Kabanata XXII: Unang Araw

90 17 1
                                    

Becoming A King

Kabanata XXII: Unang Araw

~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)

KASALUKUYANG papunta na ako sa cafeteria, lunch break na at talagang nakakagutom. Halos lahat ng itinuturo ay hindi ko masyadong maintindihan.

May mga salita ding bago sa aking pandinig gaya na lamang ng sinabi ni Ma'am Aimee na 'Estrá Sinória.'

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung anong ibig sabihin ng salitang 'yon.

Habang nag-iisip ay biglang may nabunggo ako, dahilan upang mawalan ng balanse at natumba sa sahig. Ang saket ng pwet ko!

Agad akong tumayo at pasimpleng hinimas ang masakit kong likuran, "Sorry."

"Yan ang napapala mo, hindi ka kase tumitingin sa dinaraanan mo!" Bulyaw sakin ng isang babae.

What the f!

Nagsorry na ako diba?

Hindi ko na lang sana papatulan at maglalakad na sana ako paalis nang pigilan nya ako, "Wag kang bastos, kinakausap pa kita."

Walang gana ko syang tinignan, ang kapal ng make up sa muka, "Sorry, I don't talk to strangers."

"What!" Singhal nya. "Nabangga mo ang beauty ko tapos ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganyan?!"

Ano daw? Pinagsasabi neto? At Beauty? Eh ang kapal nga ng palamuti nya sa mukha!

"Kung tumitingin ka sana sa dinaraanan mo, edi sana hindi moko nabangga!"

"Tanga ka ba?" Walang ganang tanong ko. Nagugutom na ko! "Ikaw na nga tong tumitingin sa dinaraanan tapos hinayana mo pa ang sarili mong mabangga saken?"

"H-how dare you!" Bakas sa muka nya ang pagkairita.

"Miss, alam mo sinasayang mo oras ko." Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, "Wala akong makitang beauty sa muka mo, baka nasa talampakan."

Dahil sa sinabi ko ay mas lalo syang nainis. "Hindi mo ba ko kilala?! Wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganyan!"

Hindi ba sya yung nauna? Nagsorry nako tas eeksena pa sya!

Kung talagang tumitingin sya sa dinaraanan nya bakit nabunggo pa sya sakin? Tsk. Mga feeling maganda nga naman.

"Wala akong pakialam kung sino ka." Nagugutom na ko! "Mauna na ako, Miss. Sinasayang mo lang ang oras ko."

Matapos non ay tinalikuran ko na sya. Narinig ko pa ang naiirata nyang sigaw. ARG! Kung hindi sana sya umeksena edi sana kumakain nako ngayon!

Kahit pala dito sa eskwelahang 'to meron paring mga ganong klaseng tao! Akala mo maganda, muka namang paa!

Nakahinga ako nang maluwag nang makarating sa cafeteria, di ko alam kung bakit halos lahat sila nakatingin sakin pero dahil nagugutom na ako ay hindi ko sila pinansin at bumili nang pagkaing mukang masarap.

Nang makabili ay inilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria upang maghanap nang bakanteng upuan. Malawak at malaki ang cafeteria kaya marami pang bakanteng upuan, nang may makita akong magandang spot ay doon ako pumunta at naupo.

 Becoming A KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon