OAKC2 : Tragedy .

2 0 0
                                    

"pinilit kong bumangon ngunit nawalan na ako ng malay ..."

Brent 's POV

Papunta na ako sa gate ng makita kong madaming estudyante ang nagmamadaling lumabas . Cut ba ang classes ?
"Bakit kayo lumalabas ? " Tanong ko sa isang estudyanteng hinarangan ko .
" Sabe cut daw muna yung classes , ang dami ngang pulis sa loob eh . " Sabe nya at nilampasan ako .

Napakamot ako ng ulo . Anong meron ? Pwede kaya akong pumasok ?

Sa aking paghakbang ay lumitaw ang isang babaeng brown ang buhok na hanggang bewang , may height naman sya at mukhang bago sa aming campus . Palabas sya ng campus , pero agaw-tingin sya kase lahat ng lumalabas ng gate ay naghahangusan pero sya ay chilax-chilax lang .

Naghawi sya ng buhok ng huminto sya sa harapan ko dahil nasa tapat ako ng dadaanan nya .
" Excuse me ? Lahat kame pauwi na pero ikaw papasok ka palang ? " Sabe nya at sabay tanggal sa shades nya.

Pu*a , napakaganda naman nya ?!

Sinuot nya ulit yung shades nya at lumampas sa akin .

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumakad na sya palayo .

Nabalik ang tuon ko sa mga estudyanteng naglalakad palabas ng campus .

Kahit gulong gulo ang isipan ko ay sumiksik ako sa mga estudyanteng palabas ng gate para makapasok sa loob . Konti nalang ang mga estudyante sa loob . Ano ba talagang meron ?

Napatingala ako at nakita ko sa second floor na naglalakad sina Xanthe at Aika na may kasamang dalawang pulis na nakabuntot sa kanila . Anong nangyari ? Nahuli kaya sila ? Lagot .

Wala na akong inaksayang oras pa , kundi ay tumakbo ako para mahabol ko sila . Dahil sa ingay ng sapatos ko , napalingon sila sa akin pati yung dalawang pulis .

Humahangos akong nagtanong .
" Anong meron ? " Tanong ko agad .
" Meron daw patay sa loob ng classroom nyo , at ang siste pa ay walang saplot ang natagpuang bangkay . " Sabe ng isang pulis nang sumabay ako sa kanilang paglalakad .

Nagtaka ako . Sino ang gumawa nun ? Wala bang CCTV camera ?
" Eh manong pulis wala po bang CCTV footage ? " Tanong ko pa .
"Meron naman . Kaso nung ni-replay ang footage , naka-jacket ang salarin , nasa 5'4 ang taas at di pa matukoy kung babae o lalaki . " sabe nung pulis .

Nagkaroon ako ng kaba sa aking dib-dib . Mukhang matutukoy ko kung sino ang salarin . Ngunit , hindi pwede . Oo nga' t marami syang kinagagalitan . Marami syang dahilan para pumatay dahil maaring marami ang pumaplastik at nakikipag-away sa kanya pero hindi naman iyon dahilan para makagawa sya ng krimen . Mas mabuti nang ako nalang ang aalam mula sa kanya .

Pagliko namin sa pasilyo ay nandoon sa tapat ng kwarto namin ang dalawa pang pulis , isang teacher , at ang school president .
" Paano nangyaring hindi nakita ng gwardya nyo ang pumasok na salarin ? Eh kitang kita naman pala sa Footage ? " Sabe ng Pulis sa aming school president .
Hindi ko alam , pero yung gwardya ang sabe nya sa akin ay wala daw talagang lumabas o pumasok na babaeng naka-gray na jacket . " pagpipilit ni Mr. Canseco , ang school president .

Napakamot sa ulo ang pulis .

Sa aming pagsilip sa loob ng classroom , may apat na NBI na nag-iimbestiga sa bangkay .

Nagpilit pumasok sina Xanthe at Aika ngunit hindi sila nakapasok sa loob dahil sa pagharang ng dalawang pulis sa kanila .
" Mga estudyante , kung wala kayong maitutulong dito , mas mainam na umuwi na muna kayo at doon magpahinga . " Wika nung teacher na sa elem pa nagtuturo .

Magkasabay na kameng umuwi ni Xanthe pero si Aika ay hindi pa sumama .
" Sa dami-dami ng kwarto ng paaralang ito eh bakit pa sa paaralan naten itinapon ang bangkay na yon ? " Sabe ni Xanthe .
Siguro kase para sa atin isisi ang pagkamatay nung tao at para sa atin lang iimbestigahan . " sagot ko .
" Lagot na tayo bukas . Mapapagalitan na naman tayo . " sabe ni Xanthe at tumawid na sya sa kabilang kalsada . Hindi na sya nagpaalam pa .

Magandang tagpo na naman ang mga mangyayari bukas . Mas maraming kwento at haka-haka ang aking madidinig bukas . Hindi na ako makapaghintay pa para panoorin ang mga alibay ng lahat ng mga kaklase ko . Gusto kong marinig ang kani-kanilang mga rason . Dapat siguro ay magpasarap na muna ako , ahahaha !!

Tumawid na ako sa kalye . Nagulat ako nang bigla akong tumilapon at bumagsak sa sahig .
" A-aray .. " pinilit kong bumangon ngunit nawalan na ako ng malay ...

Once A KILLING Class 2 : Timbuktu MiergascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon