Becoming A King
Kabanata XII: Kapangyarihan
~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)"Anong iniisip mo, Prinsepe Arthit?" Nagulat ako dahil sa pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko.
Napalingon ako kay Sandro habang naglalakad sya papalapit sakin.
"Wala naman," sagot ko sa kanya at muling tumingala sa maaliwalas na kalangitan. "Naisip ko lang yung sinabi nila Gilbert."
Naramdaman ko ang pagtabi nya sa'kin. "Sinabi nila Gilbert?"
"Sandro," sabi ko at tumingin sa kanya. "Totoo bang kayang burahin ni Prinsepe Arthit ang ala-ala ng isang nilalang?"
Kumunot ang kanyang noo nang tumingin sakin. "Ikaw si Prinsepe Arthit."
Napabuntong hininga ako. "Totoo bang kaya kong bumura ng ala-ala?"
Tumingin sya sa kalangitan at tumango. "Ikaw lamang ang Phantomian na kayang bumura ng ala-ala ng kahit na sinong nilalang."
"Kung ganon bakit ko naman buburahin ang sarili kong ala-ala?"
Bumalik ang tingin nya sa'kin nang itanong ko 'yon.
"Dahil ang akala mo ay hindi ka Mahal ng i'yong Amang Hari at Inang Reyna," seryosong sagot nya.
Sa 'di ko malamang dahilan ay biglang bumalik sa isip ko yung napanaginipan ko.
(AN: Sa mga nalilito, pede kayong bumalik sa kabanata I, nandon yung napanaginipan nya.)
Ibig sabihin totoo yon?
'Di ko namalayang unti-unti nang tumulo ang mga butil ng luha sa mata ko.
Kung ganon, ako talaga ang Prinsepe ng Phylax Kingdom. At patay na ang totoo kong mga magulang.
Naramdaman ko ang kamay sa aking likod. "Mahal ka nila, Prinsepe Arthit."
Dahil sa sinabi nya ay mas lalo pang tumulo ang luha ko at napayakap ako sa kanya habang umiiyak.
"H-hindi ko 'man lang sila n-nayakap bago sila mamatay..." Humihukbing bulong ko. "H-hindi 'man lang s-sila nagpaalam sakin bago sila l-lumisan." Hinagod nya ang likod ko para pagaanin ang pakiramdam ko. "H-hindi ko 'man lang muna sila n-nakita bago nila ko iwan."
Ang sakit.
Ganto pala yung pakiramdam pag nawala yung mga taong gustong gusto mong makita at makasama.
Ang tagal kong nangulila sa kanila. Dati umaasa pa'ko na makikita't makakasama ko sila tapos....tapos ngayon para akong binagsakan ng napakalaking yelo dahil nawalan na ako ng pag-asa.
Ang sakit lang. Ang sakit na malaman mong patay na ang mga magulang mo at hindi mo 'man lang sila nakita bago sila nawala.
"Sigurado akong masaya sila ngayon na makitang bumalik kana dito sa Phantomia," malumanay na sabi ni Sandro habang hinihimas ang likod ko.
~Sandro Ruis Silva's PoV~
Ramdam na ramdam ko ang sakit at lungkot sa taong nasa harap ko, umiiyak sa mga bisig ko.
Naiintindihan ko ang nararamdaman nya dahil nawalan din ako ng mga magulang, ang ipinagkaiba lang ay nakasama ko pa ang mga magulang ko bago sila nawala.
BINABASA MO ANG
Becoming A King
FantasyBecoming A King (BxB) Dito sa mundo, maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga bagay na akala natin gawa-gawa lang. Mga kapangyarihan at kakaibang nilalang. Paano kung meron ka palang natatagong kakayaha...