OAKC2 : Like A Boss .

1 0 0
                                    

"Buti naman at marunong syang lumugar . "

Brent 's POV

Mag-iisang buwan na ang lumipas mula noong umpisa ng klase . Dalawa ang transfer , sina Kayzel at Kean . Hindi ko alam pero merong kakaiba kay Kayzel . Alam ko namang transferry lang talaga sya pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya . Ang bigat ng pakiramdam ko sa kanya . Para bang may mali sa kanya ? Hindi ko alam pero parang dati ko na syang kilala na hindi ko mawari . Lahat ng bagay na ginagawa nya na nasisilayan ko ay para bang wari eh nakita ko na .
"Okay class , ang fieldtrip natin ay ... 3 days nalang . So nakausap naming mga faculty members na I-extend ang bayaran at duedate ng bayad sa fieldtrip . " Sabe ni Ms. Suzette pagkapasok nya ng classroom .
"Ma'am ! How much po ba ang bayad sa field trip ? Tsaka pwede din po ba akong humingi ng form ? " Tanong ni Marian .
"Okay class , babalik ako . Wait lang at ikukuha ko si Marian ng form for the field trip . " Binitawan ni Ms. Suzette ang kapit nyang chalk at lumabas ng classroom .

Umingay na ang classroom . Nagdaldalan na ang iba , nagtayuan na .

Biglang dumating si Mika Casimiro . Pero tuloy lang ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa hanggang sa dumating ang mga late na miyembro ng sorority .

Natahimik ang lahat at nagtayuan . Takot kameng masaktan .
" Wala pa bang teachers ? " Tanong ni Kesha .
"Lumabas lang saglit . " Sagot ni Kayzel .
"Ikaw ba tinatanong ko ? Diba itong si Mika ang tinatanong ko ? " Bigla nyang hinila sa buhok si Mika pabalik sa kanilang pwesto .
"Hindi ka naman kase nakatingin sa kanya , nakaharap ka kaya sa amin . " Sagot pa ni Kayzel .
"Put* kung sumagot ka akala mo kaibigan mo lang kame ha ?! Hindi ka namen ka-level at transferry ka lang ! " Sinigawan ni Paula si Kayzel .
"Bakit ? Estudyante lang din naman kayo ha ? Kung magsalita kayo parang may nai-ambag ka na sa lipunan ha ? Sino ba kayo ? " dire-diretsong tanong nung transferry na si Kayzel .

Napailing si Kesha at hinila si Mika patapon sa mga upuan sa harap .
"Bastos ka ha ?! Hindi mo ba kame kilala ?! Sorority members kame at ngayon lang may bumastos sa amen ng ganito !! " Galit na galit si Kesha .
"Sorority ? Eh ano naman ngayon ? Baka nakakakalimot kang 2nd year highschool ka palang para mapasailalim ng isang sorority . Gusto mo I-report ko yang asta mong yan sa guidance ? " Matapang ang tono ni Kayzel .

Napuno na si Kesha . Lumapit sya kay Kayzel , kasunod ang mga iba pang miyembro ng sorority at nag-tabihan naman kame sa sulok .
"For your information ms. Kayzel Foster , walang magagawa ang school officials sa sorority namen , so you better respect us nalang para hindi ka namen mapag-initan . Or worst , we can kicked you out of this school . " Halos magdikit ang nagtatangusan nilang ilong sa tindi ng sinasabe ni Kesha sa kanya .

Napataas ng kilay si Kayzel .
"Tatanggalin nyo ako sa school na ito ? Matindeh ka pala eh !!! " Pang-uuyam ni Kayzel .

Lalatay na sana sa mukha ni Kayzel ang palad ni Kesha ngunit matuling nahawakan ni Kayzel ang kamay ni Kesha .
"Hinding-hindi lalapat ang madudumi mong palad sa mukha ko . Tandaan mo yan . " Binitawan ni Kayzel ang kamay ni Kesha at dumaan sa gitna nilang lahat si Kayzel .

Walang nagawa sina Kesha kay Kayzel . Sa wakas , may makakatapat na sina Kesha , silang mga sorority members .

Kylla's POV

Ang tapang naman ni Kayzel , palakpakan naten ?!

Dumaan sya sa gitna nung mga hung-hang na sorority members at dumiretso sya sa upuan nya . Akala ko pa naman ba napakatapang nung Kesha na yun ? Wala palang binatbat kay Kayzel eh ? Feeling matapang lang pala , nakakaawa .

Dumating si Ms. Suzette at naubatan kameng ganito .
"Class anong meron at nakatayo kayo ? " Tanong nya .

Walang sumagot . Tahimik ang lahat at walang kibo .
"Class I was asking all of you ? " Sabe pa nya at binaba nya yung form na bitbit nya sa teacher' s table .
"Ms. Suzette kaya kame nakatayo ay nahihiya kameng maupo sa tabe ng transferry na mayabang . " Pabida kong sagot .

Napalingon yung teacher kay Kayzel .
"What happened ? " tanong ni Ms. Suzette kay Kayzel .
"Oh well Suzette Asuncion , sa kanya ka pa talaga nagkaroon ng ganang magtanong imbis sa aming mga nakatayo . Tindi mo naman . " Biglang nagsalita si Kesha .

Biglang nag-iba ng mood si Ms. Suzette .
"How there you to talk to me like that ?! I was your teacher and you need to respect me ! " Nang-gagalaiti si Ms. Suzette kay Kesha .
"It's all your fault . You dont deserve my respect because your just a teacher , and a teacher is just a teacher . Tell me , Suzette , do I need to respect you ? Did you deserve it ?!? " Paiba-iba ng tono si Kesha habang binubulyawan yung kaawa-awang teacher sa harap .

Hindi na nagsalita yung guro sa harap at agad syang nasampal ni Ms. Suzette . Halos tumabingi yung mukha nya sa sampal sa kanya .
"Bastos . " isang madiin na tono ang sinabe ni Ms. Suzette .

Hindi nakakibo si Kesha . Buti naman at marunong syang lumugar .

Once A KILLING Class 2 : Timbuktu MiergascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon