OAKC: The Bad News .

2 0 0
                                    

"Should I believe on her ? Or I should ask others for more informations ? "

Jessica' s POV

Ayoko nang tignan ang mga matang nakatitig sa akin . Ayoko na nang gulo , ayoko na ng issues . Simula pa noong first day of school , ilag na ako sa mga taong mapanghusga sa akin . Oo , inaamin kong mali ang patulan ko ang boyfriend ng may boyfriend , pero kung hindi nila ako maintindihan na may nag-uutos lang sa akin na gawin iyon kay Levina , wala na akong magagawa pa . Hindi ko na kasalanan at wala na akong paki sa mapanghusgang mundo nila . Basta ang alam ko lang , nakakasunod ako sa daloy ng lahat .
"Jessica . " kinakapitan na pala ako ni Jesson sa braso ko .

Tumingala ako at hinawi ko ang bangs ko na pinang-haharang ko sa mukha ko .
"Ano ang kailangan mo ? " lumbay kong sagot .
"Wala akong kailangan sa iyo . Gusto lang sana kitang -"
"Damayan ? Damayan ba ang tingin mo sa pagkakalat ng chismis na ginawa mo ? " pinutol ko na ang sinasabi nya .
"Hindi ko naman iyon ginusto eh . Sadyang may nanakot lang sa akin na kapag hindi ko daw iyon ginawa , ipapapatay ako . " Sagot nya .
"Naniniwala ka na ba sa akin na may taong gusto tayong sirain ? " Tanong ko .
"Oo , at kagaya ng sinasaad mo , nagpaabot din sya ng itim na rosas at kasama nun ang sulat na naglalaman ng utos . " Sagot nya .

Hindi sya nagsisinungaling sa mga mata nya . Nararamdaman ko ang takot sa mata nya dahil sa nararanasan namen .
"Wala akong ideya sa gusto nyang mangyari pero ipagpatuloy nalang natin ang sari-sarili nating buhay . " sagot ko .

Inalis ko ang kamay ko sa kamay nya at lumakad ako patungo sa hagdan .

Bigo akong alamin kung ano ang totoo nyang kailangan , pero alam ko na ngayon na hindi ako nag-iisa .

Nilingon ko sya muli , at tama ako . Nakasunod sya sa akin .
"Nakikiusap ako sayo , Jessica . Sana tayong dalawa palang ang nakakaalam na may nag-uutos . " Sabe nya pagkalingon ko .

Tumango ako . Sinagot nya ako ng ngiti .

Tumalikod na muli ako at nagsimulang umakyat sa hagdan .

Julie 's POV

Bumaba ako sa upuan sa tabi ng driver's seat ng Jaguar ko . Ito ang service ko noong 1st year palang ako . Hindi na sa akin bago ang mga hightech at kakaibang gamit dahil sunod sa luho ang uri ng pamumuhay ko . Halos para sa ibang mga estudyante ng school na ito , kayamanan na ang tawag sa meron ako ; P1, 000 na baon araw-araw , dalawa ang cellphone na isang 1phone 4s at isang iphone 5 C na wala pa at hindi pa alam dito sa pilipinas , halagang P10, 000 na jansport na bag , Celine na sapatos , at mga alahas na puro dyamante at ginto . Hay nako , kung wala siguro ako nito , pipitchugin at walang kwentang estudyante lang ako dito at wala siguro ni isang papansin sa akin . Kahit nasa akin na ang lahat ng dapat taglayin ng isang sikat , buntot parin lang ako sa kasikatang tamong-tamo ni Haydie . Siguro kahit hindi ko na aminin sa iba pang estudyante dito , lahat siguro kami ay pare-parehong hanggang tingin nalang sa kasikatan ni Haydie . Gusto kong matalbugan sya , gusto kong mas maging sikat sa kanya , gusto kong ako ang tinatawag na queen bee , at higit sa lahat , gusto ko nasa akin lang ang atensyon ng iba , sa akin lang .

Naglakad na ako patungo sa gate ng school para mag-log in .
"Hi sis !! " Bati ni Haydie sa akin at kumapit sya sa braso ko .

Oh yes I admit it , were close friends . Pero kung tutuusin , pinaplastik ko lang naman sya at ginagamit na din at the same time para makilala din ako . Oras naman na mapansin na ako at makilala ng lahat , iiwan ko na sa ere itong babaeng ito .
"Hello din ! " Balik-bati ko sa kanya . Nagbeso-beso pa kame sa gitna .
"Buti nagkasabay tayo , kase may masamang balita na last day pa ata kumakalat . " Salita nya sa akin habang nagla-log in kame ng I.D.
"Tungkol kanino ? " Sagot ko naman nang makalampas na kame sa gate .
"It' s all about Lavina . " Dugtong nya agad sa sinasabe ko .

Napahinto ako . May scandal ba sya ? O isa itong pamamahiya kay Lavina ?
"Ano raw ba ang nangyari kay Lavina ? " Tanong ko naman .
"Ang kwento kase sa akin ni Chad , naka-recieved daw sila nina Icy , Edson , at si Miko ng isang letter na may kasamang black rose tapos ang nakasulat daw doon is ... Levina is out of the game ata ? Hindi ko sure ha ? " Sabe nya habang pumapanik na kame sa hagdan .

Should I believe on her ? Or I should ask others for more informations ?

Once A KILLING Class 2 : Timbuktu MiergascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon