OAKC: Sonekko Remora( 1st Prologue)

1 0 0
                                    

"Ito na nga ang impyerno . Walang labis , walang kulang. "

Janice ' s POV

Nasa pasilyo na ako ng school namen ng tawagin ako ng isang tinig .
"Psst Janice ! "

Nilingon ko sya sa likuran at sigurado akong si Haydie ang tumawag dahil kilala ko ang malambing at malambot nyang boses .

Lumingon ako sa likuran ko kung saan nanggagaling ang tawag . Nakapagtatakang puro ibang year ang nakita kong mga estudyante . Wala si Haydie .

Kung gayon , nasaan sya ? Luminga-linga parin ako sa tsansang makita ko sya , ngunit siguro' y hindi talaga kame pinag-tagpong makita ang isa' t isa .
"Hoy Janice . Sinong nililingon mo sa likuran mo ? " Napaigtad ako sa gulat nang si Haydie ay nasa harapan ko pala .
"Akala ko kase nasa likuran kita nang tinawag mo ang pangalan ko . " Sagot ko habang inaayos ko ang I.D. ko . "Ah . Tara na at si Ma'am Andrada ay nandyaan na . " Tugon nya at kinapitan nya ang bisig ko at hinila ako papasok ng classroom .

Ang sarap pala sa pakiramdam ng may taong nag-aalala sayo . Lalo na kung yung taong iyon ay isang tang* na hindi nya alam ay kumakapit lang ako sa kanya dahil kailangan ko pa sya . Kailangan ko pa sya kase hindi pa alam ng buong campus na kaibigan ako ni Haydie .
"Hi ate Haydie ! Picture naman po tayo ? " Sabe ng isang freshmen na hinarangan kame sa daanan namen . Hindi naman nakatanggi si Haydie at pansamantala nya akong iniwan .

Nakakainis . Agaw-moment tong babaeng ito ! Dumaan ako kunwari sa harap nila at tinapik ko yung cellphone nya . Napalakas ang tapik ko at bumagsak sa floor ang cellphone nya .
"Ay sorry ! " Sabe ko at nag-alala ako kunwari .

Namutla yung babae dahil nagkalas-kalas ang cellphone nya at nabasag ang LCD .
"Nako , dont worry . Eto yung cellphone ko , iyo na ito . " Sabe ni Haydie at inabot ang iphone 4s nya . Ang model ng cellphone nya kase ang pinaka-latest nung panahong ito .
"Ay wow grabe ! Thank you ate Haydie !! " Napayakap pa ang bruha sa tuwa nang binigay ni Haydie ang cellphone nya . Hinila ko na si Haydie dahil ang dame nang tao ang nakapalibot sa amen . Gusto ko solo ko lang si Haydie , at kung ano man ang meron sya ngayon , gusto ko kapag mawala na sya ay higit pa ang meron ako .
"Huy ! " Siniko ni Jesson ang kamay ko na pinangangalumbaba ko kanina pa .
"Ano ba ?! " Inis kong tugon at hinampas ko ang braso nya .
"Ang lalim kase ng iniisip mo eh . Wala si Ma'am Andrada , tara volley ball nalang tayo ? " aya nya sa akin at tumayo na sya kapit ang kamay ko .

Gwapo naman talaga sya . Matangkad , medyo payat , maputing chinito , red lips , at parang kay Justin Bieber ang hairstyle nya . Kaya naman pala sya pinagpapantasyahan ng lahat ng babae sa school , dahil pogi na , sporty pa .
"Sige na nga . " Sagot ko at tumayo na ako .

Habang naglalakad kame papunta sa court ng school , napapatitig ang lahat sa amen . Ano meron ? Artista ba kame ?

Ay nga pala ! Bigla kong tinignan ang kamay ko , kapit parin pala ako ni Jesson . Oh my goodness , additional famous points ito !

Narating namen ang court at hanggang ngayon ay kapit padin ni Jesson ang kamay ko .
"Hindi mo ba ako bibitawan ? " tanong ko sa kanya nang marating namen ang gitna ng court na may pakipot pa akong mga kilos .
"Ay sorry . " Binitawan nya ang kamay ko .

Nakaramdam ako ng hiya . Dapat ako ang unang bumitaw . Nagmukha akong kaladkaring babae . Nakakainis .

Umalis ako sa court at pumunta ako sa restroom .

Naabutan ko doon si Kesha .
"Bakit dito ka nag-cr ? " bigla ako kaseng pumasok sa cr at tumabi sa kanya sa harap ng salamin .
"Masama ba ? " Tanong ko .
"Oo . Masama . " Sagot nya agad .
"Ha ? " Bigla nya kase akong hinila at nakita ko ang sarili ko sa isang cubicle , puro saksak ang katawan ko , at ang kutsilyo ay nasa kamay ni Kesha . Ano to ? Totoo ba ito ?
"P-paano nangyari ito ?!! " Malakas ang boses ko .
"Patay ka na , kanina pang umaga at wala pang nakakaalam nito kahit isa dahil ililigpit ko na ang pinagkalatan ni King . " Nangingiti nyang sagot .

Tinignan ko ang sarili ko , may saksak nga ako .

Hindi pa ako nakuntento , tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin . Malabo na ang kulay ko at patuloy ding lumalabo ang salamin dahil nagkakaroon ng moist .

Bigla pang nabasag ang salamin .
"Ano to ?! Totoo ba ito ?! " naiiyak na ako .

Napaharap ako ulit sa likod . Wala na si Kesha . Wala na ako sa cr . Nasa isa akong lugar na umaapoy .
"Aaaahhh !! " Nagulat ako dahil may humawak sa paa ko .
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh! !" Lalo pa akong nagsisigaw dahil ang mga may hawak sa paa ko ay mga nilalang na sa impyerno lang makikita .
"Bakit ako nandito ?! " umiiyak ako sa takot .

Hindi ako makagalaw , patuloy akong lumulubog sa ilalim ng itim na lupa .
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh !! " Patuloy lang ako sa pagsigaw ngunit huli na .
Ito na nga ang impyerno . Walang labis , walang kulang.

Once A KILLING Class 2 : Timbuktu MiergascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon