Kabanata XXIV: Fuertos

91 15 0
                                    

Dedicated to kenopea9
Thank you for reading my story. God bless.

Becoming A King

Kabanata XXIV: Fuertos

~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)

NANDITO AKO ngayon sa harap ng malaking puno, ang punong palagi kong tambayan, ang punong madalas kong sandalan.

"Hindi ko na kaya." Kasabay nang pagsabi ko non ay ang pagtulo ng luha sa aking mata, ang sakit. "Hindi ko maramdamang anak nila ako, para bang hindi ako nabibilang sa pamilyang 'to."

Patuloy ako sa paghikbi habang kausap ang punong nasa harap ko.

"Siguro nga kapag nawala ako, baka dun nila makita ang halaga ko." Pinunasan ko ang basang pisngi ko at tumingala sa puno.

Inalala ko yung huling pag-uusap namin ni Sandro sa punong 'to.

"Marami pang bagay na hindi mo pa maiintindihan sa ngayon. Huwag kang mag-alala darating din ang tamang panahon para makapunta kana sa ibang lugar."

"Paano kung hindi na dumating ang tamang panahon na 'yon Sandro?"

"Hindi mangyayari 'yon dahil ako mismo ang sasama sa'yo papunta sa labas."

"Pangako yan ah."

"Pangako."

Napangiti ako ng pamait. "Patawad.... Sandro."

Nakapagdesisyon nako. Hindi ako nabibilang sa pamilyang 'to. Hindi ko maramdamang Mahal nila ako. Gusto ko nang mawala, gusto ko nang kalimutan lahat.

Ayoko ng maging isang Prinsepe, gusto ko nalang mabuhay ng simple. Yung mapayapang namumuhay sa mundo.

Gusto kong maranasan yung buhay ng isang pangkaraniwang batang masayang nakakapaglaro kasama ang iba pang mga bata.

Gusto kong maranasang gumala kasama ng mga kaibigan ko.

Gusto kong maranasan at maramdaman yung pagmamahal ng mga magulang ko.

Patawad, Sandro.

Muli ay mapait akong ngumiti bago bigkasin ang natutunan kong spell.

"Nírvaná!"

~Sandro Ruis Silva's PoV~

"Hindi kaba natatakot na dahil sa ginawa mo ay baka malaman nila kung sino talaga si Kiever?" Sermon sakin ni Nicolas.

Kasalukuyang nandito kami sa kwarto ni Prinsepe Arthit, binabantayan ang walang malay nyang katawan na nakahiga sa kama.

"Wala akong paki-alam kung ano pang malaman nila, mas importante sakin ang maprotektahan sya!" Nanggagalaiting ani ko, "tinan mo kung anong nangyari sa kanya! Sa tingin mo ba'y palalamapsin ko ang mga pinsalang natamo sya?!"

 Becoming A KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon