" Ayokong may makaalam ng sikreto ko , at ng sikreto namen ng babaeng naka-eyepatch . "
Anonymous' POV
Peste sya ha ?! Bwiset talaga !!!
It is her fault to die . Tama bang sampalin nya ako sa gitna ng kaguluhan ? Ang tindi nya talaga . Pakielamera sya . Dapat lang talaga sya sa impyerno .Antayin nya yung adviser nameng walang kwenta , pagsasamahin ko sila sa impyerno . Dila lang nila ang walang latay sa aking paghihiganti .
It' s not my intension to kill her , but I decided to do it so kase magsusulat pa sana sya sa inakala ng mga Imbestigators na libro pero diary nya talaga yon , kung sino ang kumakalaban sa school , kaya nasaksak ko sya sa batok at iyon , namatay sya ng di' oras . Wala akong magagawa , sinusubukan nya talaga ako eh . Bagay lang sa kanya yun . Masyado syang mabait , kaya lang kinuha parin sya ni Satanas . Ahahahahahahaha !!
Lumingon nalang ako sa bintana ng bus . Nasa biyahe kame papuntang kawalan kase field trip na namen ngayon . Hindi ako nakikinig sa tour guide na dada ng dada sa harapan kase wala akong paki sa sinasabe nya .
What I care now is myself . Ano bang nasa isip ng iba ? Hero/Heroine ba ako para isipin pa ang kalagayan ng iba? Juice ko lord ? Isipin ko pa ba sila ? Ano ko ? Praning ???
Katabi ko si Julius Molina , natutulog sya . Ano ba yan ? Bakit ko ba sya iniisip ? Ano ko ba sya ? Ni hindi ko nga sya ka-close ee . Pesteng mundo to oh ?! Kailangan ko ng insect repelant para sa mga peste , at Katol at insecticide para sa mga PESTE .
"Palit naman tayo ng pwesto , kase ang ingay ng tour guide e . " pangangalabit ni Julius sa akin .Siniko ko sya at tinignan ng masama , sabay irap at lingon ulet sa bintana .
Wala akong paki sayo . Kahit ikaw pa ang pinaka-famous na lalaki sa buong mundo , wala parin akong paki sayo .
"Huy sige na naman oh ? " Nangangalabit parin sya .
"Ano ba ?! " Dumagundong ang boses ko .Itinulak ko sya palayo sa akin at natumba sya sa gitnang daanan sa bus .
"Ano ka ba ? "
"Sinaktan mo si Crush , para mo narin kameng sinaktan !! "
"Napaka-sama mo talaga ! "
"Kapag may mangyari kay Crush , ikaw ang lagot sa amin ! " Mga paulit-ulit na sigaw ng mga babaeng nagkakandarapa kay Julius . Inirapan ko nalang sila at lumingon ako ulet sa bintana .Wala akong paki sa nararamdaman ng crush nyo , lalong lalo na sa nararamdaman nyong mga malalandi kayo . Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga LANGAW ? Hindi ba't nasa DUMI sila sumisiksik ?
Katy's POV
Sinuot ko nalang muli ang earphones sa tenga ko kesa sigawan at concerns ng mga pok-pok ang madinig ko . Pesteng buhay to , bakit ba kasama ang mga iyan dito ? Sabe na nga ba eh , dapat sumama nalang ako kay Haydie sa mall at nag-shopping nalang ako . Atleast doon eh tao ang kasama ko hindi mga mababahong langaw na dikit ng dikit sa tae .
Napapikit ang mga mata ko ...
Bigla kong naalala ang mga pangyayari ng nakaraan ..
"Diba kaibigan mo si Jasmin ? " tanong ni Casey sa akin .
"Ha ? Hindi ah . " pagtatanggi ko .
"Akala ko naman kaibigan mo sya . Sabe kase lahat ng kaibigan nya , maliligtas . At ang hindi nya kaibigan , mamamatay . " Sabe nya .
Nabigla ako . Hindi ko alam ang mga sinasabe nya . Anong mamamatay ? May mamamatay ba ?
"Ano bang sinasabe mo ? " tanong ko sa kanya .
"Hanggang ngayon pa naman ba hindi mo pa kilala si Jasmin ? " sabe nya sabay lipat sa kaliwa ko ng makarating kame sa hagdanan . Pauwe na kame .
"Ano bang meron sa kanya ? At lagi kayong aligaga kapag nandyaan sya . " Tanong ko . Sino ba talaga si Jasmin ?
"Makikilala mo din sya . " sabe nya nung nasa gitna na kame ng hagdan .
"Kailan pa ? At tsaka ano bang paki ko sa kanya ? Di ko nga sya kilala ee . " sagot ko at nagkibit-balikat pa ako .
"Ngayon na . Makikilala mo na sya . " sabe nya at pinahinto nya ako sa paglalakad .
"Bakit ? " tanong ko .
"Akong mauuna . " sabe nya at nauna syang tumapak sa sahig ng ground floor .
"Dyan ka lang . " nagpatuloy sya sa pagsasalita habang pumupunta sya sa gitna ng ground floor , malapit sa stage .
"Dyan ka lang , Katy at matutunghayan mo ang parusa ng hindi kaibigan ni Jasmin . " salita nya at ibinuka nya ang mga palad at braso .
"Nasisiraan ka na ba ? " tanong ko sa kanya .
Hindi sya sumagot . Nakatitig lang sya sa akin . Bumaba ako ng hagdan . Walang tao sa buong ground floor .
"Umuwi na tayo . " pag-aaya ko sa kanya . Ngunit hindi natinag ang tingin nya sa akin .
Napa-meywang ako sa kanya . Iniintay kong gumalaw sya . Bigla nalang may upuang tumilapon galing sa taas at tinamaan sya , isang kahoy na upuan . Natumba sya sa sahig at nakita ko ang sugat sa mukha nya .
"Casey !!!! " sigaw ko . Akma na akong lalapit sa kanya ng sumenyas sya na huwag akong lalapit .
Isa namang monoblock na upuan ang humagis sa kanya galing sa taas . Tinamaan ang kamay nya na nakasenyas pa sa akin . Napahiga na sya sa sahig ng tuluyan .
"Casey !! " tumakbo na ako papunta sa kanya .
Isinandal ko sya sa mga hita ko , doon ko nakitang walang malay na pala si Casey .
Lumingon ako sa taas para hanapin kung saan galing ang mga upuan . Nakita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok at may eyepatch sa kanang mata . May bitbit syang isang Arm desk . Inihagis nya iyon sa akin .
Tumalikod ako . Doon ko naramdaman na maganda ang hagis nya . Sentrong sentro ng likod ko ang tinamaan nya . Pumatak ang luha ko sa sakit sabay ng aking pag-pikit .
Alam kong may ihahagis pa sya kaya kahit pakiramdam ko'y nabali ang likod ko ay pinilit kong tumakbo palayo . Iika-ika akong tumakbo patungo sa mas malayo kay Casey . Nakahandusay padin si Casey . Iniwan ko sya .
Lumingon ako sa babae sa taas .
May dala syang bote na parang may laman . Hindi ako nagkamali .
Ibinuhos nya ang laman ng bote na likidong parang tubig .
"Sino ka ?! Asido ba iyan ? " tanong ko sa kanya . Nadinig ko ang tawa nya . Pumalakpak pa sya .
Hinawi nya ang bangs nya bago sya tumalikod .
Kumikirot ang akin likuran , gusto ko syang puntahan pero hindi ko na kakayanin pang lumakad sa hagdan ."Nasaan ka na ?! " sigaw ko at napaupo na ako sa sahig .
Bumalik sya . Hindi ko maaninag ang dala nya .
Pero nakita ko ang isa nya pang dala , isang bolang gawa sa papel na binilog .
Nagliyab yon ng idikit nya yung isa nya pang dala na hindi ko makita doon sa bolang papel . Isa palang lighter ang dala nya . Ibinagsak nya ang bolang papel na umaapoy kay Casey na basa ng tubig .
Doon ko nalamang gaas ang tubig na tinapon nya . Nagliyab si Casey .
"Casey !!! " sigaw ako ng sigaw pero walang nakakadinig sa akin .
Hindi ko na makita yung babae sa taas dahil sa usok .
Tumayo ako at nagsisisigaw .
Napilitan akong tumakbo patungo sa gate , lumabas ako na lumuluha . Tumakas ako . Ayokong mapagbintangan .Kargo parin ng konsensya ko hanggang ngayon ang pagkamatay ni Casey , hindi ako nagsasalita noon kahit gusto kong tumistigo . Ako ang saksi , pero nanatili akong pipi . Ayokong madamay sa gulo . Inililigtas ko lang ang sarili ko . Hindi ko yon kasalanan . Ayokong may makaalam ng sikreto ko , at ng sikreto namen ng babaeng naka-eyepatch .