OAKC: The Promotion .

4 0 0
                                    

"Levina Is Out Of The Game . "

Zean 's POV

Pumasok na ako sa loob ng secret passage papunta sa Royal Camp .
"Bakit na-late ka , Zean ? " tanong ni Paula at inakbayan ako papunta sa mismong loob ng Royal Camp .

Ang royal camp ay ang tawag namen sa secret base namen dito sa school kung saan kame nagpupulong . At secret passage ang tawag namen sa daanan patungo dito . At hindi lang iyon , kameng mga sorority members lang ang pwedeng pumunta dito . Not a Sorority member , no entry .
"Pasensya na , tinapos pa kase namen ang project namen sa physics . " Sagot ko sa kanya .
"Alam mo ba kung bakit nagkaroon ng on the spot Meeting ? " Tanong ni Paula .
"Ha ? Bakit daw ? " Sagot ko .
"Kase may pepwesto na sa Star Agent . " Sabe nya na nakangiti pa .
"Talaga ? Sino daw ? " Tanong ko .

Hindi nya na sinagot ang tanong ko at isiniksik nya ako sa gitna ni Kesha at Blesserie .

Nakita ko na , si Levina ang bagong officer .

Nagkapag-tataka , bakit sya ang naging star agent eh wala naman sya sa list ng trainee ?
"Paano yun nangyari eh hindi naman sya ang nag-training para maging star agent ? " hindi ko napigilang mag-salita at ibuhos ang lahat ng pagtataka ko .
"Kase pinili sya ng ating Misstress Royal . " Malamlam na sagot ni Kathryn .
"Pero ikaw at si Rex Mae ang nag-training para maging Star agent , bakit sya pa ang napili ? " Pilit kong tanong .
"Eh ano bang masama , eh ako nga ang pinili ? " Sagot ni Levina at napatayo pa sya .
"Huwag ka nang kumontra . " hinila na ako ni Maxene paatras para hindi na ako makasagot .
"Pero bakit ? " bulong ko sa kanya .
"Mas mataas na sya sayo , kaya wala ka nang karapatang kwestsunin pa sya ng ganoon . " hinila nya ako palabas ng Royal Camp .
"Bitawan mo nga ako , babalik ako sa loob kase hindi sya ang bagay para maging Star agent . " Piglas ko .
"Tumigil ka nga Zean ! " Hinaltak ako ng malakas ni Maxene paharap sa kanya .
"Ano ba ?! " Inis kong sagot at kinalas ko ang kamay ko sa kapit nya .
"Naiintindihan mo bang wala ka nang karapatang kwestsunin sya kase mas nakatataas na sya sayo ! " Sinigawan na nya ako .

Natulala ako . Pero bakit ? Bakit pumayag sina Kathryn at Rex Mae na si Levina ang maging Star Agent ? Nagkaroon ba nang dayaan ?
"Pero hindi ako makapaniwala kase bakasyon palang nag-training na sina Kathryn at Rex Mae para maging Star Agent . Kaya hindi ako mapakaling alamin kung nagka-dayaan sa nangyayari ngayon . " Salita ko sa katahimikang bumalot sa amen .
"Hindi ka ba nakakaintindi Zean ? Sya ang pinili , kaya wala tayong magagawa kundi ang sumunod at sumabay sa agos . " Paliwanag nya .
"Okay . " malungkot kong tugon at inayos ko ang bag ko sa likod , at naglakad na ako palayo .

Isang pandadaya ang nangyari . Madaya si Levina , malakas sya masyado kay Misstress Royal . Nakakainis ang mga taong suhol ng suhol para makalamang sa iba . Oras lang na malaman kong mas tumaas pa ang posisyon nya sa Star Agent , tyak na mag-kiquit na talaga ako at sasabihin ko na lahat ng nalalaman ko at hindi lang iyon , ilalantad ko sila . Huwag nila akong subukan ng subukan , makakatikim sila ng nag-aalab na poot at galit galing kay Zean .

Kesha 's POV

Nakakapang-hina ang mga nangyayari . Kame , malulungkot , pero si Levina , nagpapakasaya sa posisyon nya . Ipaligpit ko kaya ito sa tropa ko ? Ahahaha nakakaawa parin si Levina kung ipapaligpit ko sya , hayaan ko na lang na may ibang gumawa noon para sa akin . Hindi ako kikilos para sa ikakasira ng pangalan ko . Ika nga eh , think before you click .

Nag-labasan na kame sa Royal Camp . Tinext ko na si Rikka na abangan na ako sa gate ng school .
"Sabay na tayo lumabas . " Sabe ni Rex Mae sa akin .
"Bakit parang paiyak ang tono mo ? " tanong ko sa kanya .
"Kase nakakatampo si Levina . " sabe nya at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata .
"Okay lang yan . May araw din si Levina na sya ang iiyak . " Sabe ko sa kanya at inakbayan ko sya .

Lalo syang umiyak . Gusto ko man ding kwestsunin ang nangyari sa loob ng royal camp pero kapag ginawa ko iyon ay baka mapag-initan pa ako . Bahala na siguro sya na gumawa ng hakbang para madala yang Levina na iyan .

Nakarating kame sa ground floor at doon kame naghiwalay ng landas .
"Ang tagal mo naman . " sabe ni Rikka sa akin pag-dating ko sa gate .
"Ang dame kaseng naganap sa loob ng royal camp . " sagot ko at nagpunas ako ng pawis sa mukha .
"Importante pa ba iyon kesa sa akin ? " tanong nya .

Niyakap ko sya .
"Oh sige , sa susunod hindi na ako male-late . " pagkasabe ko noon ay hinalikan ko pa sya sa noo .

Icy 's POV

Mag-aalasyete na ng gabi pero nasa kalsada parin kame nina Chad , Edson , at Miko . Solid na barkada talaga kame noong elem days palang . Laging kame ang nagdadamayan sa lahat . Wala eh , barkada kase .
"Uy mga bro , uwi na tayo baka mahuli pa tayo ng tanod . " Sabe ni Edson .
"Hindi yan , wala naman tayong masamang ginagawa eh . " sagot ni Miko .
"Ahahaha ala-syete na kaya . Di pa ba tayo uuwe ? " ako na ang nag-tanong .
"Uwi na nga tayo , kj nyo eh . " sabe ni Chad at tumawa pa sya .

Habang papalapit kame sa crossing , may isang bata ang lumapit sa amin .
"Kilala nyo ba ? " bulong ni Edson sa amin .
"Hindi eh . " sagot ni Miko .

Lumapit yung bata sa amin at inabot ang papel na nakarolyo kasama ang isang itim na rosas kay Chad at tumakbo na yung bata .
"Ano to ? Love letter ? " sabe ko at nagtawanan pa kame dahil sa inabot ng bata .
"Basahin mo nga . " Tugon ni Miko .

Binuksan ni Chad ang papel na nakarolyo .
"Levina is out of the game . " ang basa ni Chad sa nakasulat sa papel .

Once A KILLING Class 2 : Timbuktu MiergascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon