CHAPTER 6

98 30 3
                                    

Who is he, is he my schoolmate? Dito rin ba siya nag-aaral? Tangina, mababaliw na ko kakaisip.

"Marami ang tao kanina sa room bhe kasi pumunta don yung mga poging banda." Napatingin naman ako kay Jonathan dahil sa sinabi niya.

"Hinahanap ka nila. Tinatanong nila kung may napili ka na bang kanta, hindi kasi sila sure kung makakapunta sila bukas, yun yung sabi sa amin kanina." sabi naman ni Amara.

Tsk, may problema pa pala ako! Ano bang kakantahin ko!

"Ano bang magandang kanta?" biglang tanong ko naman sa kanila.

"Ewan namin sayo, ikaw naman yung kakanta hindi kami." agad na sabi naman ni Jonathan.

Napairap nalang ako at itinuon nalang ulit yung tingin sa daan.

"Leonna!!!" Napatingin naman ako sa second floor ng building na nasa harapan namin ng marinig yung boses ni Calissa.

Kumaway siya sa amin, kumaway naman pabalik yung dalawa.

"Wait lang." aniya at mabilis na tumakbo, mukang baba seguro kaya tumigil muna kami at hinintay siya.

Ano naman kaya ang problema ng babaeng to.

"Hi Jonathan, Amara." agad na bati niya sa dalawa.

"Hi, Cal." bati naman nong dalawa sa kaniya.

"Anong kailangan mo?" agad na tanong ko naman sa kaniya.

"Hoy! Sino yung mga poging pumunta sa room niyo kanina?" agad na tanong niya naman, kaya napangiwi nalang ako.

"Sila yung banda bhe, hinahanap si Leonna kanina." agad na sagot naman ni Jonathan.

"Ay oo nga pala. May napili ka ng kakantahin? Sila diba yung mag babanda sa contest?" ani Calissa sakin at simpleng tumango lang naman ako.

"Oh, ano pang kailangan mo? Nag missed call ka kanina?" tanong ko naman sa kaniya.

"Oo! Hoy hindi ka ba nag bubukas ng twitter mo ngayon?" sabi niya.

"Hindi, busy ako." simpleng sagot ko naman.

"Kayo? Hindi ba kayo active sa twitter?" tanong niya naman sa dalawa.

"Two days na akong hindi nag twi-twitter." sagot naman ni Amara.

"Ako kagabi at ngayon, buong araw hindi ko pa nabubuksan yung twitter ko, bakit may bagong chika ba?" ani naman ni Jonathan.

"Gagi! Oo!" mabilis na sagot ni Calissa.

"Na-adik ka na rin sa twitter." komento ko naman.

"Ito oh." aniya naman at may ipinakita sa phone niya, napairap nalang naman ako at hinayaan silang tingnan kong anong latest chismis sa twitter.

"Hala bhe, parang ikaw 'to oh." biglang sabi ni Jonathan.

"Kaya nga! Nakalugay kasi yung buhok tapos nakatalikod." sabi naman ni Calissa.

"Parang ikaw 'to, te." sabi naman ni Amara habang nakatitig sa phone ni Calissa.

"Ano ba yan?" curious na tanong ko naman at lumapit sa kanila at nakisilip sa tiningnan nila sa phone ni Calissa.

"Bhe, ikaw talaga 'to!" ani Jonathan.

"Parang ngayon kinuha yung pic." ani Amara naman.

"Pero bakit ka ipopost ni Asher?" sabi naman ni Calissa.

Napatitig nalang naman ako sa post na ipinakita ni Calissa.





Asher Evan W. @asherevann  • 3h
            Cool + cutie 🥰
          * Insert Picture *





Love In December (COMPLETED) [Christmas Special 2022]Where stories live. Discover now