Kabanata XXIII: Boring na Dwelo

97 20 2
                                    

Becoming A King

Kabanata XXIII: Boring na Dwelo

~Kiever Luis Suarez's PoV~
(Prinsepe Arthit)

ILANG MINUTO na akong umiilag sa mga atake nya. Wala akong magawa, tanging pag-iwas sa mga spell na inilalabas nya.

Ano pa nga bang magagawa ko kun'di ang umiwas, hindi ba?

Natatakot ako, ang offensive spell na alam ko palang ay ang Angel's trumpet. Dalawang beses ko nang nagawa yon kaya alam ko na kung ano ang naidudulot non.
Baka kapag ginamit ko ang spell na yon ay baka wala nang matira sa kanya.

"Ano? Iilagan mo nalang ba ang mga atake ko?" Mapang-asar na sabi nang babaeng kaharap ko. Tsk.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at itinuon ang atensyon sa pag-iwas sa mga baging na patuloy sa paghampas sa akin.

Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron sya pero bawat pagtama ng mga baging sa sahig ay nagdudulot iyon nang pagkawasak. Hindi ko maimagine kung ano ang kahihinatnan ko kapag saakin yon tumama.

Bakit ko ba kase naisip na tanggapin ang hamon nya. Wala pa akong masyadong alam sa kakayahan ko.

Muli ay itinutok nya sa akin ang kanyang kamay at naglabas iyon ang napakaraming mga dahon.

Noong una ay hindi ako umiwas dahil ang akala ko ay ordinaryong dahon lang yon ngunit napangiwi ako nang tumama sa pisngi ko ang isang dahon at nagdulot iyon nang isang hiwa. Naramdaman ko ang sakit at pagtulo nang likido sa aking pisngi.

Ngumisi sakin ang dalaga, "Idiot." What? "Sinong tanga ang hahayaang tumama sa kanya ang isang Blade Leaf?" Nakangising tanong nya, "Pasalamat ka at yan lang ang nangyare sa'yo."

Blade leaf? The ef!

Patuloy na pumunta sa dereksyon ko ang mga dahon, wala akong magawa kun'di ang iwasan ang mga 'yon ngunit dahil sa sobrang dami ay may iilang dahon ang tumama sa iba't ibang parte nang katawan ko.

Hindi ko ininda ang sakit sa mga sugat na natamo ko dahil marami pang dahon ang papunta sa dereksyon ko.

"Boring." Rinig kong sambit nya habang patuloy na iniiwasan ko ang mga dahon. "Dapat ko na sigurong tapusin 'to."

Napatigil ako sa pag-iwas nang biglang magbagsakan sa sahig ang mga dahon.

"Nature magic; dragon's whip!" Agad akong napatingin sa babaeng kaharap ko. Biglang lumabas sa kanyang kamay ang isang latigo na halatang hindi pangkaraniwan.

Isa itong latigo na parang gawa sa kaliskis ng isang dragon.

Ngumisi ang dalaga, "Bago kita tapusin magpapakilala muna ako." Para san pa? Hindi ako interesado. "Celine Gozon, isa sa The Great Four Princesses." Matapos nyang sabihin 'yon ay bigla nyang inihampas papunta sakin ang latigo.

Napakabilis, parang isang kidlat. Hindi ko man lang naigalaw ang aking mga paa ko, napatilapon ako nang tumama sakin ang latigo. Ang sakit, para akong hinampas nang isang daang beses.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa. Bakit ba hindi ko gamitin ang kapangyarihan ko? Bakit ba hindi ko 'man lang protektahan ang sarili ko.

"Ugh." Napaubo ako sa sakit nang pinilit ko pang tumayo.

"Weak." Narinig ko ang boses nya, mukhang papalapit sya sakin. "Hindi ko alam kung kaano-ano mo si Commander Sandro, pero mukhang hindi mo sya kamag-anak dahil ang hina mo!"

Ang hina ko. Napangiti ako sa isip ko. Hanggang ngayon, wala parin akong pinagbago, paano ako magiging isang Hari gaya ng sinasabi nila kung mahina ako?

"Hindi ko din alam kung paano ka nakapasok sa paaralang ito," sabi pa nya. "Hindi nababagay ang isang tulad mo dito!" Hinampas nyang mula ang latigo sa kinaroroonan ko.

