" Si Levina , patay na nga sya . Pero bakit ? "
Thimmy 's POV
Hinawi ko ang buhok kong naka-brush up nang minsan akong yumuko para ayusin ang bag ko . Sa akin pagtingala , nasa tapat na pala ako ng Class 2-A . Masusi kong pinagmasdan ang mga mukha nilang sumisimbolo sa mga inosente sa mundo , pero sila pala itong mga demonyo . Ang mundo nga naman , pabago-bago . Kung sino pa yung nasa kagalang-galang na section , sila pa itong mga hindi karespe-respeto .
Natanaw ko si Alyanna , katabi nya yung babaeng hanggang bewang ang buhok , medyo brownish ang buhok nya at maputi . Alam kong baguhan lang sya sa klaseng kinakasangkutan nya .
Nagpatuloy ako sa paglalakad , hanggang sa makalampas ako sa classroom nila .
Walang tao sa class 2-B , sa classroom na kinabibilangan ko . Nakakapagtaka , wala man lang mga bag na nakasabit sa upuan , kaya hindi maaaring nag-P.E sila o nasa computer laboratory .
Talagang wala lang tao sa classroom namen .
Propesiya ito ng mga kaklase ko siguro . Kapag kase sinabeng may propesiya , ibig sabihin non ay walang papasok kinabukasan . Pero wala ako kahapon kaya hindi ko alam kung may propesiya .
Magandang bagay at pagkakataon din naman ito sa akin . Maaari akong maghanap ng mga bagay na dapat ko pang matuklasan sa mga kaklase ko . Dali-dali akong pumunta sa likuran ng classroom kung nasaan ang mga lockers namen .
" Pu*a ang baho ?! " napamura ako ng makarating ako sa pagitan ng locker nina Blesserie , Xanthe , at Chloe .Amoy nabubulok na ewan . Amoy mabahong bangkay ? Ang baho talaga .
Halos bumaliktad na ang sikmura ko . Pero hindi ako maaaring magkamali sa hinala ko , may bangkay dito . Hindi ganito kabaho ang isang locker dito kung walang bangkay sa loob . Imposibleng kalat iyon dahil hindi ganito ang amoy ng kalat .
Nagbalik tanaw ako sa pintuan ng classroom , wala pa ding dumadating na class 2-B .
Kinatok ko ang locker ni Xanthe , parang wala namang laman ang tunog . Isinunod ko katukin ang locker ni Blesserie , ganoon lang din ang aking nadinig .
Huminga ako ng malalim dahil isang locker nalang ang hindi ko nakakatok .
" Okay , eto na . " sabe ko sabay buntong hininga .Yumuko ako bago ko katukin ang locker ni Chloe ng makakita ako ng paang walang sapatos sa ilalim ng locker ni Chloe . Nababalot ito ng putik at may ilang malalaking sugat .
" Ano to ???!! " Dahil sa aking gulat ay napa-atras ako sa mga upuan at napa-upo .Ilang beses pa akong kumurap pero totoo ang aking nakikita , isang paa .
Tumakbo ako sa labas ng classroom . Alam kong ako ang maiipit sa gulo kaya nagmadali akong tumakbo palayo sa classroom namen .
" Bro ? Easy lang ! " Bigla akong natauhan ng makita ko si Chad na nabangga ko pala at kapit nya ako sa balikat .
"Anong nangyayari sayo ? Okay ka lang ba ? " Dugtong pa ni Chad sa sambit nya .
" Mauna na .. a-ako . " halos mautal pa ang tono ko sa pananalita .Nagmadali akong tumakbo at lumayo kay Chad . Kailangan kong makalayo . Alam kong kapag nag-stay pa ako sa paaralang ito ay madadamay ako sa panibagong gulo , panibagong misteryo .
Cris ' POV
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo !! " pasigaw kong sabe kay Thimmy na pawisan at humahangos .
"Pasensya na ! Nagmamadali lang talaga ako . " Sabe nya at lumampas na sa akin .Anong problema non ? Siguro may kalokohan syang ginawa ?
Mahinhin akong pumasok ng gate ng school . Walang gwardya . Walang mga elementary na nagtatakbuhan sa buong ground floor . Teka , anong oras na ba ?
"8:43 am pa lang ng umaga , isang subject na ang late ako . " sambit ko ng makita ko ang oras sa relo ko .Ganoon kase ako pumasok , minsan nga apat na subject na ang na-miss ko bago ako dumating sa school .
Dumiretso na ako sa hagdan . Sa unang pagtapak ng mga paa ko sa unang baitang ng hagdan , nakarinig ako ng mga sigawan ng mga estudyante na dumadagundong na parang papunta sa hagdan . Hindi nga ako nagkamali , pababa sila ng hagdan .
"Oh my goodness ! " sambit ko at hinawi ko ang bangs ko . Naglakad ako patalikod ng matulin at tumabi sa gilid ng hagdan .Nagkakagulo ang mga naghalu-halong mga estudyante . Dumiretso ang ilan palabas ng gate , ang iba naman ay nagkumpulan sa ground floor . Muli akong lumingon sa taas ng hagdan at nakita ko si Ms. Camero at si Chad na sinisenyasan akong pumanik .
Hindi ko alam kung sorpresa ba ito o isang bluff pero kailangan kong pumanik dahil doon din naman ang tungo ko .
" May problema tayo . " bungad ni Chad sa akin nang makapanik ako sa hagdan .Kumunot ang noo ko bago ako sumagot sa kanya .
" Anong problema ? " tanong ko .
"May bangkay sa classroom naten . " Sabe agad ni Chad .Kinilabutan ang buo kong katawan . Gusto kong humiyaw sa takot . Hindi ko alam pero naghahalo-halo ang nararamdaman ko . Para akong sasabog ano mang oras .
" Sino ? Kanino yung bangkay ? " diretso kong tanong .Hindi nila sinagot yung tanong ko . Kinutuban ako . Hindi kaya si ... Ay ! Hindi pe-pwedeng mangyari yon !
Hinawi ko silang dalawa at tinahak ko ang kahabaan ng pasilyo patungo sa hagdan . Nagmamadali akong pumanik at tinakbo ang daan patungo sa aming classroom . Papalapit palang ako ay tanaw ko na ang dalawang pulis at yung gaurd .
" Tabi nga kayo ?! " Tinabig ko ang dalawang gaurd na nasa pintuan . Mula sa pwesto ko ay natanaw ko kaagad ang dalawang paa na nasa sahig . Lumapit ako sa bangkay na malapit sa locker .
"Kilala ko sya . " Sabi ko sa mga pulis .Si Levina , patay na nga sya . Pero bakit ?