"Sure . Gusto nila ng kahayupan , sige pakita namen , ipakita naten . Lalong lalo na yung mga pakielamera . " Sabe ko na may kasamang pandidiin .
Julius ' POV
Maaga kameng tinawagan ni Mr. Canseco para pag-usapan ang nangyari kahapon . Wala naman akong kinalaman doon dahil hindi ako pumasok kahapon ngunit kailangan ko silang siputin pagkat kabilang ako sa section na nag-aaral sa classroom kung saan natagpuan ang isa daw na bangkay . Medyo hindi ko alam kung ano talaga ang exactly na nangyari kahapon.
Nakita ko sina Kylla at Mika na magkasabay maglakad patungo sa room . Hinabol ko sila .
"Anong nangyari kahapon ? " Tanong ko bago ako makasabay sa lakad nila .Nahinto ang sinasabi ni Mika at sabay silang lumingon sa akin na punung-puno ng pagtataka .
" Wala kame kahapon dito . " Sabe ni Kylla .
" Wala kayong alam ? " Tanong ko ulet .
" Ang pangit ng tanong mo , parang may gusto kang sabihin na hindi mo ma-diretso . " Sabe bigla ni Mika .
"Ha ? Eh .. eh wala naman akong iniibig sabihin sa tanong ko . Tinanong ko lang kung may alam kayo sa nangyari kahapon . " Alibay ko .
" Wala nga kame dito kahapon ! Napaka-kulit mo . " Sabe ni Mika at nagmadali syang maglakad .Napalingon nalang si Kylla at humabol na kay Mika .
Tama . Tama nga ang hinala ko . Kilala ko na ang may kasalanan .
Kesha' s POV
Okay , ang tagal ng mga kaklase ko ha ? Nakakainip naman . May practice pa kame ng volleyball sa half-court namen sa subdivision namen pero dahil sa lintik na bangkay na yan , ang daming naabala .
Paglingon ko sa pinto ay bugnuting pumasok si Levina kasunod si Kylla . Mukhang may ginagawa din to na naistorbo . Hindi kaya ... No ! Oh my goodness , hindi pwedeng may makaalam ng .. No way !!
Bigla akong lumingon muli sa pinto .
"Kesha , walang makakaalam . Kesha stop imagining so bad like this . " bulong ko sa sarili ko . Kailangan kong maging positive-thinker . Walang pumalya kahapon . Lahat ay nangyarig planado . Everything is good . Today is better than yesterday and today will be good than tomorrow ." Nakita ko nang nagdatingan na ang lahat ng iba pang wala .
" Okay . Buti at sumipot kayo . Okay class , may gusto bang mag-umpisang magsalita ? " tanong ni Mr. Canseco .Nanaig sa paligid ang katahimikan . Lahat ay nakatitig lang kay mr. Canseco . Maski sina Julie na madaldal ay hindi nagsasalita . Siguro nga ay walang nakakaalam . Unless nalang kung may dalahirang umusig sa ginawa kahapon . Lagot sya saken kung makikilala ko sya .
" Okay . Ako na muna ang magsasalita . Gusto kong ibahagi sa inyo na ang natagpuang bangkay kahapon dito ay natukoy na . Sya ay si Judy . " Sabe ni Mr. Canseco .Nag-umpisa ang mga bulong sa bawat sulok ng silid-aralan .
" Sino po si Judy ? " Tanong ni Kean .
" Si Judy ay dating nag-aaral dito na napabilang sa section noon na mas kilala bilang Class 1-B . " Ako na ang nag-paliwanag .
" Sir , matagal na po ang issue na yon . " Singit ni Katty .
" Bakit , nakasisiguro ba kayo na yung lumang issue ang pinag-ugatan nito ? Diba hindi ? " Sabe ni mr. Canseco .
" Then what ? Is there any issues that she was belong before she leave ? " Tanong naman ni Haydie .
" And that was it . " maikling sagot ni mr. Canseco .
