Kayzel 's POV
Patuloy lang ako sa pagtakbo . Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari pero natagpuan ko ang sarili kong tumatakbo sa isang madilim na kawalan . Gusto kong huminto pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makahinto sa pagtakbo . Kusa nalang huminto ang mga paa ko sa pagtakbo . Hinihingal ako ng matindi pero para akong kontrolado at hindi ko mapigilan lumingon sa kaliwa ko . Nakita kong nakahilata sa sahig ang isang babae na hindi nalalayo ang edad sa akin .
"Miss ! " Humahangos akong lumapit sa kanya .Nagising sya bigla at naupo sa kinahihigaan .
"Bakit ka huminto sa pagtakbo ?! Nababaliw ka na ba ?! " Galit na galit ang tono nya . Nabigla ako sa sinasabe nya . Anong meron ?
"Ha ? Gusto lang kitang tulungang tumayo . " Sabe ko sa kanya .
"Takbo na . Dali !!! " Sabe nya at itinulak ako palayo . Nilampasan ko sya .
"Anong problema ?! Hindi kita maintindihan ! " Sigaw ko sa kanya .
"Tumakbo ka na ! Dali na at paparating na sya ! Iligtas mo na ang sarili mo !!! " Halos mamaos sya sa pagsigaw sa akin .Napakamot ako ng ulo . Hindi ko maintindihan ang sinasabe nya . Sinong sya ?!
Nagulantang ako ng may isang lalaking lumapit sa kanya . Nakapagtatakang walang mukha yung lalaki .
"Maawa ka na sa akin . Nakiki-" hindi pa natatapos magsalita yung babae pero initak sya ng lalaki sa ulo nya na mabilis nyang kinamatay .Halos maduwal ako sa aking nasilayan . Anong nangyari ?! Kailangan kong makatakas . Kaya pala nya ako pinapaalis kase may gustong pumatay sa akin , na marahil ay sa amen .
Napatitig sa akin yung lalaking walang mukha . Napailing sya .
Marahil natunugan ko ang pag-iling nya .
Tumakbo na ako . Kailangan kong makatakas . Papatayin nya ako .
Muli ko syang nilingon . Kasunod ko na sya .
"Sino ka ba ?! " Sigaw ko sa kanya .Hindi sya umimik bagkus INITAK NYA AKO .
~panaginip lang pala .
Nagising ako at naupo sa kama ko . Tinignan ko yung orasan . Saktong 2 ng madaling araw .
"Unang araw ko nga pala sa school ko dito sa McKinley High . " Sabi ko sa sarili ko .Biglang masok muli ang mga panaginip ko . Sino yung babae sa panaginip ko ?
Sino yung lalaking walang mukha na humahabol sa akin ?
Nakapagtataka ...