng kapangyarian.

"At dahil sa pag-aaway away ng pitong Fuertos ay naging magulo ang dating mapayapang kaharian." Pagtutuloy sa kwento ni Nicolas.

"Kaya hinanap kita." Napatingin ako kay Sandro nang magsalita sya. "Dahil ikaw nalang ang natitirang pag-asa nang buong Phylax Kingdom."

"Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko. "Ano namang magagawa ko laban sa sinasabi nyung mga Fuertos?"

"Marami." Nagulat ako sa sagot ni Gilbert. "Mayroon kang dugong maharlika, ikaw ang anak ni Haring Arkhit kaya ikaw ang karapat dapat na umupo sa trono, Prinsepe Arthit."

"Ano ho bang sinasabi nyo? Wala akong kakayahan para gawin yan at isa pa, hindi ko alam kung ako nga talaga ang sinasabi nyung Prinsepe," sabi ko sa kanila dahil naguguluhan ako sa mga nangyayare.

Hindi ko alam kung paano ako naging maharlika at mas lalong wala akong kakayahan para umupo sa trono at maging Hari ng kanilang kaharian.

"Alam ko nang sasabihin mo yan." Kumunot ang noo ko at napatingin kay Gilbert. "Matagal na ang nakalipas matapos mawala ang Prinsepe ng kaharian," pagkukwento nya. "Naging miserable ang buhay nang Hari at Reyna dahil sa pagkawala ng kanilang kaisa-isang anak, ginawa 'yong pagkakataon ng Hari ng Haylos Kingdom upang sugudin ang kaharian at nagtagumpay nga silang paslangin ang Hari at Reyna."

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot at galit sa aking mga naririnig.

Ganon ba talaga kasama ang mga taga-Haylos Kingdom?

"Bago tuluyang mawalan ng buhay si Haring Arkhit ay may sinabi sya." Pagpapatuloy ni Gilbert sa kwento nya. "Sinabi nyang, ang butuin ay muling magbabalik at muling itatayo ang kaharian." Bumuntong hininga sya bago nagpatuloy. "Iyon ang mga katagang hinding hindi namin malilimutan."

Sandali! Hindi ko maintindihan!

"Bago pa 'man mangyare ang digmaan ay hindi nawalan ng pag-asa ang Hari na buhay ka Prinsepe Arthit," sabi ni Sandro kaya napatingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin sya sakin na seryoso ang mga muka. "Noon pa 'man ay bilin na sakin ni Haring Arkhit na hanapin ka kaya 'yon ang ginawa ko at lumipas ang apat na daang taon sa mundo ng mga tao ay nahanap nga kita."

Wait? What? 400 years????

"Iba ang oras sa Phantomia kumpara sa mundo ng mga tao," paliwanag niya pa.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, gulong gulo na ang utak ko sa mga nangyayare.

"Kumain na tayo," biglang sabi ni Gilbert at tumango naman kami at nagsimula nang kumain.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang hindi isipin yung mga sinabi nila kanina.

Talaga bang ako nga si Prinsepe Arthit?

Kaya ko bang maging isang Hari sa kahariang ito?

Wahh!!! Mababaliw na ko, parang gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay bilang isang simpleng mamamayan sa isang bayan, gusto ko nang bumalik sa pagiging waiter sa isang restaurant. Miss ko na din si Clarisse!

***

TAPOS na kaming kumain at nandito na ako ngayon sa isang malaking kwarto kasama si Sandro.

"Masasanay ka rin dito," sabi ni Sandro habang nakatingin sakin.

Nag-aalala parin ako, ano kayang mangyayare sakin dito?

Napag-usapan namin kanina na hindi muna nila ako ipapakilala bilang si Prinsepe Arthit hanggang hindi pa dumadating ang tamang oras.

Ako muna si Kiever, isang mamamayan ng Phylax Kingdom.

Nakatayo ako ngayon dito sa bintana at nakatingin sa labas, hindi ko parin maiwasang hindi mamangha sa ganda ng kapaligiran.

Kahit gabi ay napakaliwanag sa buong lugar dahil sa liwanag na nanggagaling sa dalawang bilog na buwan, napakarami ring nagkikinangang mga bituin sa kalangitan.

Kakayanin ko ba ang buhay dito?

Napalingon ako kay Sandro dahil naramdaman ko ang paglapit nya sa'kin.

"Alam kong hindi mo pa alam ang kakayahan mo at alam kong hindi kapa handa," sabi nya nang makalapit sakin at tumingin din sa labas ng bintana. "Pero magtiwala ka, hindi ka nag-iisa. Sasamahan kita."

Nawala ang pangamba ko dahil sa sinabi nya, para bang ang gaan sa pakiramdam kapag kasama ko sya, parang pakiramdam ko'y ligtas ako sa mga kamay nya.

"Tandaan mo, nandito lang ako at hinding hindi kita iiwan, Prinsepe ko." Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya 'yon. Para bang sa pandinig ko'y sinasabi nyang pagmamay-ari nya ako. "Kahit ikaw pa mismo ang lumisan." Parang ramdam ko ang lungkot sa salitang i'yon.

Hindi ako nagsalita at tinignan ulit ang kalangitan, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Para bang nakaramdam ako nang lungkot sa huling salitang binitawan nya.

Katahimikan, sa oras na'yon ay nabalot kami nang katahimikan, walang nagsasalita sa aming dalawa.

Nanatili parin akong nakatingin sa magandang kalangitan.

Lumipas ang ilang saglit ay naramdaman kong tumingin sya sakin kaya tumingin din ako sa kanya.

Napakaseryoso ng kanyang muka at kitang kita ko ang berde nyang singkit na mga mata.

"Makinig ka Prinsepe Arthit," seryosong sabi nya habang nakatingin saking mga mata.

"You need to take your Kingdom back."

 Becoming A KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon