OAKC: The Forevermore .

2 0 0
                                    

" Ibabalik ko sa kanila ng doble at mas masakit . "

Jemson 's POV

Imbis na ako ay sagipin , itinulak sa bangin . Ngayon alam ko nang ito ang ibig sabihin ng kapit sa patalim . Kung mabaho ay sabunin , kung makati ay kamutin , at kung hindi masikmura 'y ibaling ang tingin . Lagi ko na lang tinatandaan ang mga bagay na iyon bilang isang pagkapit sa patalim . Siguro nga dapat ko nang tanggalin sa sarili ko na may mga bagay talagang hindi na maibabalik , at kung maibalik ko man , hindi na kagaya ng dati . Gusto kong ibalik yung dating kame , pero papaano ko yun gagawin kung para syang artista dito sa school ? Oo mahal na mahal ko sya , mahal ko parin sya , pero dahil sa kasikatan nyang taglay , sa dinamirami ng mga nag-gagwapuhan at nagyayamanang mga lalaking handa syang mahalin , makakasingit kaya ako sa kanila pa sa puso ni Haydie ?

Huwag kang mag-alala Haydie , tatanggalin ko ang mga balakid sa pagmamahalan naten . Hahawiin naten sila . Hindi ako basta kakapit sa patalim , dahil gagawin ko ang mga plano ko habang may kapit akong patalim . Ganyan kita kamahal noon palang Haydie . Sana may nararamdaman ka pa para sa akin . Haydie mahal na mahal kita .
"Hoy Jemson tulala ka nanaman diyan ha ?! " Siniko ako ni Jacob sa tagiliran ko .
"Dahilan yon para maniko ka ? " Tanong ko sa kanya .
"Sorry naman . " sagot nya .
"Nakakainis ka . Ang lalim ng iniisip ko dito tapos sisirain mo lang . " sabe ko sa kanya .
"Ano ba kaseng iniisip mo ? " Tanong nya ng bigla nyang iniharap ang upuan nya sa harapan ko .
"Ano bang paki mo sa iniisip ko ? " Binara ko sya .
"Kase ang sikreto , parang napupunong timba ng tubig . Kung wala ka nang ibang timba , mapupuno ka ng husto at aapaw , parang sa tao , sasabog . " Malalim nyang sabi habang nakalapit ang mukha nya sa mukha ko .

Itinulak ko sya at iniatras ko ang upuan ko .
"Ano ka ba ? Para ka namang timang sa sinasabe mo . " Tinayuan ko sya at lumabas ako ng classroom .

Brent' s POV

Ako nga pala si Brent Kyle F . Ocampo . Ahahahaha sapak ang aabutin mo sa akin kapag hindi mo ako kilala . Joke ! Syempre mabait naman ako sa mga taong gusto akong makilala . Oo , sabihin na nating nakilala ako sa school dahil sa medyo hawigin ko daw si Jung Hyun Wah . Kasing-height ko , kasing gwapo ko talaga . Ahaha kapag nasa ibang lugar ako , ang daming nagpapa-picture kase kamukha ko daw yung koreano na iyon . At dahil sa kagwapuhang taglay ko , madaming babae ang nagkakandarapa sa akin . Sa totoo nga lang , noong 1st year ako dito , may baklang umaali-aligid sakin . At nung nagtanung-tanung ako , doon ko nalaman na ... anak pala sya ng may-ari ng philippine airlines . Kaya iyon , pinatulan ko . At sinusutentuhan nya ako ng pera . Kaso may nainggit , pinapatay sya .

Kaya eto , may nahanap akong kapalit nya . At hindi ko ito inexpect kase ang gwapo ng lalaking to para mabakla saken . Ayokong ipaalam sa iba ang bagay na to . Mahal ko na sya kahit ganto sya . Totoo tong nararamdaman ko . At ayokong mawala sya saken , di dahil sa wala nang susustento saken , kase mahal ko na to .

Dapat siguro kuhain ko din ang meron sila , kase ginawa nila yon saken kaya ibabalik ko lang sa kanila . Ibabalik ko sa kanila ng doble at mas masakit .

Once A KILLING Class 2 : Timbuktu MiergascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon