Becoming A King
Kabatana XV: Magic
~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)"Ngayon naman, kailangan mo silang patayin." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.
Paano ko naman magagawa yon!
"Talaga bang baliw kana, Sandro?" Inis na tanong ko sa kanya.
"You think I'm crazy?" Walang emosyong sabi nya. "I'm helping you, Prinsepe Arthit."
"Helping your ass!"
Kanina muntik na akong mamatay at lapain ng mga lobo. Ngayon naman gusto nyang patayin ko ang mga 'to! Paano ko naman gagawin yon!
"Makinig ka, Prinsepe Arthit." Seryoso ang mukha nya. "Ang kapangyarihan ay lumalabas sa pagbigkas ng spell." Itinapat nya ang kamay nya sa isang lobo. "Papakitaan kita."
Pagbigkas ng spell? Tulad sa mga napapanood ko?
"Dark magic; Destruction spear!" Sambit nya at may itim na enerhiyang nang hugis sibat na nakatutok sa isang asong lobo. Biglang bumulusok nang napakabilis ang itim na sibat at tumama sa lobo, napatakip ako ng bibig nang makita kung paano nawasak ang katawan ng lobo sa pagtama ng spear dito.
Lumingon sakin si Sandro. "Ngayon ikaw naman."
Nanlaki ang mata ko. "Kaya ko ba 'yon?"
"Pakiramdaman mo lang ang enerhiyang nanggagaling sa i'yong katawan, Prinsepe Arthit."
Pumikit ako at sinunod ang sinabi nya. Sa 'di ko malamang dahilan ay parang napunta sa loob ng isip ko ang aking diwa. Napakaliwanag sa paligid. May nakikita akong liwanag na tila dumadaloy sa buong kapaligiran.
Ito na ba 'yon?
Sa aking pag-iisip ay wala sa sariling napabigkas ako, "Light magic: Angle's trumpet!"
Napadilat ako nang masilayan ang liwanag, napayuko ang mga lobo dahil sa pagkasilaw. Nagtipon-tipon ang liwanag na enerhiya at nag-anyong trumpeta. Itinutok ko ang aking kamay sa dalawang lobo at tumunog ang trumpeta na naglabas nang napakalakas na liwanag papunta sa mga asong lobo.
Rinig ko ang palagyaw ng mga ito sa sobrang sakit at paghihinagpis. Lumipas ang ilang sandali ay huminto na ang tunog ng trumpeta at nawala na rin ang liwanag. Nanalaki ang mata ko sa gulat nang makitang wala na ang mga lobo, kahit anong bakas ay walang natira.
"A-ako ba talaga ang may gawa non?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Oo, Prinsepe Arthit." Nakatingin sya sakin, halo halong emosyon ang makikita sa kanyang berdeng mata. "Ikaw lang naman ang may kakayahang gumamit ng Light magic."
Light Magic??
"Dito sa mundo ng Phantomia may iba't ibang klase ng magic," kuwento nya at naupo sa sang habang nakatingin sa kalangitan. Naupo narin ako sa tabi nya habang nakatingin sa kanya. "Bawat isang nilalang ay mayroong isang magic attribute." Tumingin sya sakin kaya nagtama ang aming mata. "Ang mga magic ay nagmumula sa ating golden core, kung ano ang kulay ng i'yong golden core ay ganon ang i'yong magic elements."
Magic attribute?
Golden core?
Magic elements?
"Mas maiintindihan mo ang lahat kapag nagbasa ka ng libro tungkol sa Phantomia."
BINABASA MO ANG
Becoming A King
FantasyBecoming A King (BxB) Dito sa mundo, maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag. Mga bagay na hindi natin aakalaing totoo. Mga bagay na akala natin gawa-gawa lang. Mga kapangyarihan at kakaibang nilalang. Paano kung meron ka palang natatagong kakayaha...