Napapikit nalang ako, wala naman na akong magagawa pa kun'di hintayin ang pagtama ng latigo sa katawan ko.

Sa 'di ko malamang dahilan ay parang may naramdaman akong isang malakas na presensya.

Narinig ko din ang tila gulat na ekspresyon nang lahat.

Lumipas ang ilang saglit ay wala akong naramdamang sakit, walang latigo ang tumama sakin kaya dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.

Nagulat ako nang sumilay sa aking paningin ang isang bulto nang lalaki sa aking harapan, isang pamilyar na matipunong bulto-si Sandro.

Hawak hawak nya ang kabilang dulo ng latigo. Pinigilan nya ba ang latigong sana'y tatama sakin?

"C-commander... Sandro." Nanlalaki ang mata ni Celine at tila gulat na gulat habang nakatingin kay Sandro.

Isa talaga syang Commander?

"Sinong may sabi sayong pwede mong galawin si Kiever?!" Mas lalong nanlaki ang mata ni Celine, at rumehistro sa kanyang muka ang takot. Maging ako ay natakot sa boses ni Sandro. Para syang isang galit na lion na ano mang oras ay aatakihin ang kanyang biktima.

Hindi nakapagsalita si Celine dahil sa sobrang pangamba at takot sa lalaking kaharap. Maging ang mga nanonood ay natahimik dahil sa kanyang presensya.

Sinubukan ko namang magsalita pero hindi ko magawa, ang sakit nang buong katawan ko.

"Nakikita mo ba ang sugat sa buong katawan nya?" Mas lalong lumalim ang boses ni Sandro. "Pagbabayaran mo ang bawat pinsala at sugat na ginawa mo sa kanya." Humakbang sya papalapit kay Celine.

Napaatras naman si Celine at nabitawan ang latigong hawak nya, takot na takot ang kanyang itsura. "P-patawad-"

"Patawad?" Agad na pinutol ni Sandro ang sasabihin nya. "Marunong palang humingi ng tawad ang isang miyembro nang The Great Four Princesses?"

Muling humakbang si Sandro papalapit sa takot na takot na dalaga. Patuloy naman sa pag-atras si Celine.

"Stop." Kasabay nang pagsambit ni Sandro ay ang paghinto ni Celine. Nagpatuloy naman sa paglapit sa kanya si Sandro.

Ano bang klaseng kapangyarihan 'yon? Bakit parang lahat nang sabihin nya nagkakatotoo?

Nang tuluyan nang makalapit sa kanya si Sandro ay mas lalong naginig ang kanyang katawan sa takot. "M-maawa ka, Commander S-Sandro."

Hindi naman nagsalita sa Sandro at walang sabi sabing sinikmuraan ang babae.

Lahat ay nagulat dahil sa ginawa nya, pati ako.

Hindi pa nakontento si Sandro at sinampal nya pa ang mukha ni Celine gamit ang likod ng kanyang palad.

Nakita ko kung paano mapangiwi sa sakit si Celine.

Hindi ko mapigilang hindi maawa, gusto kong magsalita at pigilan si Sandro pero tangging mahinang ungol lang ang lumalabas sa bibig ko dahil sa sakit ng buong katawan ko.

Pinulot ni Sandro ang latigo at walang sawang pinaghahampas si Celine.

Nakita ko kung paano magkaron nang dugo ang katawan ni Celine sa bawat pagtama ng latigo sa katawan nya. Parang naging isang matalim na katana ang latigo na humihiwa sa bawat tatamaan nito.

Ang ibang nanonood ay napatakip ng bibig, ang ilan naman ay hindi na makatingin kila Sandro dahil hindi na masikmura ang nakikita.

Tumutulo narin ang dugo sa bibig ng dalaga ngunit hindi parin nilulubayan ni Sandro ang paghampas sa kanya.

"S-Sandro!" Kahit masakit at mahirap ay pinilit kong sumigaw.

Napatigil sya sa paghampas ng latigo at napatingin sakin. "T-tumigil k-kana." Dahil sa sobrang panghihina ay hindi ko na kinaya pa. Binalot ako ng dilim at naramdaman ko ang pagbagsak ng aking ulo sa sahig. Narinig ko pang tinawag ni Sandro ang pangalan ko bago ako tuluyang mawalan nang malay.

 Becoming A KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon