Becoming A King
Kabanata XX: Féidhy
~Sandro Ruis Silva's PoV~
PAGPASOK ko sa loob ng kwarto ni Prinsepe Arthit ay nakita ko syang mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kanyang ulunan at naupo sa kama.
"Pasensya kana at nasigawan kita kanina, Prinsepe Arthit." Hinawakan ko ang malambot nyang pisngi at pinunasan ang luha na bumasa dito.
"Dito sa Phantomian, hindi mo dapat kinaaawaan ang mga masasama," sabi ko pa kahit alam kong hindi naman nya ako naririnig, "Magkaibang magkaiba ang mundo ng mga Tao dito sa Phantomia." Hinimas ko ang buhok nya at inayos. "Sa mundo ng mga Tao, kapag naaawa ka, mabait ka. Pero dito, kapag naawa ka, mahina ka."
Marahan syang gumalaw, "Sandro..." Nagulat ako. Gising ba sya?
Tinitigan ko syang mabuti. Hindi, tulog sya. Mukang nananaginip.
"Nagpapasalamat ako dahil dumating ka nung panahong ayaw sakin ng mundo, Prinsepe Arthit." Nagpatuloy akong himasin ang kanyang buhok. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano nya sinabing 'maganda ang mata ko'. Sya ang unang taong nagsabi sakin non.
"Sandro." Napatigil ako sa paghimas ng buhok ni Prinsepe Arthit at napalingon sa nagsalita.
"Anong kailangan mo, Nicolas?"
"Anong nangyare?" Tanong nya at bahagyang lumapit sakin. Tumingin sya kay Prinsepe Arthit, "Mukang pagod na pagod si Prinsepe Arthit ah."
"Nakaharap namin sila Kevin," sagot ko at muling binaling ang atensyon sa natutulog na Prinsepe. "Nanghina sya sa sobrang lakas na kapangyarihang pinakawalan nya."
"Ganon ba?" Naglakad syang muli at hinawakan ang balikat ko. "Ano namang nangyare sa'yo?"
"Wala talaga akong matatago sa'yo, Nicolas."
"Hindi ko man kayang magbasa ng isip kagaya mo, ramdam ko naman ang bigat na dinadala mo," sabi nya at hinimas ang likod ko.
Matapos non ay nabalot kami ng katahimikan, napagdesisyonan kong tumayo at maglakad papunta sa bintana at tumingin sa labas. Napaka-aliwalas ng kapaligiran.
"Nicolas." Tawag ko sa kanya habang nakatingin sa labas, naramdaman ko naman ang paglapit nya.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo lang, makikinig ako."
Huminga ako nang malalim, "Have you ever lost an important thing in your life..." Huminto ako saglit at tumingin ako sa kanya bago nagpatuloy "..and suddenly, you found it again?"
"Si Prinsepe Arthit ba ang tinutukoy mo?"
Muli ay tumingin ako sa labas at hindi sya sinagot, alam kong alam nya kung sino ang tinutukoy ko. "Pero sa kasamaang palad, yung importanteng tao nayon sa buhay mo ay nawalan ng ala-ala sa nakaraan nyo." Pagpapatuloy ko habang nakatingin parin sa kapaligiran.
Biglang humampas ang malamig na hangin na tila sinabayan ang aking damdamin.
"Everything happens for a reason," sabi nya. Yeah, I know. "Di 'man natin alam ang dahilan, pero isa lang ang sigurado ako." Huminto sya saglit at hinawakan ang balikat ko, "Magbabalik din ang ala-ala nya at dahil 'yon sa isang rason."
BINABASA MO ANG
Becoming A King
FantasiBecoming A King (BxB) Dito sa mundo, maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga bagay na akala natin gawa-gawa lang. Mga kapangyarihan at kakaibang nilalang. Paano kung meron ka palang natatagong kakayaha...