CHAPTER 11

94 29 3
                                    

"Ang galing niya!!!" naiiyak na sabi ni Jonathan.

"Bagay kayo." sabi naman ni Amara, napanguso at napaiwas nalang naman ako ng tingin.

"Tapos na ba? Pwede na bang umuwi?" bagot na sabi ko naman.

"Aray ko!" sambit ko ng bigla na naman akong nakatanggap ng palo sa braso mula kay Jonathan.

"Anong uwi? Mamaya na! Baka mag announce pa ng winner." sabi niya naman.

"Hindi bukas na 'yan." sabi ko naman.

"And now we will be announcing our top 3." biglang sabi nong mc.

"Bukas? Ha? Bukas?" sarcastic na sabi naman ni Jonathan habang nanlalaki pa ang mga matang nakatingin sa akin.

Napairap nalang naman ako.

"Let's call here on stage, our top 3 contestants who will have a battle for the grand winner!" malakas na sabi nong mc dahilan para maghiyawan na naman yung mga tao.

"Ha? May battle? Ba't Hindi ako informed?" rinig kong sabi nong isang contestant na nasa likuran namin.

Napatingin naman ako sa suot na wristwatch, it's already seven o'clock in the evening.

"The grade 11 representative!" rinig kong sabi ng mc na sinabayan naman ng hiyawan at palakpakan ng audience. "The grade 9 representative!.... And lastly, the grade 12 representative!!!"

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!"

"Waaahhh bhe!!!! Para sa grand price!!! Let's go, Leonna!!!" sigaw nina Jonathan at Amara na tinulak tulak pa ako.

"LEONNA!!"
"LEONNA!"
"LEONNA!"

Napailing at nahihiyang naglakad nalang ako papunta sa stage.

"Congratulations, Leonna." agad na sabi nong lalaking may hawak ng electric guitar since siya yung mas malapit sa may hagdan.

"Thanks." nahihiyang sambit ko at naglakad papunta sa gitna.

Hindi ko pa alam yung mga pangalan nila, yung brown yung buhok lang ang alam ko since narinig ko kanina si Asher.

Speaking of Asher, nasa may pintoan siya papunta sa backstage at malapad ang ngiti. He gave me thumbs up kaya ngumiti nalang naman ako.

Shit, the crowd is so loud. Hindi ba sila naiingayan? at ang sakit kaya sa lalamunan niyan.

"Tomorrow, we will be going to witness the battle of the winners! See you at the last day of our Year End Celebration MNHSians!" malakas na sabi ng mc at agad namang sinabayan ng malakas na hiyawan.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ngayon na kami kakanta ulit.

"Excuse me girls." biglang sabi nong tao sa likuran namin, si Justin pala.

"Let's talk about your performance again for tomorrow, okay lang ba?" tanong niya naman, agad naman kaming tumango.

"Okay, so see you later sa backstage." nakangiting sabi niya ulit, tumango nalang naman kami at agad na umalis sa stage.

Bumalik ako sa upuan namin nina Jonathan at Amara. Yung dalawa naman ay ang iingay, panay tili, hindi na nahiya sa mga taong nasa tabi namin.

Pagkalabas namin ay nag paalam naman ako dahil pupunta pa ako sa backstage. Silang dalawa naman ay agad na nagpaalam na uuwi na since medjo malayo pa ang uuwian nila.

Nang makarating ako sa backstage ay nandon na yung dalawang kasali sa top 3 kasama si Asher at si Justin.

Asher saw me entering kaya agad siyang ngumiti at lumapit sa akin. "Congratulations, Leonna! I know you'll made it." aniya.

Love In December (COMPLETED) [Christmas Special 2022]Where stories live. Discover now