(✿^‿^)
MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR EVERYONE!
;)
IMPORTANT DISCLAIMER
This is work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidences in this book are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincedintal.
PLAGIARISM is a CRIME and PUNISHABLE by LAW
~•~
PROLOGUE
"Leonna!!!!!!!"
Napa-hawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng boses ng babaeng sumalubong sa akin sa daan.
"Jusko naman Calissa! Mahiya ka naman, nasa kalsada tayo. Kung maka sigaw ka naman, aatakihin ako nito sa puso ng dahil sayo!" sunod sunod na reklamo ko habang papalapit ako sa kaniya.
"Sorry na." natatawa niyang sabi, "May good new ako sayo!"
"Ano na naman yan. Hindi ako na niniwalang good news yan, sabihin mo nalang na chismis mas maniniwala pa ako-Aray!" Napahawak nalang ako sa braso ko dahil sa lakas ng pagkakapalo niya.
Walanghiyang babaeng 'to, alam niya nang mabigat ang kamay niya, namamalo pa.
"Bakit ba!?" ani ko, ngumuso lang naman siya.
"Ikaw kasi! Makinig ka nalang sakin, good news 'to promise." sambit niya, napairap nalang naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad habang siya naman ay nagsimula ng magkwento.
"So, yun nga! May gaganaping 3-Days Year End Celebration this coming December 14, 15 and 16. May mga event, games, and other activities." aniya.
"Oh ano naman ngayon, December 1 palang naman." sabi ko, at agad na umiwas dahil alam kong mamamalo na naman 'to.
"Makinig ka muna kasi!" nakanguso pa niyang sabi, natawa nalang ako at tumango-tango nalang.
"Sa December 15 ang highlight na activity is singing contest, sumali ka!" Agad na napalingon naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Ano ka!? Ayoko nga."
"Yo, sige na!" aniya at inalog-alog pa ang kamay ko.
"Ayoko!"
"May cash price! 3k ang champion, 2k ang first placer, at 1k naman ang second placer, tapos may 100 pesos na consultation sa hindi mananalo." aniya.
Saan niya nakuha ang mga impormasyon na yan?, syempre nag meeting ang buong student council kahapon, at siya ang representative ng STEM-12, kaya nandon siya at alam niya ang tungkol diyan.
"A.YO.KO." matigas na sambit ko at nauna ng maglakad, since today is thursday at may pasok pa kami, kaya ito kami ngayon naglalakad papunta sa school.
Walking distance lang naman ang school namin mula sa mga bahay namin kaya nilalakad lang namin.
"Leonna, sige na!!!" malakas na sabi ni Calissa habang nakasunod sa akin.
Singing contest? Nah, nakakahiya! Wala akong lakas ng loob para kumanta sa harapan ng maraming tao, kaya AYOKO. Bahala siya diyan, basta ayoko.
YOU ARE READING
Love In December (COMPLETED) [Christmas Special 2022]
Short Story/// Christmas Special /// A senior high school student who's too busy spending her spare time watching kdramas, reading novels, online games, and spending a lot of time on social media will suddenly have a month full of surprises and unexpected happ...