"What ?! Di ko naintindihan ? " Sabe bigla ni Kesha .
" Yun ang pag-uusapan naten , kung may iba pa ba kayong nalalaman tungkol kay Judy Ortega . " Sabe ni mr. Canseco .Nawala ang bulung-bulungan sa buong paligid . Nanatiling blangko ang mga bibig namen . Walang boses ang umalingawngaw sa paligid .
" Sir , matagal na po kameng walang balita sa kanya . Pero si Gelene Nonata , yung babaeng naka-pony hair lagi sa section B , sya , sya yung huli kong natatandaang naging bestfriend ni Judy . Malamang Sir may nalalaman pa sya kay Judy better on what we knew . " Sabe ni Haydie .
" Really ? " Sambitla ni Mr. Canseco .
"Yun yung alam ko . " Depensa ni Haydie sa sagot nya .Bumalik si Mr. Canseco sa table at binuksan ang tablet nya .
May bin-rowse lang sya at iniharap nya sa amin ang tablet nya at ipinakita sa amin ang isang larawan ng papel na lukot-lukot at may bakas ng mantsa ng natuyong dugo .
Napatayo pa yung iba para mabasa ng maayos ang nakasulat doon .
" Wala kayong alam sa dinanas ko sa kamay ng isang malupit na tao , hindi ko alam kung tao pa ba ang dapat ituring sa katulad nya dahil sya ang pumatay kina Theresa , Khimberllie , at Pauleen . At ngayon , alam ko na , ako na ang susunod . Pinilit kong tumakas pero hinabol nya ako . And I thought , this message would give all those students who know whom I was talking . Makakatulong tong babala ko para wala nang susunod sa aming apat sa hukay . Nakikiusap ako , sa mga natitirang estudyante ng St. Martin Academy , sa batch naten , gusto kong tapusin nyo na ang kahibangang ito . Ayokong magkaroon tayo ng reunion sa impyerno . "Halos maiyak ang ilan sa mga kaklase ko na naging malapit kay Judy matapos naming mabasa ang liham nya . Kahit anong ginawa naming kasamaan sa kanya , nanaig parin sa puso nya ang tulungan kameng makaligtas sa kamay ng isa daw malupit na tao .
" Sinong gumawa nito sa kanya ? " Sabe bigla ni Kylla .
" Wala pang balita sa ngayon yung private investigator ko . Pero sa darating na mga araw , babalitaan ko nalang kayo . Kaya mag-ingat kayo . " Sabe ni Mr. Canseco at lumabas na sya ng room .Ilang minuto kameng natahimik at bigla itong binasag ni Alyanna .
" Ano ba kayo ? Hindi nyo ba naiintindihan ang sinabe ni Mr. Canseco ? " sigaw nya .
" Anong pinagsasasabe mo ? " sigaw ni
Paula .
" Ang sabe nya ay babalitaan nya nalang tayo kapag may impormasyon na sa pumatay kay Judy . At ito yung nakakagalit sa sinabe nya , ' kaya mag-ingat kayo ' tama ba yon ? Anong gusto nyang palabasin ? Nasa atin lang ang gumawa non ? " sabe nya .
" Hala ?! Baka mamaya tayo pala yung pina-iimbistigahan nya ? " sigaw ni Janice .
" Hala oo nga . Wala pala syang kwenta eh . " Sigaw naman ni Kathryn .
" He sucks ! Dapat sya nalang yung namatay hindi si Judy . " sigaw ko naman .Damn and bustard school president ! Anong gusto nyang palabasin ? Mamamatay tao kameng lahat ? Eh ga*o pala sya eh ?
" Oh well , sige umuwi na tayo . Tutal ganyan pala nila tayo ituring , sige bigay naten yung gusto nilang tratuhan . " sabe ni Kathryn .
"Sure . Gusto nila ng kahayupan , sige pakita namen , ipakita naten . Lalong lalo na yung mga pakielamera . " Sabe ko na may kasamang pandidiin .