OAKC2 : Ms. Suzette' s Death .

1 0 0
                                    

"Class 2-A nga naman , wala pa ring pagbabago . "

Julie' s POV

"PATAY NA SI MA'AM SUZETTE ?!! "

Gulat na gulat akong pumasok sa loob ng room at nakita kong nag-iiyakan ang iba sa mga kaklase ko . Hindi ako makapaniwala sa sinasabe ni Marian pero eto yung pruweba , nag-iiyakan ang mga kaklase ko . Hindi ko magawang umiyak dahil sa tensyong bumabagabag sa isipan ko . Ngayon lang ako nakasaksi ng kamatayan sa tanan ng buhay ko . Pero bakit ? Pero bakit sya pinatay ?
"Paano nangyari yon ? Bakit sya pinatay ? " Tanong ko kay Marian pagkaupo namen sa upuan .
"Hindi ko alam kung bakit sya pinatay . Pero nakita syang nasa loob ng library , nakayuko sya sa lamesa doon at yung mukha nya ay nakasalampak sa libro , pero may saksak sya sa batok . " Paliwanag ni Marian sa akin .

Napalingon ako sa grupo nina Kesha . Alam kong sila lang ang pwedeng gumawa noon dahil sila ang huling naka-away ni ms. Suzette .
"Marian , ipapaputol ko ang ulo ko , sina Kesha lang ang pwedeng gumawa nito . " Sabe ko bigla kay Marian .
"Huy tumigil ka nga ! Mamaya marinig ka nila ee . " Sigaw nya bigla sa akin .

Bigla akong lumingon kina Kesha at nakatingin na sila sa akin .
"Sabe ko naman sayo eh , nakatingin na tuloy sila sa ating dalawa . Lagot ... " pabulong na sambit ni Marian sa tenga ko .
"Ano Julie ? Kame ba ang pinaghihinalaan mong gumawa nito ? " Biglang lumapit sila Kesha sa amen at pinalibutan kame sa kinauupuan namen ni Marian .
"Ha ? Wala akong sinasabeng ganyan . Sobra naman ang pagka-TH mo , Kesha . " Pagtatanggi ni Marian sa amen .
"Really ? Kame ba ang niloloko mo , Marian ? " Singit ni Paula .
"Totoo ang sinasabe ni Marian , Paula . " Dipensa ko naman sa pagsisinungaling ni Marian .

Binatukan ni Kesha si Marian .
"Huwa nyo kameng pinag-gagagag* ha ? Isa pang ulitin nyo to , sa impyerno na tayo ulet magkikita . " Habilin ni Kesha at lumayo na sila sa amen .

Ngunit bago makalayo sina Kesha , tumayo si Marian .
"Ano bang ginagawa namen sa inyo ? Inano ba namen kayo ? " Tanong ni Marian .

Sabay-sabay lumingon sina Kesha .
"Edi pinag-hihinalaan nyo kame na kame ang gumawa ng lahat ng ito . Diba ? " Sabe naman ni Kathryn na kasama sa grupo ni Kesha .
"Nakakasiguro ba kayo ? " Dagdag pa ni Marian sa pagsisinungaling nya .
"Oo . Pinagtitinginan nyo kaya kame kanina . " Singit naman ni Kathryn na isa din sa kanila .
"Akala nyo lang yon , mga feeler naman kayo . " Sagot agad ni Marian .

Kinapitan ko na sa kamay nya si Marian at sinenyasan ko na syang maupo nalang , pero hindi sya nagpa-awat .
"Ano bang gusto mo ? Marian ? Sakit ng katawan ? Ha ? " Sumingit na si Kesha .

Lumapit ulet sila sa amen .
"Please , Kesha , stop this . Ayoko ng iskandalo . " Nakiusap na ako kay Kesha .
"Tanga ka ba ? Kanina pa kaya tayo dito agaw-eksena ? Bobo ka teh ? Shunga lang ? " Pambabara nya sa akin .
"Sige na , hindi na to mauulit . Ayaw na namen ng gulo . " Sagot ko naman .
"Hindi eh !!! Inumpisahan nyo to eh ? Gusto nyo to diba ? " Wika ni Paula .

Nahinto sila ng bigla silang hawiin ni Kayzel .
"Ano nanaman to ? Nang-aaway nanaman kayo ? " Tanong sa kanila ni Kayzel .
"Bakit ka ba laging nakikigulo ? Ano bang problema mo ? " Inis na inis na si Kathryn .
"Kayo kaya itong nanggugulo . " Sagot agad ni Kayzel .
"Could you shut up nalang ? Hindi ka naman kase kasali eh !! " Sabe ni Paula kay Kayzel .
"Paano ako hindi sisingit eh alam nyong may kamamatay palang ganyan na agad ang bungad nyo ? " Banat ni Kayzel sa kanila .

Tinulak sya ni Kathryn ng malakas . Natumba si kayzel sa mga upuan sa likuran nya at sumalampak sya paupo sa sahig .
"Dyan ka lang . Isa pang mang-agaw ka ng eksena , hindi lang ito ang aabutin mo . " Sabe sa kanya ni Kathryn at pinukol pa sya ng librong hawak nya .
"At kayo naman . " Lingon ni kathryn sa amin .
"Magtino kayo , kung ayaw nyong masaktan at mapahiya kagaya ni Kayzel . " sabe nya sabay turo sa umiiyak na si Kayzel sa sahig .
"Buti nga sayo . Pakielamera ka kase eh . " Singit pa ni Paula . Sabay tadyak nya sa upuang nakataob sa gilid ni kayzel na tumaob pa ulit sa paanan ni Kayzel .

Ilang sigundo pa at lumabas na sila ng classroom .

Tumayo kame ni Marian at tinulungan si Kayzel na makatayo .
"Salamat ha ? " Sambit nya .
"Kame ang dapat magpasalamat sayo . " Sabe naman ni Marian .

Napalingon ako sa mga kaklase namen na nakatitig sa amin kanina lang , pero ngayon , parang wala silang paki kay kayzel . Talagang pinakita nila ang tunay na  ugali nila . Mga nagpapaka-feeling safe silang lahat . Pero lahat naman sila eh galit na galit na kanila Kesha , pero parang wala lang sa kanila . Wala man lang ni isang gentleman na tumulong kay Kayzel para makatayo . Grabe talaga .

Class 2-A nga naman , wala pa ring pagbabago .

Once A KILLING Class 2 : Timbuktu MiergascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon